Valeen Montenegro wedding usap-usapan dahil sa kaniyang 2-in-1 gown. Actress-comedian ginawa ding flower girls sa kaniyang kasal ang dalawa niyang yaya.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Valeen Montenegro wedding to non-showbiz boyfriend.
- 2-in-1 wedding gown ni Valeen.
Valeen Montenegro wedding to non-showbiz boyfriend
Kinasal na sa kaniyang non-showbiz boyfriend ang aktres at komedyanteng si Valeen Montenegro. Ang pinakasalan ni Valeen ay si Riel Manuel na isa umanong DOP o Director of Photography sa isang advertising agency. Ang kanilang kasal ginanap nitong January 12 sa Santuario de San Antonio Parish sa Forbes Park, Makati. Habang ang reception naman ay ginanap sa The Conservatory sa The Peninsula Manila.
Makikita sa mga larawang ibinahagi sa kasal ni Valeen na present ang malalapit niyang kaibigang artista. Kabilang na nga dito sina Lovely Abella, Michael V., Chariz Solomon at Dasuri Choi.
Si Carla nagbahagi sa kaniyang Instagram story ng larawan na kung saan makikitang naglalakad si Valeen papunta sa altar. Ito ang caption ng kaniyang post na mensahe niya rin para sa kaibigan.
“Oh Val, I can’t even begin to express how absolutely happy I am for you and Riel.”
2-in-1 wedding gown ni Valeen
Larawan mula sa Facebook account ni Valeen Montenegro
Usap-usapan ang kasal ni Valeen sa social media dahil sa elegante nitong 2-in-1 wedding dress. Ang kaniyang gown ay beaded off-shoulder column gown na may detachable neckline na tinanggal niya matapos ang wedding ceremony para new look na agad siya sa kanilang reception.
Ang practical na design ng wedding gown na ito ni Valeen ay gawa ng kaniyang college bestfriend na si Carlo Angelo “Banggo” Niu. Ayon kay Banggo, ipinangako niya kay Valeen na siya ang gagawa ng wedding gown nito kapag ikakasal na ang aktres. Masaya siya umano na natupad na ang pangako niyang ito.
Pero maliban sa wedding gown ni Valeen, marami rin ang natuwa sa naging kasal ng aktres dahil sa mga flowers girls na napili nito. Walang iba kung hindi ang kaniyang mga yaya na proud na ibinahagi ni Valeen sa kaniyang Instagram account.
Larawan mula sa Instagram account ni Valeen Montenegro
Congratulations Valeen and Riel!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!