X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

30 manners na kailangan matutunan ng iyong anak

4 min read
30 manners na kailangan matutunan ng iyong anak

Ang isang batang may mabuting asal ay dahil sa magulang na tinuruan siya ng mabuting asal.

Mahalaga bilang magulang na mapalaki ang inyong mga anak na may mabuting asal hindi lamang sa inyo kundi sa kaniyang kapwa.

Kinakailangan ng inyong mga anak na matutunan muna ang mga basic na kailangan niyang malaman. Katulad ng hygiene, pagkain ng tama, at higit sa lahat kailangan niyang matutunan na makitungo sa kaniyang kapwa.

Hindi basta-basta natutunan ng bata ang mabuting asal, isa itong bagay na kailangan na itinuturo sa kaniya. Lalo ng kaniyang mga magulang. Narito ang list ng mabubuting asal na alam dapat ng anak mo.

30 manners na kailangan matutunan ng iyong anak

Larawan mula sa IStock

30 na mabuting asal na alam dapat ng inyong anak

  1. Pagsasabi ng “po’ at “opo” lalo na kapag siya’y kumakausap sa mga nakakatanda sa kaniya.
  2. Pagmamano kapag sa nakakatanda kapag nakakasalubong niya ito.
  3. Palaging pagngiti at pagiging positibo.
  4. Ang pagsasabi ng “paki” o “pakiusap” kapag may gusto siyang isang bagay mula sa iyo o sa iba.
  5. Pagsasabi ng “excuse me” kapag may sasabihin siya habang may kausap ka o ang ibang tao.
  6. Pagpapaalam sa inyo kapag may gusto siyang kunin
  7. Paghingi ng tawad kapag siya’y may kasalanan.
  8. Pagbabalik ng mga laruang hiniram niya sa iba.
  9. Pagbabahagi o pag-share halimbawa ng laruan sa kapwa niya bata.
  10. Pagbibigay ng compliments sa iba.
  11. Pagsasabi ng thank you kapag nakatanggap siya ng mga regalo sa iba o pinakitaan siya ng magandang gesture ng kapwa niya.
  12. Pag-greet sa mga bisita o bagong kakilala.
  13. Kapag may gusto siya kailangan turuan niyo siyang humingi ng paalam mula sa inyo.
  14. Ituro sa kaniya na hindi lahat ng bagay ay sinasabi sa iba lalo na kung negatibong opinion ito tungkol sa iba.
  15. Dapat ding malaman ng inyong anak na hindi maganda ang pag-comment sa mga pisikal na itsura ng ibang tao, pero kung compliment ito o papuri ayos lang ito. Basta huwag masama o panget.
mabuting asal

Paghihingi ng tawad ay isang mabuting asal. | Larawan mula sa IStock

Advertisement

Pagpapatuloy

  1. Alam niya dapat na kapag may nagtanong sa kaniya kung kumusta siya ay sasagot siya ng may pagalang.
  2. Ituro sa inyong anak na kapag nasa ibang bahay siya magsabi ng thank you sa ibang taong nagbigay sa kaniya ng pagkain. Halimbawa kapag nasa bahay siya ng kaniyang kaibigan.
  3. Huwag din kamo siyang basta-basta papasok sa isang kuwarto o bahay. Alam niya dapat na kailangan munang kumatok.
  4. Dapat alam niya rin na hindi maganda ang pagsasabi ng mga foul words o masasamang salita.
  5. Huwag mang-asar ng kalaro.
  6. Ituro rin na hindi dapat gawin katatawanan ang ibang tao.
  7. Takpan ang kaniyang bibig kapag siya’y uubo. Kapag siya naman ay sisinga takpan din ang kaniyang ilong lalo na kapag nasa pampubliko siyang lugar.
  8. Kapag may nakasalubong siyang nangangailangan ng tulong ituro sa kaniya na mabuting asal ang pagtulong sa kapwa.
  9. Ituro sa kaniya na kapag inutusan siya ng nakakatanda ay dapat sundin niya ito ng hindi nakasimangot o nagmamaktol
  10. Kapag may tumulong sa kaniya na isang tao dapat alam niyang magpasalamat dito.
  11. Pagkain ng tama sa lamesa. Ang paggamit ng tinidor at kutsara ay mahalaga. Turuan ang inyong anak sa proper ettiquete sa pagkain sa lamesa.
  12. Paghuhugas ng kamay bagay kumain.
  13. Hindi paggamit ng mga electronic gadgets kapag kumakain sa lamesa.
  14. Kapag nagkalat siya. Halimbawa pagkatapos niyang maglaro dapat matuto siya itong ligpitin.
  15. Huwag isisi sa ibang tao kapag siyang nagkakamali.
mabuting asal

Larawan mula sa IStock

Ilan pang paalala

Sa mga simpleng mga pamamaraan na ito matuturuan ninyo ang inyong mga anak na lumaki na may mabuting asal. Bilang isang magulang sa inyo talaga nagsisimula ang pagtuturo nito at kayo lamang ang makakapagturo ng mga mabuting asal sa inyong anak. Sa pamamagitan nito alam niyo at kapante kayo na ang inyong anak ay hindi gagawa ng isang bagay na makakasakit sa ibang tao.

mabuting asal

Larawan mula sa IStock

Tandaan din na ang pagtuturo ng mga ganito sa inyong anak ay kinakailangan na masinsinan. Alam niya dapat na seryoso kayo rito at naiintindihan niya ang inyong sinasabi. Dapat din ituro sa inyong anak na isapuso ang mga ito at lagi niyang tandaan. Huwag din gawing stressful ang pagtuturo sa kaniya ng mga magagandang asal o mabuting asal.

Katulad halimbawa kung may nagawa siyang pagkakamali, huwag siyang pagalitan agad at pagsabihan siya ng maayos. Ituro sa kaniya kung ano ba dapat ang tama niyang gawin at sabihan siyang huwag na itong uulitin. Kaya naman mga mommy at daddy kayang-kaya niyo ‘yan. Mapapalaki niyo ang inyong anak ng maayos. Alam na ba ng inyong anak ang nasa list?

 

Source:

theedadvocate

 

BASAHIN:

5 paraan para lumaking strong at independent ang anak na babae

STUDY: Ito ang masamang epekto kapag masyado mong pinupuri ang bata

EXPERT: Kapag nasasaktan ang bata, hindi dapat sinasabihan na “maarte” siya

Partner Stories
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marhiel Garrote

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Gabay ng Mga Magulang
  • /
  • 30 manners na kailangan matutunan ng iyong anak
Share:
  • Lamoiyan teams up with communities for the Kilusang Kontra Kuto and Hapee Kiddie Caravan to bring healthier smiles and a lice-free summer

    Lamoiyan teams up with communities for the Kilusang Kontra Kuto and Hapee Kiddie Caravan to bring healthier smiles and a lice-free summer

  • Hindi kailangan maging perfect ang bata—importanteng matuto siyang mag-fail

    Hindi kailangan maging perfect ang bata—importanteng matuto siyang mag-fail

  • STUDY: Epektibong Paraan ng Pagdidisiplina sa Anak Ayon sa Eksperto

    STUDY: Epektibong Paraan ng Pagdidisiplina sa Anak Ayon sa Eksperto

  • Lamoiyan teams up with communities for the Kilusang Kontra Kuto and Hapee Kiddie Caravan to bring healthier smiles and a lice-free summer

    Lamoiyan teams up with communities for the Kilusang Kontra Kuto and Hapee Kiddie Caravan to bring healthier smiles and a lice-free summer

  • Hindi kailangan maging perfect ang bata—importanteng matuto siyang mag-fail

    Hindi kailangan maging perfect ang bata—importanteng matuto siyang mag-fail

  • STUDY: Epektibong Paraan ng Pagdidisiplina sa Anak Ayon sa Eksperto

    STUDY: Epektibong Paraan ng Pagdidisiplina sa Anak Ayon sa Eksperto

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko