Mommy nagtataka ba kayo na bakit ang iyong adorable at gentle baby noon ng siya’y naging dalawang taong gulang na bata ay nag-iba na ang kaniyang ugali. Hindi na siya sumusunod sa ‘yo at nai-stress ka na sa kaniya. Walang duda mommy nasa “terrible twos” na ang iyong anak.
Mababasa sa artikulong ito:
- Senyales ng “terrible twos”
- Payo sa mga magulang sa pagpapalaki sa stage na ito ng bata
Kapag dalawang taong gulang na bata na ang iyong anak maaari mo nang makita ang pag-iba sa kaniyang ugali. Nagbabago na kasi ang iyong anak dahil siya ay lumalaki na. Normal lamang ito dahil ang ipinapakitang kilos at ugali ng iyong anak ay pag-express niya ng upang maging independent.
Mga behavior na maaari ipakita ng iyong anak
-
Pagsisigaw
Mapapansin mo na madalas ang pagsigaw ng iyong anak lalo na kapag hindi niya nakukuha ang kaniyang gusto. Madali siyang mapuno ng emosyon kaya naman napapasigaw siya.
-
Temper tantrums
Ang pagta-tantrums ng iyong anak ay mapapadalas sa stage na ito. Nagta-tantrums siya upang makuha rin ang gusto niya at malabas ang kaniyang frustration. Halimbawa na lang kapag hindi mo siya pinayagang manuod ng tv.
-
Paninipa at pangangagat
Maaari maging pisikal talaga ang iyong anak sa stage na ito. Maaari silang makasakit lalo na kapag hindi nasusunod ang kanilang gusto. Kaya naman kailangan mo talagang turuan ang iyong anak na kontrolin ang kaniyang emosyon at maging kalmado. Upang hindi siya makapanakit ng iba.
-
Pakikipag-away sa kapatid
Mapapadalas din ang pakikipag-away niya sa kaniyang kapatid kung mayroon siyang kapatid. Kaya naman hindi mo talaga mapipigilan na ma-frustrate kapag dumating sitwasyon na ito. Pagsabihan agad ang iyong mga anak na mas nakakantanda na mas maging mapagpasensya sa kaniyang kapatid. Ganun din ang iyong anak na dalawang taong gulang na bata dahil sa ipinakita nitong ugali.
-
Total meltdown
Darating din sa punto na magto-total meltdown ang iyong anak at iiyak talaga siya dahil sa kaniyang frustation na nararamdaman. Hayaan lamang siya at patuloy maging kalmado. Dahil kung sasabayan mo ito ay hindi ito rin magiging maganda. Subukang pakalmahin ang iyong anak pero huwag sisigaw at manatiling kalmado.
Mahirap talaga ang stage na ito. Mabuting maturuan ang iyong anak ang mga katagang, “Ako naman po” at i-encourage sila na express nila ang kanilang sarili ng kalmado. Ganun din, ituro sa kanila na gamitin ang kanilang mga salita kaysa ang kanilang mga fists.
Kapag naman nag-meltdown ang iyong anak, maging patient ka lamang pero dapat firm ka pa rin at mag-maintain ng consistent routine kapag siya’y nagme-meltdown.
BASAHIN:
5 katangian ng nanay na malamang na mamamana ng kaniyang anak
Ang development ng ugali ng bata pagsapit niya ng dalawang taong gulang
Isa pa sa mga pagbabago ng iyong anak ay ang kaniyang satisfaction sa pagkain. Lalo na sa mga picky eater o maseselan kumain.
Kinakailangan kasi ng iyong anak ng 1,000 hanggang 1,200 araw-araw. Kasama na rito ang mga meals at dalawa o hanggang tatlong meryenda o snacks.
Hindi kasi lahat ng snacks ay healthy at kadalasan gusto ng mga bata ay iyong mga healthy. Ang pagkain ng fatty at sugary na pagkain at inumin ay maaaring magdulot ng obesity.
Narito ang mga healthy snacks para sa iyong dalawang taong gulang na anak:
- Whole-wheat bread crackers
- Sliced fruits
- Low-fat sugar
- Half cup ng low-fat milk
- Maliliit na piraso ng keso
- Less sugar na cookie
Ang mga pagkaing high sa fiber at protina ay makakatulong sa iyong anak na maging busog. Upang hindi na sila humingi pa ng isa pang snack. Maaari kasing magdulot ito ng tantrums kapag hindi mo siya binigyan ng snack. Maganda rin ang pagkakataong ito upang i-shift sa lower-fat diet ang iyong anak.
Ang iyong anak ay patuloy pa ang paglaki pero hindi ganoon kabilis katulad nang siya’y baby pa. Kaya normal lamang para mga dalawang taong gulang na bata na hindi ganoon kaintersado sa pagkain, o less ang kaniyang interes sa ilang variety ng pagkain.
Tandaan lamang na ang iyong anak ay maaaring hindi kaagad gustuhin ang mga bagong pagkain. Halimbawa kapag hinainan mo siya ng brocoli, baka mahirapan kang mapakain ito sa kaniya, makakatulong ang article na ito kung picky eater ang iyong anak. I-click ito.
Huwag i-pressure anak na kainin kaagad ang mga bagong pagkain na iyong inihahain sa kaniya. Gugugol talaga ng oras para makain niya rin ito.
Tips para sa magulang sa pagpapalaki sa dalawang taong gulang na bata
- Kahit gaano pa kalala ang tantrums ng iyong anak, maging KALMADO lagi. Huminga ng malalim, umalis muna sa kwarto, at mag-regroup para ma deal mo ng kalmado ang ganitong behavior ng iyong anak.
- Huwag mag-schedule ng mga outings o aktibidad lalo na kung iyong anak ay malapit nang makatulog o kumain.
- Ang iyong anak ay maaaring may nap time pa rin na 1-3 hours sa isang araw. Huwag i-schedule ang kaniyang nap time malapit sa bedtime. Para hindi sila mahirapang makatulog ‘pag gabi.
- May ibang bata na gigising bigla at sisigaw sa gabi. Upang maiwasan ang “nigh terrors” siguruhing may sapat na tulog ang iyong anak at hindi siya overtired.
- Ang pag-ubo sa mga toddlers o dalawang taong gulang na mga bata at normal lamang, pero kung ang pag-ubo na ito ay tumagal na ng dalawang linggo. Ipatingin na siya sa doktor dahil baa allergy na ito o asthma.
- Huwag hayaang laging nakahiga ang iyong anak. Keep him/her moving.
- Hiwain o himayin ang kaniyang pagkain sa maliliit na piraso upang hindi siya mahirapang kumain, o mabulunan. Iwasan din ang pagpapakain ng candy, popcorn, o hotdog upang hindi siya mabulunan.
Mommy at daddy challenging talaga ang stage na ito pero sure ako na marami kayong discoveries na matutunan ng inyong pamilya. Kaya kalma lang lagi.
Source: