Faith del Mundo: “My second birth is an AMAZING birthing experience of gentle birth, VBAC.”

Buntis at nagbabalak na mag-VBAC? Basahin ang inspiring VBAC story ng mommy na ito.

Tunghayan rito ang VBAC story ng TV reporter at writer na si Mommy Faith Del Mundo.

Image from Bearthside Photography & Films Facebook account

Ang inspiring VBAC story ng TV reporter at mommy na si Faith del Mundo

Isa ang TV reporter na si Faith del Mundo na matapang na sinubukan ang VBAC o vaginal birth after cesarean section delivery. Ayon kay Mommy Faith, ang panganganak niyang ito ay isang amazing birth experience at isang dream come true.

Kuwento ni Mommy Faith, 2017 ng maipanganak niya ang kaniyang panganay na babae sa pamamagitan ng emergency cesarean section delivery. Ito ay dahil higit 12 oras siyang nag-labor at hindi nag-dilate ng sapat ang kaniyang cervix. Hindi man niya balak ma-CS noon ay wala siyang nagawa. Dahil hindi niya na kinaya ang sakit ng pagle-labor.

“More than 12 hours labor, stuck in 6cm baby not descending for hours even the doctor broke my water bag and then the OB suggested that I should undergo CS. I gave in because the pain is becoming stronger and stronger. I cannot move and cannot managed my pain well.”

Ito ang kaniyang pahayag sa aming panayam. Ang karanasan niyang ito, ayon parin kay Mommy Faith ay nagdulot sa kaniya ng trauma at postnatal depression. Una, dahil hindi nasunod ang birth plan niya na manganak ng normal. Pangalawa, dahil labis siyang nahirapan sa recovery at epekto ng pagka-CS sa kaniyang katawan.

Pagsasakatuparan ng pangarap na manganak ng normal

Makalipas ang higit sa dalawang taon ay nabuntis muli si Mommy Faith. Una palang ay ipinaalam niya na sa kaniyang OB na nais niyang maipanganak ito sa pamamagitan ng normal delivery o VBAC sa kaniyang sitwasyon. Pero sinabihan na siya ng kaniyang OB na maaring ito ay hindi posible. Dahil base sa kaniyang ultrasound scan result mayroon siyang maliit na pelvic size. Nangangahulugan ito na siya ay hindi fit na manganak sa pamamagitan ng normal delivery.

“Sinabi ko simula pa lamang sa OB gyne ko na nais kong mag-VBAC at kung pupuwede, sabi nya mag antay ako. Hanggang sa nag-37 weeks ako sabi nya na maari ako magtrial labor pero walang kasiguraduhan na mag-VBAC ako. Tapos binigyan lamang ako ng 4 hours of labor (na para sa akin ay hindi sapat na oras) at saka sinabihan ako na kapag 39th week ko at hindi pa ako nanganak ay CS na agad.  Ayaw ko iyon, kaya naman agad naghingi ako ng second opinion, tapos third, tapos fourth pa nga. Marami akong nakausap na mga eksperto. Iba-iba ang kanilang pananaw at opinion.”

Ito ang pahayag pa ni Mommy Faith.

Mga ginawang paghahanda

Image from Bearthside Photography & Films Facebook account

Nag-research pa nga daw siya ng nag-research kung possible ang VBAC sa kaniyang sitwasyon. Hanggang sa nakilala niya ang isang nanay na advocate ng VBAC. Ito ang kaniyang naging inspirasyon at bumuo sa kaniyang desisyon na maisakatuparan ang pangarap niyang manganak ng normal. Dahil naniniwala rin siya na ang katawan nating mga babae ay idinesenyo ng Panginoon para magsilang ng sanggol. Kaya naman wala dapat maging hadlang o rason na hindi natin ito magawa sa normal na paraan.

Para maisakatuparan rin ang kaniyang pangarap ay inihanda niya ang kaniyang sarili. Hindi siya nakinig sa mga labor horror stories. Hinanda niya ang kaniyang katawan. Iniwasan niya ang mga pagkain na maaring makaapekto sa kaniyang panganganak. Nag-exercise siya at higit sa lahat ay ini-empower niya ang kaniyang isip na hindi impossible na matupad niya ang kaniyang pangarap na panganganak.

BASAHIN:

STUDY: Resulta ng poor lifestyle ng ina, maaaring maipasa sa anak sa pamamagitan ng sakit

Isabel Oli-Prats: “Sobrang hirap talagang mabuntis at manganak during pandemic”

#TAPTalks: Ryza Cenon, nagbahagi ng struggles niya bilang new mom

A dream came true!

Agosto nga nitong nakaraang taon ay ipinanganak ni Mommy Faith ang kaniyang pangalawang anak na isang lalaki sa pamamagitan ng unmedicated water birth delivery. Pagsasalarawan niya sa karanasan, ito ay very relaxing, peaceful at amazing birthing experience. Dahil una ay nasunod ang birth plan niya at nanganak niya sa comfort ng kanilang bahay. Higit sa lahat, sa wakas ay naisakatuparan niya na ang kaniyang pangarap na manganak ng normal.

“My second birth is an AMAZING birthing experience of gentle birth, VBAC. I felt respected that all listed in my birth plan was fulfilled”, sabi ni Mommy Faith.

Image from Bearthside Photography & Films Facebook account

Sa ngayon si Mommy Faith ay balik na muli sa pagtratrabaho. Isa sa pangunahing dahilan kung bakit gusto niyang manganak ng normal dahil sa mabilis na recovery nito. Kung magbubuntis at manganganak nga umano siyang muli ay ang panganganak pa rin ng normal ang pipiliin niya.

Mensahe ni Mommy Faith sa mga nanay na gustong subukan ang VBAC ay huwag matakot at ihanda ang kanilang sarili. Nagbahagi rin siya ng tips para maisakatuparan rin nila ito.

Tips para sa mga mommies na nais mag-VBAC sa panganganak

“Kailangan lang na wag matakot. Magtiwala sa Diyos at sa sarili. Maghanda physically, mentally at spiritually. Dapat humanap ng health care provider na VBAC advocate at syempre gumawa ng birth plan mo. Alamin rin ang iba’t ibang pain management techniques kapag naglalabor. Maaari mong basahin ang “Mother Knows (Gentle) Birth” tampok ang mga easy and effective ways on how to manage pain during labor. Para mawala ang takot mo at matulungan kang ma-handle ang labor pain mo kapag nangaganak. Paniguradong magagawa mo ang dream birth mo!”

Para naman mas malinawanagan sa kahalagahan ng pagkakaroon ng birth plan ay may isinulat rin na libro si Mommy Faith na siguradong makakatulong sa mga mommies. Ito ay pinamagatang “Dream Birth in Your Hands”.

Ang inspiring VBAC story ni Mommy Faith ay nagawa niya sa tulong ng mga eksperto o professional. Kung nagnanais na subukan ito ay dapat magpa-konsulta muna sa iyong duktor upang malaman ang kaniyang opinion.

Mga impormasyong dapat malaman tungkol sa VBAC

Ang VBAC o vaginal birth after C-section ay ang panganganak ng normal vaginal delivery matapos ang panganganak sa pamamagitan ng C-section. Ngunit, hindi lahat ng babaeng nanganak via C-section ay agad na kwalipikadong gawin ang procedure na ito. Dahil ito ay may risk at complications na maari ring maging life-threatening sa buntis at kaniyang baby. Kaya naman bago gawin ito ay dapat mayroong go signal ng isang doktor na siyang makakapagsabi kung good candidate sa procedure na ito ang isang babae.

Mga dapat isaaalang-alang sa pagsasagawa ng VBAC

Ang unang dapat isaalang-alang sa pagsasagawa ng VBAC ay kung fit at healthy ba pareho ang buntis at ang dinadala niyang baby. At hindi rin siya dapat nakakaranas ng sumusunod na kondisyon na maituturing na risky para sa VBAC procedure.

  • Obese o may body mass index na 30 o higit pa
  • Nakakaranas ng komplikasyon sa pagbubuntis tulad ng pre-eclampsia o mataas na blood pressure
  • Edad na lagpas sa 35 taong gulang
  • Nanganak via cesarean sa nakalipas na 19 na buwan
  • May malaking fetus na dinadala
  • May C-section scar na pa-vertical ang posisyon dahil maari itong bumuka na maaring magdulot ng panganib sa babaeng buntis at kaniyang baby
  • History ng dalawa o higit pang C-section delivery

Benepisyo ng VBAC

Ang pangangak via VBAC ay mayroon ring benefits na maibibigay sa isang babae. Ang mga ito ay ang sumusunod:

  • Hindi ito nangangailangan ng surgery
  • Mas kaonti ang mawawalang dugo sa babaeng manganganak
  • Mababang chance na makaranas ng impeksyon
  • Mas mabilis na recovery
  • Mababang tiyansa na makaranas ng injury sa bladder o bowel
  • Hindi komplikado o konting problema ang maaring hanapin sa susunod na panganganak

Ang VBAC ay hindi ipinapayong gawin sa bahay at iilang ospital lang ang ini-encourage ang procedure na ito. Ipinapayong gawin ang procedure na ito sa ospital o isang medical facility. Ito ay para mas mabilis na mabibigyan ng agarang medikal na atensyon ang babaeng nanganganak at kaniyang sanggol sa oras na magkaroon ng problema sa panganganak. Dahil ang bawat minuto sa panganganak ng isang babae ay napaka-importante na kung saan nakasalalay ang buhay niya at ng kaniyang baby.

 

Source:

Mayo Clinic