X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Vicki Belo nagkaroon ng breast cancer, lumaban para kay Scarlet: "Lord, please give me time."

5 min read
Vicki Belo nagkaroon ng breast cancer, lumaban para kay Scarlet: "Lord, please give me time."

Pagkukuwento ni Vicki, ang sakit na cancer rin ang naging dahilan para aksidente niyang ma-announce na sila ay may anak na ni Hayden Kho.

Kilalang dermatologist ng mga celebrities na si Dra. Vicki Belo ibinahagi sa unang pagkakataon ang naging kuwento niya laban sa sakit na breast cancer.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Vicki Belo sa paglaban at paggaling niya mula sa sakit na cancer.
  • Paano nalampasan ng doktora ang malalang sakit.

Vicki Belo sa paglaban at paggaling niya mula sa sakit na cancer

vicki belo, hayden kho and scarlet

Larawan mula sa Facebook account ni Vicki Belo

Kung follower ka ni Dra. Vicki Belo sa kaniyang mga social media accounts ay siguradong kaiinggitan mo ang maganda at marangyang buhay na mayroon siya. Maliban sa siya ay sikat na doktor ng mga artista, si Vicki Belo ay mayroon rin maganda at masayang pamilya.

Pero sa kabila nito, base sa ginawang revelation ng doktora sa panayam sa kaniya ng broadcaster na si Korina Sanchez, may isang malaking sikreto ang isang Dra. Vicki Belo. Ito ay kaniyang ibinahagi sa unang pagkakataon. Siya ay nagkaroon ng cancer noong 2016 at sinabihan noon ng mga doktor na siya ay tinaningan na.

“I had cancer in 2016, I was diagnosed with third-stage cancer of the breast. I was diagnosed I think in January of the year then I went to Europe and I was told by them there that I was going to die. ’Don’t bother to have chemo, just fix your affairs. You’re dead in two years.”

Ito daw ang sabi noon sa kaniya ng mga doktor.

Pero hindi daw tumigil ang doktora at nagpunta rin siya sa New York para magpatingin. Doon ay wala ring magandang sinabi sa kaniya ang doktor. Pero kung may maganda daw na resulta ang paghahanap niya ng cure sa cancer ay ang naging malapit ang ex-husband niyang si Atom Henares at present husband niyang si Hayden Kho.

“I went to New York but they wouldn’t give me anything so I asked, ‘What are my chances?’ and they were very quiet. ’We’ll try our best. That’s when I knew Atom still loved me. He went with us talaga that’s why I think Hayden and he got close.”

Kuwento pa ni Vicki, noong kinasal ang anak niyang si Cristalle ay kalbo na siya dahil sa pagpapa-chemo para malabanan ang sakit. Namatay din daw ang nanay niya habang siya ay nasa ospital para sa kaniyang chemotherapy. Ito daw ang pinaka-mahirap na yugto ng buhay ni Vicki Belo at naging daan para ma-announce niya ang pagiging ina sa anak na si Scarlet.

Paano nalampasan ng doktora ang malalang sakit

vicki belo baby

Larawan mula sa Facebook account ni Vicki Belo

Pagpapatuloy ng doktora, nangyari ito habang siya ay nasa isang interview sa isang TV network. Sa interview na yun ay nakikita daw ng doktora na naglalagas na ang buhok niya. Para maiwas sa kaniya ang atensyon at manatiling sikreto ang kaniyang sakit ay na-announce ni Vicki na sila ni Hayden noon ay may isang taong gulang na anak ng si Scarlet.

“So they asked me a question, ‘What are your plans for the future?’ If you have cancer kasi, wala kang plans, you just want to get well. And I don’t plan because I don’t know if I’m gonna be alive or not. And they told me pa I’m gonna be dead so I couldn’t answer. So I said, ‘Do you know Hayden and I have a baby?’ And Scarlet was one. And they go, ‘What?”

Doon na daw nalaman ng buong mundo na may anak si Dra. Vicki Belo at Hayden Kho. Nang nagawa niya daw ito ay agad siyang nag-apologize kay Hayden dahil hindi daw talaga dapat muna nilang i-expose si Scarlet sa publiko.

Pero kuwento ng doktora, maliban sa prayers, love at family support, ang anak na si Scarlet ang dahilan kung paano niya nalabanan at nalampasan ang sakit na cancer.

“The number one secret is Scarlet. Kasi I really look at her and I want to be with her. I don’t want to leave her so young, so I kept praying ‘Lord, please give me time.’”

Dininig naman daw ng Diyos ang dasal ng doktora dahil siya ngayon ay cancer-free na.

scarlet belo

Sa ngayon, sabi ni Vicki Belo ay very happy siya sa buhay niya. Dahil maliban kay Scarlet, ay may mga apo narin siya sa anak na si Cristalle na matagal niya daw hinihintay na magkaroon.

Pagdating nga sa tanong na si Scarlet ba ang susunod na magmamana ng Belo, kuwento ng doktora noong una ay ayaw talaga nito na mag-doktor. Ang pangarap daw nito ay maging isang veterinarian. Pero kamakailan lang ay tila nagkaroon ng pag-asa na ito na ang magiging tagapagmana ng kilalang negosyo niya.

“Lately, I heard her the other day, she is so cute somebody asked her, are you gonna be a doctor? She say I really don’t think I wanted to be a doctor but who will be Belo if I don’t become a doctor.”

Ito ang nangingiting kuwento ni Dra. Vicki Belo tungkol sa bunsong anak na si Scarlet na 7 years old na sa ngayon.

Net 25

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Vicki Belo nagkaroon ng breast cancer, lumaban para kay Scarlet: "Lord, please give me time."
Share:
  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.