Shampoo sa nalalagas na buhok ba ang hanap mo? Narito ang ilang brands ng shampoo na perfect sa’yo. Lalo na kung ang paglalagas ng buhok mo ay dulot ng iyong panganganak o postpartum hair loss.
Postpartum hair loss
Ang paglalagas ng buhok o hair loss ay normal na nararanasan ng mga bagong panganak na babae. Bagamat hindi ito nangyayari sa lahat ng babae, walang dapat ipag-alala tungkol dito. Dahil ito naman ay temporary at manunumbalik sa dati magtapos ang ilang 3-4 na buwan.
Paliwanag ni Dr. Adeeti Gupta, isang OBGYN sa New York, ito ay dulot ng hormonal changes sa katawan ng babae. Dahil kapag buntis, ang estrogen sa katawan ng babae ay tumataas na mas nagpapahaba at nagpapakapal ng buhok. Pero sa oras na makapanganak na, ang estrogen level ay bababa. Dagdag pa ang vitamin deficiencies na nararanasan ng isang babae noong siya ay buntis at ang stress na dulot ng pagiging bagong magulang. Ang lahat ng ito ang itinuturong dahilan ng postpartum hair loss o ang paglalagas ng buhok ng isang bagong panganak na ina.
Para nga muling manumbalik sa malusog at makapal ang buhok ng isang babae ay may ilang paraan siya na maaring gawin. Isa na nga rito ang paggamit ng shampoo sa nalalagas na buhok na perfect para sa mga bagong panganak na babae. Ilan sa mga brands na maaring gamitin ay ang sumusunod:
Mga shampoo sa nalalagas ng buhok pagkatapos manganak
1. Marc Anthony Volumizing Collagen Bamboo Sulfate Free Shampoo
Isa pang brand ng shampoo sa nalalagas na buhok na available dito sa Pilipinas ay ang Marc Anthony Volumizing Collagen Bamboo Sulfate Free Shampoo. Hindi lang nito nililinis ang buhok, pinapatibay rin nito ang buhok at tina-transform sa mas makapal at malusog na version nito. Ito ay sa tulong ng taglay nitong ingredients ng bamboo, biotin at silica.
Mabibili ito sa halagang P399.00 na available sa mga department stores. Pati narin online sa shopping websites na Shopee at Lazada.
2. Avalon Organics Thickening Shampoo Biotin B-Complex Therapy
Ang brand ng shampoo na ito ay perfect naman para sa mga breastfeeding mommies. Dahil ito ay may safe organic ingredients na vegan at biodegradable. Paraben-free narin ito at walang taglay na harsh preservative, synthetic colors, fragrances at phthalates. Kaya naman maliban sa ibabalik nito ang kapal at ganda ng buhok ni Mommy, sinisiguro rin nito na safe si baby.
Mabibili ito sa halagang ₱476.92 para sa 14 fl oz size bottle na mabibili online at sa mga drug stores.
3. Pura D’or, Anti-Hair Loss Shampoo
Tulad ng Avalon shampoo, plants-based rin ang ingredients ng Pura D’or Anti-Hair Loss Shampoo. May taglay rin itong 15 DHT blockers, ang hormone na may kaugnayan sa paglalagas ng buhok. Pinapatibay rin nito ang buhok dahil sa biotin ingredient nito. At niacin naman para sa blood circulation at malusog na pagtubo ng buhok. Ito ay perfect gamitin ng mga breastfeeding moms pati na ang mga babaeng may sensitive na anit o scalp.
Nagkakahalaga ito ng P2,075.30 para sa 16 oz size bottle. At ito ay maaring mabili online sa iHerb at iba pang shopping websites.
4. Phyto Phytocyane Revitalizing Shampoo
Ang Phyto Phytocyane Revatilizing Shampoo sa naglalagas na buhok ay may taglay na gingko biloba at cinchona bark extract. Ini-energize nito ang anit at ini-stimulate ang blood circulation. Kaya naman tumutubo ng malusog ang buhok. Habang ang grapeseed procyanidins ingredients nito ay inaalis ang mga free radicals sa buhok at binibigyan ito ng mas matibay na proteksyon.
Nagkakahalaga ito ng P746.27 para sa 8 oz bottle at maaring mabili online sa caretobeauty.com.
5. Nourishe Beaute Hair Growth Shampoo + Conditioner
Ang Nourishe Beaute Hair Growth Shampoo ay gawa sa drug free solution. May taglay itong DHT blocker, nag-iimprove ng blood circulation sa anit, pinipigilan ang fungal buildup at nag-istimulate ng hair growth. Habang sinisiguradong healthy at strong ang tumutubong buhok sa ulo ng gumagamit nito.
Ito ay mabibili sa halagang P 1,694 para 10 fl oz size bottle na available online sa galleon.ph.
6. Foligain Stimulating Shampoo
Ang Foligain Stimulating Shampoo sa nalalagas na buhok ay isa sa mga brands na maaring mabili dito sa Pilipinas. Ito ay nagtataglay ng bioactive ingredient na Trioxidil na nagpapakapal ng buhok at nagpapalusog ng mga anit. Para sa mas magandang epekto ay mabuting partneran ang kanilang shampoo ng hair conditioner bilang treatment sa postpartum hair loss.
Regular na nagkakahalaga ito ng P2, 279 para sa 8oz size bottle. Pero sa ngayon, ito ay naka-sale at nagkakahalaga ng P1,266.15 at maaring mabili online sa biovea.com.ph.
Source:
Health
Postpartum hair loss: What causes it and 5 ways to deal with it
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!