Danica Sotto to kids na naghiwalay ang parents: "Marriage lang nila ang nag-end pero ikaw hindi... You are not broken"

Mga magulang ni Danica na sina Vic Sotto at Dina Bonnevie may maayos na relasyon kahit hiwalay na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Danica Sotto sa paghihiwalay ng mga magulang niyang sina Vic Sotto at Dina Bonnevie – Marriage lang nila ang nag-end. May mensahe rin siya para sa mga batang nagmula sa broken family.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mensahe ni Danica Sotto sa mga batang mula sa broken family.
  • Paghihiwalay nila Vic Sotto at Dina Bonnevie.

Mensahe ni Danica Sotto sa mga batang mula sa broken family

Image from Danica Sotto's Facebook account

Kahapon sa kaniyang Facebook account ay nag-share si Danica ng larawan mula sa kanilang naging kasal ni Marc Pingris noong 2007. Doon ay makikita na present ang kaniyang mga magulang na sina Vic Sotto at Dina Bonnevie. Ang caption ng kaniyang post ay para sa mga tulad niya na may mga magulang na naghiwalay.

Mensahe ni Danica para sa mga batang may magkahiwalay na magulang, ang kasal o pagsasama lang ng mga magulang nila ang natapos.

Pero hindi ibig sabihin nito na titigil na rin ang kanilang mundo. Bagama't dapat ay matuto sila sa pagkakamali ng kanilang mga magulang at huwag ng gayahin ito.

Pagbabahagi ni Danica,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“To the children of separated parents…

You are not doomed to repeat the mistakes of your parents. You will find love and you have love kasi you learned from what they did wrong. Marriage lang nila ang nag end pero ikaw hindi… you are not broken.”

Dagdag pa niya, magagawa ito ng mga batang mula sa broken family sa pamamagitan ng paghingi ng tulong at guidance sa Diyos. Mula doon ay hindi na nila kailangan pang hanapin sa ibang tao ang kasiyahan nila at wala na silang dapat patunayan pa.

“Ask God to help and guide you. Kasi if we genuinely experience and understand God’s love. You won’t need to prove yourself to other people. You know na buo ka kasi HE fills in the gaps. 'Yong 'di kayang punuin ng mga tao lang. ♥️"

Ito ang sabi pa ni Danica sa kaniyang Facebook post.

Reaksyon ng mga netizen

Marami sa mga netizens ang sumang-ayon sa sinabing ito ni Danica. Mas lalo siyang hinanggaan sa pagiging ulirang anak niya. Lalo pa’t sa ngayon si Danica at mister na si Marc Pingris ay may masayang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Yes right! Your good an example daughter. You are very mature to speak. I'm proud of you Danica.♥️ God bless you always."

"I came from broken family too, lumaki ako na lagi kong naririnig about how bad my father is. But praise God for His perfect love."

“So true..both me and my husband came from a broken family. But with God as the center of our lives and as me became a Christian 4 years ago mas lalong tumibay ang aming pamilya.”

“Yes true, I also came from broken family. When I was young I promised to myself that my kids will not experience the same situation I had.. Thanks God for helping me fulfilled that promise.”

Ito ang komento ng ilang netizens sa post na ito ni Danica.

BASAHIN:

Danica Sotto: “I tested positive for covid 2 weeks ago, two days after my booster shot.”

Pauleen Luna sa relasyon nila ni Vic Sotto: “A lot of people didn’t want us to succeed”

Oyo Sotto to wife Kristine Hermosa: “’Yong bahay, hindi ito magiging tahanan o magiging home kung wala siya.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paghihiwalay nila Vic Sotto at Dina Bonnevie

Si Vic Sotto at Dina Bonnevie ay isa sa kinakikiligang love team noong 80s sa Philippine showbizness. Mula sa pagtatambal sa pelikula ang pagtatambal nila ay naging totohanan ng maikasal sila noong 1982.

Sila ay nagkaroon ng dalawang anak na sina Danica at Oyo. Si Danica ipinanganak noong 1983 at si Oyo naman ng sumunod na taon. Ngunit noong 1986 ay dumaan sa pagsubok ang pagsasama ni Dina at Vic.

Nagkaroon ng 3rd party sa kanilang relasyon. Ito ay ang aktres na si Coney Reyes ang ina ni Pasig City Mayor Vico Sotto. Nauwi sa hiwalayan ang pagsasama ni Dina at Vic noon. Taong 1992 ng ganap na ma-annul ang kanilang kasal.

Base sa mga pahayag nina Dina at Vic ay maayos na sa ngayon ang kanilang relasyon sa isa’t isa. Nakapagtawaran na sila sa mga kasalanang nagawa at inking-move on na sa nakaraan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kasi pagdating kay Vic, we're very good friends. Maybe not as close as we were before kasi before kahit na hiwalay na kami we talk to each other. Nagkukuwentuhan kami.”

“Vic knows na whatever it’s worth, kung meron namang mangyari and he needs my help, I'll always be here.”

Ito ang sabi ni Dina Bonnevie na misis na ngayon ni Rep. Deogracias Savellano ng Ilocos Sur.

Habang si Vic Sotto ay kasal na rin sa aktres na si Pauleen Luna. Sila ay may isang anak na nagngangalang Tali.

Image from Danica Sotto's Facebook account

 

Photo:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Famous Pix