Typhoon Ulysses nanalasa sa maraming lugar sa Luzon at Metro Manila. Dahil sa hagupit at epekto nito, narito ang mga lugar na nag-deklarang walang pasok bukas, November 13, 2020.
Walang pasok bukas November 13, 2020 dulot ng Typhoon Ulysses
Isa sa naunang nag-deklara ng suspensyon ng klase bukas ay ang siyudad ng Maynila. Ito’y dahil ayon sa Manila City LGU ay may 1,125 families o higit sa 4,600 ang nananatili ngayon sa mga evacuation centers. Ito ay dahil sa naging epekto ng malakas na hangin at pag-ulan ng Typhoon Ulysses magdamag kagabi.
Ayon sa Manila City PIO, walang pasok sa lahat ng level ng eskwelahan bukas. Pampubliko man o pribado at kabilang na ang mga klase sa graduate school.
Maliban sa siyudad ng Maynila ay narito pa ang mga lugar sa Metro Manila na nag-deklara na ng walang pasok bukas.
Metro Manila
Caloocan City – all levels (public and private)
Mandaluyong City – all levels (public and private)
Valenzuela City – all levels (public and private)
Ateneo de Manila University – Nov. 13 and Nov. 14
University of the Philippines Diliman – until Nov. 15 (Sunday)
Image from Philstar.com
Cagayan Valley
Cagayan province – all levels (public and private)
Ayon naman sa weather forecast, makararanas parin ng moderate to heavy rains ang maraming lugar sa Cordillera Administrative Region at North Luzon ngayong gabi. Kaya naman dahil dito ay nag-deklara narin na walang pasok bukas ang mga eskwelahan sa Cagayan Valley. Ito ay sa lahat ng level rin, mapa-pribado man o pampublikong eskwelahan.
Makakaranas naman ng light to moderate rains ang ilang lugar sa Visayas at natitirang bahagi pa ng Luzon.
BASAHIN:
Jericho Rosales at Kim Jones, tumulog sa rescue gamit ang surf boards
Hagupit ng Typhoon Ulysses
Sa ngayon, ay naitalang may isang nasawi dahil sa hagupit ng Typhoon Ulysses. Ito ay isang 68-anyos na lalaking natagpuang patay sa bubong ng kaniyang bahay sa isang coastal community sa Camarines Norte. May naiulat ring tatlong tao ang nawawala at patuloy na pinaghahanap dahil parin sa pananalasa ng bagyo.
Ayon sa PAGASA, ang Typhoon Ulysses ay may lakas ng hangin na gumagalaw ng 155 km per hour o 96 miles per hour. Pagdating sa buhos ng ulan, ito ay ikinukumpara ng marami at mga eksperto sa Typhoon Ondoy noong 2009. Pero ayon kay PAGASA weather forecaster Benison Estareja hindi hamak na mas maraming pag-ulan ang naranasan kay Typhoon Ulysses. Dahilan upang maraming lugar sa Luzon ang lumubog sa baha.
“In terms of pag-ulan natin, ina-assess pa rin natin pero comparable po. Masasabi nating mas maraming pag-ulan na naranasan dito sa bagyong Ulysses compared kay Ondoy dahil malawak ang bagyo.”
Ito ang pahayag ni Estareja sa isang panayam.
Image from Manila Bulletin
Paalala ng awtoridad
Ayon sa mga report, nakapag-record ang Typhoon Ulysses na pinakamataas na amount o dami ng ulan sa loob ng 24 oras sa Tanay, Rizal sa bilang na 356 millimeters. Sumunod dito ang lugar ng Daet sa Camarines Sur na may 271 mm dami ng ulan. Nasa 255 mm naman sa Infanta, Quezon at 238 mm sa Casiguran, Aurora.
Sa Quezon City naitala ang 153 mm rainfall na dulot ni Ulysses. Inaasahang sa Biyernes pa lalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo. Kaya naman paalala ng mga awtoridad ay mag-ingat. Umiwas na sa mga lugar na binabaha at maaaring bahain dahil sa mabilis na pag-angat ng level ng tubig.
Pagdating sa suspensyon ng klase nauna nang sinabi ng Department of the Interior and Local Government o DILG na maaari pa ring mag-suspende ng klase at trabaho kahit na naka-online classes ang mga estudyante sa ngayon at maraming manggagawa ang ang nagwowork-from-home.
Emergency contact numbers
Narito naman ang mga emergency contact numbers na maaari ninyong matawagan upang makahingi ng tulong sa oras ng kalamidad at sakuna.
Source:
Photo:
Photo by Josh Hild from Pexels