Vicki Belo madamdaming ibinahagi ang kaniyang adoption story at kung paano niya pinalalaki ang anak na si Scarlet.
Mababasa sa artikulong ito:
- Paano pinalalaki ni Dra. Vicki Belo ang anak na si Scarlet.
- Adoption story ni Vicki Belo
Paano pinalalaki ni Dra. Vicki Belo ang anak na si Scarlet
Image from Scarlet Snow Belo Facebook account
Sa isang panayam sa kaniya ng showbiz reporter na si Ogie Diaz ay ibinahagi ng beauty doctor na si Vicki Belo kung paano niya pinalalaki ang anak na si Scarlet, 6-anyos.
Ayon sa doktora, bagama’t kaya niya ay hindi niya ini-spoil o ibinibigay ang lahat ng gusto ng anak. Dahil naniniwala siya na hindi umano ito makakatulong sa bata lalo na sa future nito.
“With Scarlet ayokong ibigay lahat kasi hindi nakakatulong talaga. Kung feeling ko lang makakatulong sa future niya at magiging happier person siya I will do it. But I always stop myself because I know it’s good for her too.”
Dagdag na kuwento ng doktora, ito ay mahirap para sa kaniya. Lalo na’t bilang isang ina ay nais niyang mas mahalin siya ng anak. Pero mas nangingibabaw ang kagustuhan niya na maturuang maging strong si Scarlet. Sapagkat pagbabahagi niya bilang isang adopted child na kung saan ibinigay sa kaniya ang lahat ay nahirapan siya sa buhay.
“Nahihirapan ako kasi of course I want Scarlet to love me. So kung puwede ko lang i-bribe at ibigay lahat ng gusto niya gagawin ko.
Pero ang problema alam ko, only child din ako I’m also adopted. My parents were so mabigay to me and generous. And everything I wanted they would give, nahirapan ako in life, in the future.”
Ito ang sabi pa ni Vicki Belo.
Adoption story ni Dra. Vicki Belo
Pero sa kabilang banda, ang pagiging adopted niya umano ang nagtulak kay Dra. Vicki Belo na maging cosmetic surgeon at makilala sa larangang ito.
Ito ay nag-ugat sa pangungutya na naranasan niya noong siya ay maliit pa. Paniniwala niya rin noon na dahil sa kaniyang itsura kaya siguro siya pinaampon ng mga magulang niya.
“Even when I was young binu-bully ako. “Bakit ka ba pinamigay? Bakit ampon ka lang?’ Dahil ba pangit ka? Dahil ba ang taba mo. In my brain talaga, kapag mataba ka, kapag pangit ka pamimigay ka lang.
In my 5-year-old brain, I said papagandahin ko lahat ng tao para hindi sila ipapamigay at mamahalin sila. And that’s why Belo Medical Group was born.”
Ito ang kuwento pa ni Dra. Vicki Belo.
Young Vicki Belo/ Image from YouTube Video
Madamdamin at very painful para kay Vicki Belo ang adoption story niya. Isa itong tagpo sa buhay niya na magpahanggang ngayon ay kumukurot sa puso niya.
Sa katunayan, tuwing kaniyang kaarawan ay umaalis daw ang doktora para hindi siya mabati at hindi niya maalala ang sakit ng kapakanakan niya.
“Noong ipinanganak ako never akong hinawakan ng nanay ko. So right away dinala na nila ako sa incubator tapos hinintay ko nalang yung Belo mom kasi I was born in Cebu.”
“’Di ba happy birthday? Sino naman happy sa birthday ko? My mom and dad gave me on my birthday. Bumabalik lang talaga yung pain.”
Ito ang naluluhang kuwento pa ng doktora.
Kuwento ni Dra. Vicki Belo, pang-lima siya sa siyam na magkakapatid sa kaniyang tunay na magulang. Pero dahil sa hindi magkaanak ang kapatid ng kaniyang ina, nasa sinapupunan pa lang siya ay nakontrata ng ipapaampon siya sa dapat ay tiyuhin at tiyahin niya.
BASAHIN:
Raising Scarlet Snow: Vicki Belo talks about raising daughter normally
Being a mom to Scarlet
Pero lubos umano ang pagpapasalamat ni Dra. Vicki Belo sa mga magulang niya na umampon sa kaniya. Dahil ibinigay ng mga ito ang lahat at pagmamahal ng tunay na mga magulang.
Hindi niya nga raw makakalimutan ang laging sinasabi sa kaniya ng kaniyang adoptive mother. Ito rin umano ang parehong linya na sinasabi niya kay Scarlet na ipinagbuntis ng isang surrogate mother.
“Hija, you are really my daughter. You were just born from my heart, not from my stomach. And I tell that to Scarlet also.”
Ito ang kuwento pa ng doktora.
Vicki Belo with mother/ Image from YouTube Video
Sa ngayon, bilang isang ina kay Scarlet ay ibinubuhos daw lahat ng doktora ng kaniyang oras para maiparamdam sa anak ang kaniyang pagmamahal. Ito daw ay namiss niyang gawin sa mga anak niyang sina Crystalle at Quark Henares.
Kaya naman sa kaniyang edad na 65-anyos ay pinanatiling healthy at young ng doktora ang katawan niya. Lalo pa’t sabi niya ang araw-araw na kasama si Scarlet ay puno ng discovery at happiness na tinetreasure niya.
“With Scarlet everyday iba-iba, nakakaaliw. Ang cute cute nya. I am so happy. I owe it to her. And I want to be healthy and young para makasama ko naman siya for longer time.”
Ito ang sabi pa ng doktora at ina na si Dra. Vicki Belo.