Ang pagiging thankful at pagpapakita ng gratitude ay makakatulong para sa inyong mga anak mga mommy at daddy, isa kasi ito sa mga larawan ng magandang asal na nagpo-promote ng happiness, pagtaas ng life satisfaction, pag-reduce ng depression. Makakatulong sa inyong anak na maging thankful siya at grateful para maging malusog ang kaniyang mental health.
- Tips para maging thankful ang isang bata
- Advice ng mga eksperto
- Epekto sa bata kapag siya’y thanful
Ayon kasi sa ilang pag-aaral ang mga batang grateful at thankful ay mas makakakuha ng mataas na grades sa school, maraming nagiging kaibigan at hindi masasangkot sa mga away.
Larawan mula sa IStock
Marami sa mga magulang na tinuturan ang kanilang anak ng larawan ng magandang asal, halimbawa na lamang at pagsasabi ng thank you o salamat po kapag may natanggap silang mga bagay. Katulad na lang kapag niregaluhan sila kapag birthday nila.
Ayon pa kay Jennifer E. Lansford, Ph.D,
“But, parents can encourage children to be thankful for more than the object by helping them to recognize the gift-giver’s effort in selecting the gift, love in giving the gift, and care in remembering the child’s birthday as ways to focus the child’s attention on the social relationship rather than material possession.”
Narito ang ilang mga tips at paraan upang maturuan ang inyong anak na maging thankful mga mommy at daddy. Ipakita at ituro sa inyong mga anak ang iba pang larawan ng magandang asal na ito.
11 na paraan upang maturuan ang inyong na maging THANKFUL
-
Magpokus sa pananaw at pag-unawa ng inyong anak sa kaniyang mga emosyon.
Ang mga infants at toddlers kadalasan ay wala pang cognitive ability para maunawaan ang perspective o pananaw ng ibang tao at pagkakaiba ng pananaw nila sa iba. Subalit kapag tumuntong siya ng preschool mas tumataas ang kanilag pang-unawa sa iniisip at pakiramdam ng ibang tao. Nauunawaan nila na may ibang paniniwala, pananaw, at ibang feelings ang ibang tao sa kaniya.
Kausapin ang iyong anak patungkol sa ibang pananaw ng mga tao. Ipaunawang mabuti kung bakit iba ang kaniyang pananaw at nararamdaman sa iba. Mas magiging aware ang iyong anak sa pakiramdam ng ibang tao at mas magiging thankful sila.
-
Magkaroon ng gratitude conversations sa iyong anak.
Kausapin ang iyong anak patungkol sa mga bagay na pinagpapasalamat niya at hindi niya pinagpapasalamat. Ang mga ganitong pag-uusap ay makakatulong upang ma-notce ng iyong anak ang act of kindness ng iba.
Halimbawa ang pagbibigay ng regalo na hindi mo inaasahan at walang hinihinging kapalit. Makakapagbigay ito ng positive feeling sa kaniya.
-
Turuan siya na magkaroon ng kaniyang gratitude journal.
Sa pamamagitan nito maaaring matulungan ang iyong anak na mas maging thanful pa. Maaari niyang ilagay ang araw-araw na karanasan niya at mga bagay na thanful siya sa araw na iyon. Ituro sa kaniya na dapat ang kaniyang ilalagay ay specific upang makita mo ang mga positibong pananaw ng iyong anak.
Halimbawa ituro na, thanful siya dahil nakapaglaro siya kasama ang kaniyang mga kaibigan, o thankful siya dahil kumain sila ng kaniyang tatay sa labas. Ang pagkakaroon umanoo ng gratitude journal ayon sa mga pag-aaral, ay nakakapagpataas ng happiness o kaligayahan ng iyong anak at sa mga adult.
Larawan mula sa IStock
-
Pagpapakita sa iyong anak na ikaw ay thankful din.
Tandaan na ang mga magulang ang isa sa mga tinitignang modelo ng isang bata. Ginaya ka ng iyong anak sa anuman iyong ginagawa at pananaw. Kaya ipakita sa kaniya na thankful ka rin sa mga bagay na hindi nahahawakan. Maging example o halimbawa sa iyong anak.
Halimbawa ipakita at iparamdam na thankful ka na siya ang naging anak mo. Pwede mo ring sabihin na thankful ka sa kaniya dahil kahit hindi mo siya inutusan na ligpitin ang mga laruan niya’y niligpit niya ito.
-
Bigyan ng opurtunidad ang iyong anak na i-practice ang pagiging thankful.
Katulad ng iba pang aspeto sa buhay ay pagpa-practice ng ganitong larawan ng magandang asal ay nakakapagpataas ng pagpapakita ng gratitude ng iyong anak. Bilang magulang pwede mong i-encourage ang iyong anak na ikwento ang mga high and lows niya sa araw niya. Itanong sa kaniya kung anong pinagpapasalamat niya sa araw na iyon.
Pwede rin kayong gumawa ng game, halimbawa bibigyan mo ang iyong anak ng isang bagay na ayaw niya. Tapos saka mo sabihin na mag-thank you siya dahil nabigyan siya ng regalo. Ang goal dito ay mapokus ang mga bata sa pagiging grateful para sa taong nagbigay sa kanila ng regalo at hindi sa material object na natanggap nila.
BASAHIN:
STUDY: Paglalaro ng manika, may positibong epekto sa mga bata!
STUDY: Panonood madalas ng TV ng mga bata, stress ang dala sa mga nanay!
4 signs na masyadong nang maraming laruan ang bata
-
Tanungin sila kung saan sila thankful at kung bakit.
Tanungin ang iyong anak kung ano ang mga bagay na thankful siya. Huwag lamang itong i-limit sa kapag birthday nila, o sa mga espesyal na okasyon katulad ng pasko. Pwede itong daily question sa iyong anak. Itanong sa kaniya kung ano ba ang pinakamagandang bagay na sinabi sa kaniya ng isang tao, at bakit niya thankful rito? O pwede ring itanong sa kaniya kung thankful ba siya ngayong araw tungkol sa sarili niya at bakit?
-
Bigyan sila ng mga bagay na ii-earn nila para makuha nila.
Halimbawa ang pagtuturo sa kanila na mag-ipon ng pera mula sa kanilang baon para mabili ang gusto nila. Sa pamamagitan nito maituturo mo sa iyong anak ang value ng pera at mga bagay na ibinibigay mo sa kaniya at ng ibang tao.
-
I-encourage sila magbigay ng mga thank you cards at pagsasabi ng thank you sa ibang tao.
Larawan mula sa IStock
Ang pagsasabi at pagbibigay ng mga thank you cards sa iba ay beneficial upang maturuan ang iyong anak ng mga ganitong larawan ng magandang asal. Turuan siyang gumawa nito at gawin ito. Tanungin siya kung kanino ba siya thankful at gawan niya ng letter. Katulad ng kaniyang mga kaklase, teacher, kalaro o doktor.
-
Turuan ang iyong anak ng mga charity works.
Sa pagtuturo at pagdadala sa iyong mga anak sa mga charity works. Katulad ng pagpapakain ng mga homeless o pagsama sa kaniya sa bahay ampunan upang magbigay ng mga donasyon at pakainin ang mga batang ulila. Mas magiging thankful siya sa kaniyang buhay at kung anong meron siya.
Ipaliwanag sa kaniya ang sitwasyon ng ibang tao at ang kaniyang sitwasyon upang mauunawaan niya kung bakit siya dapat mas maging thankful.
-
I-expand ang ang pag-iisip ng iyong anak sa pagiging mas open at flexible.
Marami sa mga bata ang likas na negative mag-isip. Madalas silang nakaka-notice ng mga negatibong bagay sa kanilang paligid. Dahil rito, nagiging negative din ang kanilang pag-iisip at feelings.
Tulungan ang iyong anak na maging hopeful at tignan ang mga magagandang bagay sa kaniyang paligid. Isa sa mga paraan upang ma-direct ito ay tanungin siya halimbawa na, “Paano mo pa nakikita ang ganitong bagay?” Kapag hindi nila ito masagot at hindi nila makita ang positive aspect nito. Bigyan sila ng iba pang perspective o pananaw tungkol rito na mas positibo.
-
I-coach ang iyong anak kung paano tumanggap at magbigay ng compliments at positibong sentiments sa iba.
Minsan talaga medyo nakakahiya magsabi ng compliments sa iba lalo na para sa mga bata. Naroroon kasi ang pakiramdam na baka ma-reject sila o hindi pansinin. Ganun din na maramdaman niya na hindi sapat ang kaniyang compliment sa iba.
Turuan ang iyong anak na purihin ang iba at kung paano ang kaniyang attitude kapag siya naman ang pinupuri o binibigyan ng compliments. Ituro rin sa kaniya ang pagkakaiba ng pagiging proud at pagiging mayabang. Baka kasi yumabang naman ang iyong anal.
Ang pagiging thankful at grateful ng iyong anak ay hindi lamang isang larawan ng isang magandang asal. Subalit makakatulong ito sa kanilang kalusugan, kasihayan, at well-being. Ayon ito kay Michelle P. Maidenberg Ph.D., MPH, LCSW-R, CGP. Dagdag pa niya,
“As parents there are fundamental ways that we can develop and contribute to our children’s compassion and care. It is up to us to instill gratitude as a mindset and lifestyle.”
Kaya naman mainam ito para sa iyong mga kids at sa inyo na ring parents.
Source:
psychologytoday
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!