Napag-alaman ng mga eksperto na ang panonoood ng TV at paglalaro ng video games ay posibleng makatulong upang maging matalino ang inyong mga anak. Alamin dito kung ano ang positibong epekto nito sa mga bata.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Video games makatutulong para tumalino ang anak, ayon sa mga eksperto
- Healthy tips para sa screen time ng mga bata
Video games makatutulong para tumalino ang anak, ayon sa mga eksperto
Sa paglipas ng panahon, maraming bagay ang umuunlad sa mundo. Numero uno na diyan ang teknolohiya. Sa modern times, kalakhan na sa populasyon ng daigdig ang gumagamit nito, lalo na sa mga bata.
Hindi na uso ang kinasanayang paglalaro sa labas ng patintero, piko, o luksong-baka. Ito ay dahil marami sa kabataan ang nahuhumaling sa paggamit ng kanilang mga cellphones, tablets, at iba pang gadgets. Bukod nga ba sa dalang libangan, ano pa kaya ang benepisyong bitbit nito sa inyong mga anak?
Sa pag-aaral ng mga researchers mula sa Karolinska Institute at Vrije Universiteit Amsterdam patungkol sa kaugnayan ng screen habits at intelligence, ay may nakita sila maaaring makatulong sa bata.
Mula sa humigit kumulang 9,000 batang babae at lalaking may edad siyam o sampu sa United States of America ang kabilang sa pag-aaral.
Sumailalim sa ilang pyschological test ang mga bata upang makita ang kanilang general cognitive abilities. Habang ang mga magulang naman ay tinanong patungkol sa oras na ginugugol ng kanilang mga anak sa panonood ng telebisyon.
Kasama rin sa tinanong ay ang oras sa paglalaro ng video games at maging ang engagement nila sa social media.
Matapos ang dalawang taon, binalikan nila ang halos 5,000 bata na sumailalim sa kanilang pag-aaral. Dito ay muli nilang pinagawa ang psychological test na ginawa nila noon upang makumpara ang dalawa.
Napag-alaman nilang, ang mga bata ay gumugugol nang halos dalawa’t kalahating oras sa panonood ng TV, isang oras sa paglalaro ng video games, at kalahating oras sa social media.
Nakita nilang walang significant na epekto (sa parehong aspeto: positibo at negatibo) ang panonood ng TV at paggamit ng social media sa bata.
Sa kabilang banda, nakita nilang humigit kumulnag 2.5 ang lamang na IQ points ng mga batang naglalaro madalas ng mga video games.
Ayon kay Torkel Klingberg, isa sa mga researchers at professor ng cognitive neuroscience sa Department of Neuroscience sa Karolinska Institute:
“We didn’t examine the effects of screen behaviour on physical activity, sleep, wellbeing or school performance, so we can’t say anything about that, but our results support the claim that screen time generally doesn’t impair children’s cognitive abilities, and that playing video games can actually help boost intelligence.”
“This is consistent with several experimental studies of video-game playing.”
Nalaman na ang intelligence o katalinuhan ay hindi constant kundi quality na nagmumula sa iba’t ibang environmental factors.
Ayon pa kay Klingber, pag-aaralan na rin daw nila ang epekto ng iba pang environmental factors at kung paano ang cognitive effects ay may kinalaman sa childhood brain development.
“We will now be studying the effects of other environmental factors and how the cognitive effects relate to childhood brain development.”
BASAHIN:
STUDY: Pagpuri sa mga bata may maganda raw na epekto para maging magaling sila sa school
The hows of raising a super smart baby: Here are 12 tips you can try
STUDY: Mga bata nababawasan ang stress kapag malapit sa garden, mapupunong lugar
Healthy tips para sa screen time ng mga bata
Bagaman may magandang dulot ang paglalaro ng video games sa intelligence sa inyong anak, magandang ikonsidera pa rin ang ilang sa negatibong epekto nito sa kanila lalo’t bata pa lamang sila.
Kung hindi na maiwasan ang screen time nila, magandang magkaroon man lang ng healthy at balanced na paggamit ng technologies. Nairto ang ilan sa healthy tips na maaaring makatulong sa inyo:
- Huwag ipakilala ang teknolohiya kung sobrang bata pa lamang ang anak partikular kung sila ay nasa edad 18 buwan pababa.
- Unahin ang pagpapakilala sa iba’t ibang family activities tiyaka ang technology.
- Bawasan ang sariling screen time upang gayahin ng bata.
- Huwag parating ipakita sa anak na ginagamit mo rin ang mga gadgets, maaaring ipaliwanag kung bakit may mga panahong hindi mo maiwasang gamitin ito.
- Patayin lahat ng screens sa tuwing kumakain upang hindi nila makasanayang gawin ito parati.
- Gawing privilege ang screen time para sa kanila.
- Ipagamit lamang ito sa tuwing natatapos nila ang mga gawaing nakaatas sa kanila at homeworks.
- Kung manonood nang magkakasama, tignan ang mga programang pwede sa buong pamilya.
- Maglaro ng video games kasama ang anak upang masigurong akma ito para sa kanilang edad.
- Magkaroon ng ibang alternative na libangan bukod sa mga gadgets.
- Ugaliing kausapin sila parati tungkol sa paggamit ng teknolohiya.