Vilma Santos-Recto excited to go back to showbiz industry: "I don't mind doing a movie."

Payo rin ni Vilma Santos sa iba pang mommy, dapat ay mag-adjust sila dahil masyado ng techy ang kabataan ngayon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Binunyag ng dating aktres na si Vilma Santos na gusto niyang magbalik-showbiz sa vlog ng kaniyang manugang na si Jessy Mendiola. Binahagi rin ni Ate Vi ang

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Vilma Santos gusto magbalik sa larangan ng showbiz
  • Biography ng 'Star for All Seasons'

Vilma Santos gusto magbalik sa larangan ng showbiz

Larawan mula sa Instagram account ni Vilma Santos

Isang sweet na vlog ang inilabas ng aktres na si Jessy Mendiola sa kanyang YouTube channel kung saan nakasama niya si Vilma Santos-Recto.

Sa video na pinamagatang 'Mother's Day Celebration', makikitang hinandugan nina Jessy at Luis Manzano si Vilma ng bulaklak at maliit na salo-salo upang ipagdiwang ang Araw ng mga Nanay.

Nagkaroon din ng tila mini interview sina Jessy Mendiola at Luiz Manzano kay Vilma Santos sa kanilang vlog kung saan sinagot niya ang ilang katanungan tungkol sa iba't ibang bagay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagbalik-tanaw si Vilma Santos sa mga panahong siya ay aktres nang ibahagi niya ang karanasan nya sa pelikulang 'Anak' nang tanungin ito ni Luis kung ano ang masasabi niya sa mga nanay na Overseas Filipino Workers (OFW).

Ayon kay Vilma, dito niya raw naranasan ang sakit na mawalay sa anak para lamang sa trabaho.

"Basta bigyan natin ng pagpapahalaga ang ating mga nanay."

Sa interview rin ito na-open up ang pagpapasya ni Vilma Santos na bumalik sa showbiz.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon daw kasi kay Vilma ay nais niyang magpahinga at mag-relax muna mula sa career nito bilang public servant na matatapos sa June 30. Kaya nang tanungin tungkol sa pagbabalik showbiz, sinabi ni Vilma na ready na siyang muling tumanggap ng mga projects sa acting.

"Excited! Excited ako. I don't mind doing a movie or maybe a television show."

Bukod dito ay bukas din naman daw si Vilma Santos sa pagpo-produce ng sarili niyang pelikula o kaya ay maging bahagi na ng isang sitcom.

Masayang nag-bonding din ang pamilya nang magkulitan ito sa tanong na kung may favorite bang anak si Vilma Santos. Habang tinanong naman ulit ni Luiz kung anong maipapayo nito upang maging isang 'cool mom'.

"You really have to adjust with the Generation Z."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Mga nanay, teknolohiya na po tayo ngayon eh. So, ang bilis ng utak ng mga kabataan ng ating mga anak. Palagay ko, tayo po bilang mga magulang we really have no choice but to adjust."

Sumingit din ng tanong si Jessy Mendiola kung ano ang masasabi ni Vilma para sa future moms, kung saan sinabi nito na masarap maging ina.

Screenshot mula sa vlog ni Jessy Mendiola

"Sa mga magiging nanay sa darating na panahon, alam niyo po hindi ko kasi mapapaliwanag kung gaano kasarap 'yun at ka-meaningful kapag kayo ay naging nanay."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi raw maipapaliwanag sa salita ang sayang dala kapag nanganak na at makita ang buhay na inilabas sa sinapupunan.

"Unexplainable. Hindi mo talaga maipaliwanag na may inilabas kang buhay at 'yong buhay na 'yon nanggaling sa'yo. So, 'yong proteksyon na ibibigay mo dun sobra-sobra na to the point na you can give your life."

Hindi rin nagpahuli sa pagbibigay ng mensahe ang anak nitong Luis Manzano.

"I love you and every day should be a Mother's Day."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Vilma Santos at Ralph Recto on 29 years of marriage: “I still feel the fire ng pagmamahal ni Ralph sa akin"

Jessy Mendiola may hiling sa kanyang Lebanese father: "Please just come home with me"

Edu Manzano on relationship with Cherry Pie Picache: "Napakaikli ng buhay"

Biography ng 'Star for All Seasons'

Larawan mula sa Instagram account ni Vilma Santos

Nakilala bilang 'Ate Vi' ang Filipino actress at ngayon ay public servant na si Vilma Santos. Tinagurian din siyang 'Star for All Seasons' dahil sa maraming roles na ginampanan niya sa iba't ibang pelikula.

Isa rin siya sa may pinakamahabang reigning box office queen sa kasaysayan ng Philippine cinema. Unang nakilala siya nang gumampan siya bilang bida sa palabas na 'Trudis Liit' kung saan natanggap niya ang FAMAS award na Best Child Performer sa taong 1963. Dito nagsimulang makilala siya at tumaginting ang kanyang career.

Taong 1998 nang mapagdesisyunan niyang pasukin pagiging public servant at naging kauna-unahang babaeng mayor sa Lipa City, Batangas. Taong 2007 naman nang ma-elect at maging governor sa naturang probinsya.

Una niyang naging asawa ang aktor na si Edu Manzano at nagkaroon ng anak na si Luis Manzano. Hindi nagtagal ang kanilang pagsasama at nakapag-asawa siyang muli.

Sa pagkakataon namang ito ay si Ralph Recto ang kaniyang naging mister, at nagbunga rin ang kanilang pagmamahalan at naging anak nila si Ryan Christian.

Sa ngayon ay marami ang nag-aabang sa planong pagbabalik ni Ate Vi sa larangan ng showbiz.

Sinulat ni

Ange Villanueva