Sa panahon ngayon, hindi na gaano pinoproblema ng mga magulang kapag naglalaro sa labas ang kanilang mga anak. Kung tutuusin, makakatulong pa nga ito sa kanilang resistensya. Ngunit pagdating sa mga sanggol at toddler, hindi pa ganoon kalakas ang kanilang mga immune system, kaya mabuting umiwas muna sila sa paglalaro sa labas. At mayroong kaso tungkol sa isang anim na buwang sanggol, na nagkaroon ng uod sa mata, na kanyang nakuha mula sa alagang aso.
Anim na buwang sanggol dinala sa ospital dahil sa uod sa mata
Si Huan Huan, isang anim na buwang sanggol mula sa Vietnam, ay isang normal na sanggol. Ngunit isang araw, napansin ng kanyang ina na parang may mali sa bata. Madalas niyang kinakamot ang kanyang mga mata, at parang iyak ng iyak dahil sa sakit. Nagulat ang kanyang ina nang silipin ang mata ng bata at nakita nya ang mga maliliit na uod sa mata nito.
Dali dali niyang dinala ang sanggol sa Nanjing Pediatric Hospital, at natagpuan ni Dr. My Phuong na mayroong 5 uod na nakatira sa mata ng bata. Ito raw ang sanhi ng sakit at pangangati ng kanyang mata.
Buti na lang, mabilis na umaksyon ang doktor. Isinailalim si Huan Huan sa isang operasyon, at natanggal din ang mga uod. Aniya, kung hindi raw ito naagapan, ay posibleng mabulag ang mata ng sanggol.
Ang mga uod sa mata ni Huan Huan, matapos ito tanggalin ng doktor.
Buti na lang, mabilis na umaksyon ang doktor. Isinailalim si Huan Huan sa isang operasyon, at natanggal din ang mga uod. Aniya, kung hindi raw ito naagapan, ay posibleng mabulag ang mata ng sanggol.
Matapos nito, binigyan si Huan Huan ng gamot, at pinabalik sa ospital matapos ang 20 araw. Sa awa ng Diyos, wala nang mga uod sa mata ng bata.
Saan nanggaling ang mga uod?
Bagama’t matagumpay ang operasyon, hindi pa rin sigurado ang ina ni Huan Huan kung saan nanggaling ang mga uod. Ayon kay Dr. Phuong, common roundworm daw ang tawag sa uod na kanyang tinanggal. Madalas raw itong natatagpuan sa mata ng ibang hayop tulad ng ibon, pusa, at mga aso. Kumakalat ang mga uod na ito galing sa mga itlog na natatagpuan sa dumi ng hayop.
Nang sinabi ito ni Dr. Phuong sa ina ng bata, naisip ng ina kung saan posibleng nakuha ang impeksyon. Aniya, nakipaglaro kamakailan si Huan Huan sa alagang aso ng kapitbahay nila. Ito raw siguro ang nagdulot ng impeksyon.
Ano ang dapat gawin para makaiwas?
Kahit bihira ang ganitong klaseng impeksyon, mabuti pa ring mag-ingat ang mga magulang.
At kahit na nakabubuti ang pagkakaroon ng mga alaga sa mga bata, kailangan pa ring ugaliin ang pagiging hygienic at malinis.
Heto ang ilang paraan upang makaiwas sa mga impeksyon:
Para sa mga maliliit na bata
- Kung may alaga sa bahay, panatilihin silang malinis, at siguraduhing ipapurga upang wala silang mga uod sa katawan.
- Huwag hayaang dilaan ng alaga ang kamay o mukha ng inyong anak.
- Kung nakipaglaro ang bata sa aso, siguraduhing maghugas ng kamay pagkatapos.
Ang paghuhugas ng kamay ay nakakatulong makaiwas sa mga parasite at iba pang impeksyon.
Para sa mas malalaking bata:
- Turuan silang maghugas ng mabuti matapos makipaglaro sa mga alaga.
- Kapag naglaro sa labas, kailangan nilang maghugas ng kamay pagkatapos, lalo na kung naglaro sila sa putikan o sa lupa.
- Umiwas sa paghawak sa bibig ng kanilang alaga, at huwag nilang hayaan na dilaan sila.
Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara
https://sg.theasianparent.com/parasitic-eye-infections
Basahin: 6 na sa sakit sa mata ng bata na dapat malaman ng mga magulang
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!