Vickie Rushton on being a mom: “A lot of good things have happened in my life but I’ve never been this happy.”

Para naman sa mister niyang si Jason Abalos, mas na-appreciate niya ang misis na si Vickie ng maisilang na nito ang baby nila at makita niya ang sakripisyo nito bilang isang ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Vickie Rushton as a mom, ibinahaging ito ang pinakamasayang bahagi ng buhay niya.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Vickie Rushton as a mom.
  • Pangangak most beautiful experience para sa dating beauty queen.

Vickie Rushton as a mom

Larawan mula sa Instagram account ni Vickie Rushton

Sa Instagram ay ibinahagi ng beauty queen na si Vickie Rushton ang nararamdaman niya bilang siya ay isa ng ganap ng ina. Ayon kay Vickie, ang pagiging isang ina at pinakamasayang yugto daw ng buhay niya. Ito rin daw ang isa sa mga bagay na ipinagdasal niya na ngayon ay naisakatuparan na.

“A lot of good things have happened in my life but I’ve never been this happy - this genuinely happy. I’m grateful that I am living in one of my answered prayers. Thank you, Lord. ???”

Ito ang sabi pa ni Vickie sa kaniyang post.

Pangangak most beautiful experience para sa dating beauty queen

Si Vickie sobrang thankful din at sinabing most beautiful experience niya ang panganganak. Siya ay nanganak noong August 14 sa healthy baby boy na pinangalanan nila ng mister niyang si Jason Abalos na si Knoa Alexander. Si Vickie willing daw ng ulit-ulitin ang naging panganganak dahil sa magic na dala nito kahit hindi daw nasunod ito sa plano nila.

“Although it didn’t go as planned, I wouldn’t have it any other way. It was ✨ magical ✨ and I would do it all over again in a heartbeat. I had the most beautiful birth experience and that’s because I have the best and amazing team.”

Ito ang sabi pa ni Vickie.

Samantala, sa isang IG post ay nagbigay pugay rin si Jason Abalos sa mga nanay kabilang na syempre ang kaniyang misis. Mas na-appreciate niya nga daw ito ng maisilang na ang anak nila at nasaksihan nito ang sakripisyo ni Vickie bilang isang ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Jason Abalos

“Sabi nila dapat spiritually, physically, mentally, emotionally at financially ready ka pag magaanak at tama naman dahil hindi madali. Pero wala nang mas hihirap pa sa mga Nanay sa proseso nito. Mas na appreciate ko ang aking asawa at lahat ng Nanay sa mundo nang masaksihan ko ang panganganak ni @vimrushton , hangang ngayon na nasa labas na si Knoa ay siya pa din ang sumasalo sa lahat ng pagod at puyat, literal na dugo’t pawis.”

Ito ang sabi ni Jason sa isang Instagram post.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Jason Abalos

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement