7 Best pregnancy pillows na makakatulong sa iyong pagbubuntis at maari mong bilhin online

Isa sa factor na kailangang isipin para magkaroon ng komportableng pagtulog ay ang unan sa mga buntis. Looking for u-shape pregnancy pillow? Basahin ito! | Lead Image from Dreamstime

Naghahanap ka ba ng u-shape pregnancy pillow? Mommy, just keep on reading!

Tamang sleeping position ng buntis

Isang mahalagang parte ng pagbubuntis ang pagkakaroon nila ng komportable at sapat na tulog. Kasama na rito ang mga healthy foods, exercise at vitamins na makakatulong rin kay sa paglaki ni baby. Ngunit hindi lahat ay nagkakaroon ng komportableng tulog dahil sa pananakit ng ilang parte ng katawan ng isang buntis.

Nandyan ang masakit na likod, nangangalay na binti at tagiliran.

Alam niyo ba na pagpasok ng 2nd trimester ni mommy ay kailangan nilang ugaliin na matulog sa kaliwang bahagi nila? Ito ay mas kilala bilang SOS – Sleep On Side: Save our souls.

Ang sleep on side ay maaaring paraan upang maligtas ang iyong baby at makakapagpababa ng risk ng pagkalaglag. Dahil may mga naitalang stillbirth case at napagalamang natutulog sila ng supine position o pahigang posisyon habang nagbubuntis.

Ayon sa pag-aaral tungkol sa maternal sleep position at risk of stillbirth ng BJOG: An International Journal of Obstetrics and Gynaecology, napag-alaman na ang mga babaeng nakakaranas ng stillbirth pagkatapos ng 28 weeks gestation ay 2.3 times more likely na natutulog pahiga kesa patagilid.

Kaya naman mahalaga sa isang buntis ang magkaroon ng komportable at safe na pagtulog. Isa sa factor na kailangang bigyang pansin rin ni mommy ay ang tamang pagpili ng unan para sa kanila.

Mga uri ng pregnancy pillows sa Philippines

Kaya naman mahalaga sa isang buntis ang magkaroon ng komportable at safe na pagtulog. Isa sa factor na kailangang bigyang pansin rin ni mommy ay ang tamang pagpili ng unan para sa kanila. Narito ang mga uri ng unan na swak para sa'yo.

1. Full-body Pregnancy Pillow

Ang full-body pregnancy pillow ay makakatulong para sa pagsuporta sa likod ni mommy kapag nakahiga o kaya naman nakaupo.

2. Wedge Pillow

Isang uri ng pregnancy pillow kung saan nilalagay sa ilalim ng tyan kapag nakahiga.

3. U-Shaped Pregnancy Pillow

Makakatulong sa'yo na makatulog ng maayos dahil ang unan na ito ay makakabawas ng pananakit ng katawan, balakang at likod dahil sa suportang binibigay sa buong katawan.

4. C-Shaped Pregnancy Pillow

Ang C-Shaped Pregnancy Pillow ay sumusuporta sa iyong ulo, likod, hita at tyan. Nakakatulong rin para mawala ang pananakit ng balakang at spine.

5. The Side-sleeper Pregnancy Pillow

Kakaibang unan na ginawa para maging comfortable ang pagtulog ng isang buntis. Sumusuporta ito sa iyong likod at tyan kapag nakahiga patagilid.

6. The Solid Body Pregnancy Pillow

Isang mahabang unan na perfect para sa tamang comfort kay mommy at sa lumalaki nitong tummy. Makakatulong rin ito sa pananakit ng likod.

7. Total Body Pregnancy Pillow

Ang unan na ito ay perfect din para sa pagtulog sa side ni mommy. Masusuportahan nito ang lumalaking tummy!

 

BASAHIN:

10 produkto na pang sipsip ng sipon ng baby at paano ito gagamitin

Editor's note: The product links provided here are aimed to help simplify product searches for our readers. Purchase the items at your own discretion. We do not take liability for any transaction issues and dispute. If you purchase an item from this post, theAsianparent may receive a small cut. Each item and price is up to date at the time of publication; however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.

Sinulat ni

Mach Marciano

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community saiOS oAndroid!