Danica Pingris sa second baby nina Vic Sotto at Pauleen Luna: “Your Ates and Kuyas love you!”

Pauleen at Vic nagdidiwang rin ngayon ng kanilang 8th wedding anniversary.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga anak ni Vic Sotto masayang winelcome ang second baby nila ng misis na si Pauleen Luna.

Mababasa dito ang sumusunod:

Vic Sotto and Pauleen Luna second baby

Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna-Sotto

Isang linggo narin ng nakalipas ng isilang ng aktres at TV host na si Pauleen Luna ang second baby nila ng mister na si Vic Sotto. Sa Instagram ay makikita ang cute photos nito na pinakilala nilang si Thia Marceline.

“Thia Marceline Sotto aka Mochi ❣️

January 23 2024

8.2 lbs

Thank you for all your prayers and well wishes!”

Ito ang caption ng post ni Pauleen tampok ang very cute na mga larawan ng anak niyang si Thia.

Samantala, ngayong araw ay nagdidiwang rin ng kanilang 8th wedding anniversary sina Vic at Pauleen. Biro nga ni Pauleen sa kaniyang IG post ay ang anak na si Thia ang regalo niya sa mister sa kanilang wedding anniversary. Nagpasalamat rin siya sa masayang walong taon ng kanilang buhay may-asawa.

“8th Wedding Anniversary gift to my husband is my 1 week old Tia ✨?

Thank you Lord for all the blessings and milestones we've been hitting these past few days. Thank you for 8 peaceful years of marriage.”

Ito ang sabi pa ni Pauleen.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna-Sotto

Reaksyon ng mga anak ni Vic sa pagdating ng kanilang bunsong kapatid

Ang mga naunang anak ni Vic ay masaya rin sa pagdating ng bagong miyembro ng kanilang pamilya. Ang panganay ni Vic at 41-anyos ng si Danica Pingris ay may pa-welcome message sa bago niyang kapatid. Makikita rin sa kalakip na mga larawan sa kaniyang IG post na pati ang iba pa niyang kapatid ay masaya rin sa pagdating ni Thia o Mochi girl sa kanilang pamilya.

“Another answered prayer. ? Welcome to the world Thia Marceline. Your Ates and Kuyas love you!”

Ito ang sabi pa ni Danica.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Danica Pingris

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement