Ina, inakalang katapusan na nila ng kaniyang baby sa Marikina

“Akala po namin katapusan na namin e,” - ani ng isang nanay habang hawak-hawak ang ang kaniyang baby na nakaligtas sa Marikina

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Labis ang pinsalang iniwan ng typhoon Ulysses sa mga Marikina, Rizal, at iba pang bahagi ng Luzon. Marami ang na-trap sa kani-kanilang kabilang na ang mga bagong silang na sanggol at kanilang mga nanay, sa kasagsagan ng bagyong Ulysses.

Hindi na nakalikas ang marami dahil sa biglaang pagtaas ng tubig. Umaabot ang taas ng tubig hanggang sa 2nd floor ng mga bahay sa Marikina at Rizal. Maraming mga pamilya ang nasa itaas na lamang ng kanilang mga bubong habang naghihintay ng mga rescuer.

Epekto ng Tyhpoon Ulysses

Larawan mula sa GMA News

Wala pang kumpleto at tiyak na datos sa ngayon kung gaano kalawak ang iniwang pansalang ng typhoon Ulysses sa buong bansa. Sa Marikina umabot sa halos 22 meters ang taas ng tubig, ayon ito sa ulat ng kanilang lokal na pamahalaan. Mas mataas pa umano ito sa water level noong nanalanta ang bagyong Ondoy noong 2009.

Ang mga baby at bata kasama ang kanilang mga nanay ay agad na dinala sa barangay hall ng mga rescuers.

Isang nanay nga ang nagsabi na hindi niya inaasahan ang mabilis na pagtaas ng tubig.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Akala po namin katapusan na namin e,” ani ng isang nanay na na-rescue sa Marikina.

Dagdag pa rito, hindi madali ang pagre-rescue sa mga na-trap na residente sa kanilang bahay sa Marikina. Ang taas ng tubig ay abot na kasi sa kawad ng kuryente. Malakas din umano ang current ng tubig ayon sa isang rescuer.

Kaya naman ang ibang residente ay tumulong na rin sa pag-rescue lalo na sa mga sanggol. Sa Tweet ni Chino Gaston. Makikita na ang mga residente ay tinulungan ang isang 10-buwan na sanggol upang malagay sa ligtas na lugar. Gumamit ang mga residente ng batsa at lumang gulong sa Barangay Concepcion sa Marikina.


BASAHIN: 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Jericho Rosales at Kim Jones, tumulog sa rescue gamit ang surf boards

Mga malls sa Metro Manila na bukas para sa mga naapektuhan ng Typhoon Ulysses

10 bagay na dapat gawin at ihanda bago dumating ang bagyo

Bayanihan sa gitna ng typhoon Ulysses

Sa gitna ng paghagupit ng typhoon Ulysses sa bansa, nagpamalas na naman ang mga kapwa nating Pilipino ng bayanihan. Maraming nagsagawa ng iba’t ibang relief operation. Mapa-indibidwal o mga organisasyon.

Bumuhos ang tulong sa nasalanta ng bagyo, marami nagbigay ng libreng pagkain at nag-donate ng mga damit ang blanket. Kaisa na rin sa mga nagpaabot ng tulong ay ang mga personalidad na sina Michelle Gumabao, Macoy Dubs, at tumulong din ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones sa pag-rescue sa kanilang mga kapitbahay sa Marikina gamit ang kanilang surfboard. Gayundin si Donnalyn Bartolome na isang YouTube vlogger at celebrity.

Larawan mula sa theworldnews

Sa ngayon, marami pa rin ang nangangailangan ng tulong sa mga naapektuhan ng typhoon Ulysses. Maaari tayo tumulong at makipag-ugnayan sa mga non-government at government organization para makapagpaabot ng tulong. Patuloy pa rin ang isinasagawang pagre-rescue at relief operation ng mga lokal na pamahalaan na nasalanta ng typhoon Ulysses kaisa na ang national government kasama ang iba’t ibang mga pribadong sektor. Patuloy na rin ang pagbibigay ng relief good sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga paghahanda na dapat tandaan kapag may parating na bagyo

  • Subaybayan ang balita tungkol sa bagyo
  • Huwag nang lumabas kapag hindi kailangan
  • Alamin kung saan puwede lumikas
  • Itaas ang mga gamit na maaabot ng tubig
  • Maging alerto
  • Mag-imbak ng mga pagkain
  • I-charge ang inyong mga cellphone at power bank
  • Ihanda ang first aid kit
  • Ilagay sa ang mga importanteng dokumento sa plastic upang hindi mabasa kung kayo’y bahain
  • Ihanda ang personal na kagamitan
  • Maghanda rin ng inyong hygiene kit

Basahin ang mas detalyadong paghahanda na dapat mong tandaan kapag may sakuna, sa ulat na ginawa ni Jan Alywn Batara, basahin dito. 

Mga emergency hotline na puwede niyong tawagan:

Mga mommy at daddy narito ang listahan ng emergency hotlines na maaaring tawagan sa oras ng sakuna.

911- National Emergency Hotline

National Disaster Risk Reduction and Managements Council (NDRRMC)

Trunk lines:

(02) 8911-5061 to 65 local 100

Operations Center:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

(02) 8911-1406

(02) 8912-2665

*(02) 8912-5668

(02) 8911-1873

Office of Civil Defense – National Capital Region:

(02) 8421-1918

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

(02) 8913-2786

Office of Civil Defense – Region I:

(072) 607-6528

Office of Civil Defense – Region IV-A:

(049) 531-7266

NDRRMC Region IV-B:

(043) 723-4248

NDRRMC – Cordillera Administrative Region:

(074) 304-2256

(074) 619-0986

*(074) 444-5298

(074) 619-0986

Red Cross

Hotline: 143

National Blood Center: (02) 8527-0000

Trunk line: (02) 8790-2300

Disaster Management Office: 134 (Staff), 132 (Manager), 133 (Radio Room)

Emergency Response Unit: (02) 8790-2300 local 604

Telefax: (02) 8527-0864

Philippine Coast Guard

Hotlines:

(02) 8527-8481 to 89

*(02) 8527-3877

(02) 8527-3880 to 85

Text hotline:

0917-PCG-DOTC (0917-724-3682)

0918-967-4697

PHIVOLCS

Trunk line: (02) 8426-1468 to 79

PAGASA

Trunk line: (02) 8284-0800

INGAT PO!

 

Source:

GMANews

 

 

Sinulat ni

Marhiel Garrote