Nakikita mo ba kung paanong abot-tenga ang ngiti ng bata sa tuwing binibigyan ng stars ng teachers nila sa school? Ganito sila kasaya sa tuwing nakakatanggap ng papuri ang mga bata sa tuwing nakakagawa sila ng maganda.
Ayon sa study, ang pag-acknowledge sa inyong mga anak ay may dalang magandang epekto para maging mas magaling pa sila.
Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:
- Papuri sa mga bata may maganda raw na epekto para maging magaling sila sa school, ayon sa isang pag-aaral
- Benepisyo ng papuri sa bata
- Paano dapat pinupuri ang bata nang tama?
Papuri sa mga bata may maganda raw na epekto para maging magaling sila sa school, ayon sa isang pag-aaral
Makapangyarihan ang papuri. Nakapagbigay ligaya ito sa tao at nakakahiyakat na lalo pang galingan sa mga bagay na pinuri sila. Sa mga bata, labis-labis na kasiyahan ang dala nito.
Napapansin mo ba kung gaano kasaya ang anak sa tuwing uuwi galing eskwelahan at may tatak ng ‘very good’ mula sa teacher? O kaya ang makakatanggap ng malaki at maraming stars dahil naging mahusay sila sa isang gawain? Maganda ang epekto nito sa mga bata dahil lalo nilang gagalingan pa sa mga susunod na pagkakataon.
Sa isang pag-aaral, nakita sa 28 na middle school na mayroong multitude positive outcomes ang pagpupuri sa mga estudyante.
Nakita ang magandang record ng grades sa kanilang report card. Umunlad din ang kanilang academic engagement dahil sa mga papuring mula sa guro.
Benepisyo ng papuri sa bata
1. Nakapag-iimprove ng self-esteem
Nabo-boost ng mga salita ng pagpuri sa kanilang ginagawa. Kaya mula sa pagkakaroon ng mababa self-esteem ay tumataas ito. Nararamdaman kasi nilang may naniniwala at natutuwa sa kanilang ginagawa. Ibig sabihin, nasa tamang direksyon sila kaya nae-engganyo pa silang gawin ulit ito.
2. Mas gumagaling sila
Dahil nga sa laging napupuri ay nai-encourage silang mas lalong pag-igihan ang ilang aktibidad tulad ng pag-aaral. Sa paglipas ng panahon, napauunlad nila ang skills kaya lalong humuhusay.
3. Nakakadiskubre ng iba pang skills
Motivated sila gawin ang maraming bagay. Sa paggawa nila ng mga ito ay may posibilidad na makadiskubre pa sila ng ibang skills na pwede rin nilang paunlarin. Makatutulong din ang pagkakaroon ng motibasyon ng estudyante pagdating sa kanyang future
BASAHIN:
Parating galit ang bata? 4 na paraan para malaman kung anxiety ito
4 basic anger expressions para matulungan na i-manage ang galit ng bata
Masungit na bata ba ang anak mo? 6 ways para tulungan siyang mas maging mabait
Paano dapat pinupuri ang bata nang tama?
Alam naming naeengganyo na kayo bilang parents na purhin parati ang anak. Alam niyo ba mommies and daddies na hindi basta-basta pinupuri ang bata?
Minsan kasi ay nakakasama pa ito kaysa nakakabuti. Alamin ang tamang paraan kung paano pinupuri nang tama ang mga bata:
1. Purihin sila nang totoo at sincere
Sa kagustuhan ng magulang na maboost ang self-esteem at mamotivate pinupuri ang kanilang anak sa maling paraan. Ang mga encouraging words na hindi consistent ay maaari nilang isiping insincere. Maaaring mauwi ito sa self-criticism at self-sabotage sa mga bata. Nauuwi rin sa manipulation ang ilan dito.
Halimbawa ay sinabihan mo siyang “Ang galing mo sa exam anak. Tiyak mas gagalingan mo pa sa susunod.” Kung sasabihin mo ito at marami naman siyang mali sa exam, iisipin niyang binobola mo lamang siya. Maging ang expectation na gagalingan niya sa susunod ay halimbawa ng manipulation.
Maaaring sabihin na lang na, “Ang husay ng mga sagot mo sa (mga tamang sagot niya). Nagustuhan ko kung paano mo iyon ginawa.”
2. Maging specific
Mas specific, mas factual at sincere. Sa ganitong paraan, nalalaman nilang napapansin mo ang malilit na detalye ng kanilang ginagawa.
Halimbawa ay sinabihan mo siyang “Ang ganda ng drawing na ito!” Mararamdaman niyang ginagawa mo lang iyon para matuwa siya pero hindi ka talaga nagandahan. Maaaring sabihing, “Nagustuhan ko kung paano mo ginamit ang iba’t ibang linya sa pagdodrawing.”
3. Iwasan ang comparison praise
Masakit sa feelings ng bata ang ikumpara ang galing ng isa sa galing ng iba. Bawat bata ay may kanya-kanyang kakayahan. Ang mga batang parating pinupuri sa pamamagitan ng pagkukumpara ay inuulit-ulit ito sa tuwing sila ay pumapalpak.
Dito lalong mawawala ang kanilang motibasyon dahil akala nila wala na silang kakayahang pumantay sa galing ng iba. Kaya imbes na gumaling ay lalong nawawalan sila ng gana sa kanilang ginagawa.
Halimbawa ay sinabihan siyang, “Ang galing mo, pareho kayo ng iyong kuya magaling din sa pagpo-portrait.” Magkakaroon ng tendency na maging basehan na ng kanyang abilidad ang kuya niya at mapanghinaan ng loob sa tuwing hindi niya napapantayan. Maaaring sabihin na lang na, “Ang galing mong magdrawing ng mga mukha ng tao.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!