14 moms confess kung bakit nila pinagtataguan ng pera ang kanilang asawa

Ikaw, pinagtataguan mo ba ng pera ang mister mo?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Usaping pera sa mag-asawa: Dapat nga bang pagtaguan ng pera si mister? Ito ang pag-amin at opinyon ng mga mommies mula sa ating TAP community.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sagot ng mga TAP moms kung bakit nila pinagtataguan ng pera si mister.
  • Opinyon ng ibang misis kung bakit hindi dapat pagtaguan ng pera ang inyong asawa.

Usaping pera sa mag-asawa: Dapat nga bang pagtaguan ng pera si mister?

Ayon sa mga relationship experts at base na rin sa karanasan ng maraming mag-asawa, ang pera ang isa sa dahilan ng pagkasira ng pagsasama.

Sa pinaka-latest na topic ng TAP After Dark, ang tanong ni Mareng Tess ay may kaugnayan dito – “Nagtatago ka ba ng pera sa asawa mo?”

Maraming mommies ang game na game na sumagot sa katanungan ito. Marami ang nagsabi ng hindi at marami rin ang nagsabi ng oo. Pero bakit nga ba may mga mommies na pinagtataguan ng pera ang mister nila? Alamin ang mga sagot nila dito.

Image from The Asianparent Community TAP After Dark

Oo, dahil may pagka-magastos at bisyo siya

Ayon sa isang TAP mom, kaya niya nagagawang pagtaguan ng pera ang kaniyang mister ay dahil sa magastos ito. Lalo na pagdating sa bike at motor niya na kaniyang luho. Pero buwelta ni misis paraan niya rin umano ito para makapag-save siya ng pera para sa kanilang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“My answer is yes. There are times kasi na magastos si hubby sa mga kinakabit niya sa bike or motor niya. And may times na may kinikita ako online.

I save the 50% of my income din for our savings din, not for my own selfish needs. So, I think kahit nagtatago ako, may good side naman.

And ako taga hawak ng pera. I make sure na napupunta sa needs namin at hindi wants lang. Wala akong luho kasi nahihiya rin ako gumasto-gasto. Hehe”

Ito rin ang dahilan ng isa pang misis. Pero hindi raw sa luho napupunta ang pera ng mister niya kung hindi sa bisyo na pinipigil-pigilan niya ito. Dagdag pa na hindi siya titigilan ng mister niya hanggat alam nitong may pera siya.

Ayon naman sa isa pang misis, nagagawa niyang magtago ng pera sa kaniyang mister para magsikap ito. Dahil kapag alam nitong may pera siya ay nagpapakampante na ito na patong-patong na utang ang resulta.

Ang pahayag na ito ng misis ay sinuportahan ng isang pang misis na pareho rin ang istilong ginagawa sa kaniyang mister pagdating sa pera.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Oo, para makapagtabi ng pera para sa sarili at siyempre sa paparating na delivery

May ibang mommies naman ang nakapagsabi na ginagawa nilang magtago ng pera sa kanilang mister para magkaroon ng pera para sa kanilang sarili. Lalo kapag paparating na ang kanilang mga inorder na need ng cash on delivery!

BASAHIN:

REAL STORIES: “Mali ba na humihingi ako ng pera kay mister para sa mga personal items ko?”

5 bagay na hindi dapat ikagalit tungkol kay mister

8 effective tipid tips para maka-ipon ng malaking pera

Oo, para mapigilan si mister na magbigay ng magbigay ng pera sa mga magulang niya

May isang misis naman ang nakapagsabi na ginagawa niya ito para mapigilan ang kaniyang asawa na magbigay ng magbigay sa nanay niya. Lalo pa’t ngayon na naggagamot ang anak nila at kailangan nila ng dagdag pera.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Oo, para makatipid at may magamit sa oras ng emergency

Photo by Kristina Paukshtite from Pexels

Pagtatabi at pagtitipid para sa future at emergency rin ang dahilan ng mga maraming mommies kung bakit napagtataguan nila ng pera si mister. Pero magkaganoon man hirit nila, ang pagtatago nilang ito ay nagkakaroon naman ng magandang resulta.

“Nagtatabi ako ng hindi ko sinasabi na may naitatabi ako. Halimbawa ‘yong may sumobra ng kaunti sa budget itinatabi ko.

Tapos sasabihin ko ubos na, pero meron pa. Usually kasi kpag malapit ng sahod niya madalas nauuna na nang maubos budget namin.

Kaya nakakatulong ‘yong pagtatabi ko kasi may nailalabas pa ko kapag walang-wala na. Pero feel ko alam nga na ‘yong style ko. Dedma na lang siguro siya kasi useful naman.”

Oo, para makabili ng gamit sa bahay ng hindi na nanghihingi ng pera kay mister

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Photo by Tara Winstead from Pexels

May mga mommies nga na sinabing sa tulong ng pagtatabi ay nakabili sila ng mga gamit nila sa kanilang bahay ng hindi nanghihingi sa kanilang mister.

“Yes, kasi darating ang time na kakailanganin mo ng pera like for emergency, o may bagay ka na gusto bilhin pero ayaw mo ng ihingi pa sa mister mo.

At iba prin kasi yung may sarili kang pera. Iba ung fulfillment na nakakabili ka ng gamit ni baby o gamit sa bahay ng hindi ka nanghihingi kay mister.”

“Yep, pero ‘di para sa sarili ko, para rin sa pamilya ko. Para pagdating na magipit kami eh may ilalawit ako.

O kaya ‘pag may gusto akong biling damit ng mga bata, sapatos o laruan dun napupunta yong perang tago ko. Kaya minsan nagugulat asawa ko kasi may delivery kami sa shoppee or lazada.”

Ayon sa ibang misis, mas mabuti pa rin na may transparency at matapat ang mag-asawa pagdating sa usaping pera

Marami man ang nagsabing nagtatago sila ng pera kay mister, may mga misis rin ang nagsabi na hindi nila ito ginagawa. Dahil sa ang paniniwala nila mahalaga ang transparency at pagiging matapat sa pagitan ng mag-asawa.

“No! Kasi alam naman niya pera ko kahit ‘di ko sabihin. At saka ayaw ng partner ko na naglilihim o nagtatago ako ng pera o nagsisinungaling.

Kasi monthly bigay niya sa ‘kin allowance is para sakin lang ‘yon. Tapos mga gastos sa bahay kuryente grocery sa bahay needs ng baby check up ko kasi pregnant ako pati damit ko siya bahala.

Sa madaling salita siya may hawak ng pera basta ang akin lang ibigay niya ‘yong para sa ‘kin hahaha. tapos wala na ako pake sa pera niya.”

“Hindi mahirap kasi ‘yan, pwdeng maging source ng pagtatalo sa future everything should be accounted for.

Mula sa sahod niya hangang sa mga extra money, ‘pag may pera naman ako na sarili hindi naman siya nakikialam. ‘Wag lang talaga mag lihim sa pera para may peace of mind kayong mag asawa,”

Sang-ayon ka ba sa mga sinabi nila? Ikaw, anong opinyon mo pagdating sa usaping pera sa mag-asawa na ito?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement