Nagdulot ng pangamba sa maraming tao mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang naging alitan sa pagitan ng mga bansang Russia at Ukraine. Narito ang ilang pamamaraan kung paano maipapa-intindi sa iyong anak ang kasalukuyang sitwasyon.
Mababasa sa artikulong ito:
- Maaaring epekto ng alitan ng Ukraine at Russia sa mga bata
- Paano i-approach ang anak ukol sa usaping ito
- Ano ang maaaring gawin o sabihin ng magulang na hindi magdudulot ng takot sa anak
- Aktibong pakikinig sa mga bata
Maaaring epekto ng alitan ng Ukraine at Russia sa mga bata
Habang dumarami at kumakalat ang mga balita ukol sa conflict sa pagitan ng mga bansang Russia at Ukraine. Higit na tumataas ang anxiety o pangamba na dulot nito sa mga tao.
Hindi lamang ang mga tao na namamalagi sa mga bansang ito ang natatakot. Ngunit maging iba pang naninirahan sa iba’t ibang panig ng mundo.
Maraming mga Ukrainian ang nakaramdam ng labis pangamba dahil sa nangyare. Bawat isa sa kanila ay nagkaroon takot sa posibilidad na sila ay bawian ng buhay kasama ang kanilang mga mahal sa buhay sa nangyaring insidente.
Larawan mula sa Istock
Samantala, binalaan naman ng presidente ng Russia na si Vladimir Putin ang iba pang lider mula sa iba’t ibang bansa. Dahil sa naging alitan sa pagitan ng dalawang bansa, maaaring magdulot ito ng malaking epekto sa iba’t ibang panig ng mundo.
Talaga naman nakakatakot at nakakabahala ang ganitong uri ng pangyayari higit lalo na sa mga bata. Ang makarinig ng salitang “bombing” o mga pagsabog at “invasion” o pagsalakay, ay hindi madali para sa mga batang may murang edad.
Lalo’t higit, hindi pa malawak ang kanilang pagka-unawa sa mga ganitong klaseng bagy o usapin. Bagamat nakababahala, hindi maiiwasang sila ay magtanong at maging curios sa ganitong isyu.
Ayon kay Tania Taylor, isang hypnotherapist, pyschotherapist, at mentor,
“Children are like sponges; they’re absorbing everything.”
Marami silang maaaring marinig na mga bagay na hindi kayang kontrolin ng mga magulang. Halimbawa na lamang ay mula sa mga taong nag-uusap, sa mga magulang at kamag-anak. Maaari ring sa mga videos na kanilang nakikita sa social media.
Maaaring sa kasalukuyan, marami na silang nalalaman tungkol sa war o giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, higit pa sa iyong inaakala.
Ngunit mommies and daddies, sa paanong paraan nga ba natin maipapa-intindi sa ating mga anak kung ano talaga ang totoong nangyayari uparang mabawasan ang kanilang takot at pagkabahala?
Larawan mula sa Istock
BASAHIN:
STUDY: Mas kaunting laruan, mas nagiging creative si baby
Are you always glued to your mobile phone? Study says plugged-in parenting is hurting your family
Not paying attention to your child and other parenting mistakes you should avoid
Paano i-approach ang anak ukol sa usaping ito
Bilang mga magulang, mahalaga na mabigyan sila ng malinaw, totoo, at sapat na kaalaman ukol sa conflict o alitan sa pagitan ng Russia at Ukraine. Subalit mahalaga rin na alam natin kung ano ang tamang approach upang hindi mabigla o ma-overwhelm ang mga bata.
Normal lamang para sa mga kids ang maging mausisa o matanong. Sa mga pagkakataon na mayroon silang nais malaman, kadalasan ay hindi sila nagaatubiling magtanong.
Dahil dito, kinakailangan mo din, bilang magulang, na maging handa sa pagsagot at pagpapaliwanag sa kanila ng mga impormasyon hinggil sa usapin.
Ngunit bago ka magsalita sa iyong anak ukol sa usapin, mahalagang tignan o i-assess mo muna ang iyong sarili kung ano nga ba ang iyong kaalaman at nararamdam sa bagay na ito.
Mahalaga na malaman at maramdaman ng iyong anak na kung mayroon silang mga katanungan, ikaw na kaniyang magulang ang kauna-unahang tao na kaniyang malalapitan.
Ano ang maaaring gawin o sabihin ng magulang na hindi magdudulot ng takot sa anak?
Ang pagiging bukas sa ganitong uri ng usapin sa iyong mga anak ay makaatulong upang magkaroon sila ng mas malalim na pagkakaintindi sa mga bagay na nangyayari sa mundo at kanilang paligid.
Mahalaga na ipa-intindi sa mga bata na hindi dapat i-normalize ang bagay na ito. Subalit, dapat ay manatiling bukas sa katotohanang totoo at nangyayari ang bagay na ito.
Larawan mula sa Shutterstock
Makakatulong ito upang masiguro sa kids na hindi man direkta ang epekto nito, mayroon pa din itong impact sa kanilang mga buhay.
Maaaring may pagkakataon na nanaisin nilang pag-usapan ang mga taong direktang naapektuhan. Pwede mo rin itong ibahagi sa kanila, subalit siguraduhin na ang mga salitang gagamitin at angkop lamang sa kanilang edad.
Aktibong pakikinig sa mga bata
Ang active listening o aktibong pakikinig sa iyong anak ay isa sa mga bagay na inererekomenda ng mga eksperto, lalo na kung ang iyong anak ay interesado sa usaping ito.
Mga dapat gawin upang mapanatili ang aktibong pakikinig:
- Ibigay ang iyong full attention habang nakikipag-usap o nagsasalita ang iyong anak.
- Iwasan ang mga posibleng distraction o mga bagay na maaaring makagulo o makalito sa isyu.
- Mag-focus sa pakikinig sa iyong anak, bigyang pansin ang mga salita na kaniyang ginagamit.
Isa sa karaniwang nagagawa o habit ng tao ay ang mag-overshare o oversharing. Subalit hindi sa lahat ng sitwasyon ay okay ang pag-oovershare. Dahil sa mga sitwasyon tulad na lamang conflict sa pagitan ng Russia at Ukraine, hindi ito makakatulong.
Makinig lamang sa mga bagay na sinasambit ng iyong anak, at iwasang magsabi ng mga bagay higit pa sa kanilang nais malaman o tinatanong.
Samantala, kung mangyaring hindi sapat ang kaalaman na mayroon ka bilang magulang, huwag matakot na sabihin hindi mo alam.
Sa halip, maaari kayong gumugol ng oras at mag-search ng mga impormasyon nang magkasama. Upang mas maging komportable ka, maaari mong sabihin sa iyong anak na aalamin mo muna, saka mo sasabihin sa kaniya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!