Vin Abrenica, nagbago ang buhay para sa anak na si Avianna.
Vin Abrenica nangako magiging example ng good man sa anak
Bilang ama, marami ang nagbago sa buhay ni Vin dahil sa anak. Gusto niya maging example ng tamang lalaki para sa kanyang anak.
“Na ibibigay ko sa kanya lahat para eventually she knows na dapat, ‘O, tatay ko, tinatrato ako na ganito.” kwento ni Vin sa media.
Maging ideal man ang pangako ng aktor na si Vin para sa anak na si Avianna. | Larawan mula sa Instagram ni Vin Abrenica.
Kung paano tratuhin ng isang lalaki ang anak, ang tunay na attitude ng lalaki. Aminado naman ang aktor na hindi pa talaga siya ready sa pagiging ama nung dumating ang anak.
Hindi planado ang pagkakaroon ng anak noong nakabuo sila. Eight years ang mag-partner noong nabuo ang anak na si Avianna.
Nagpakasal ang celebrity couple ng tenth year ng kanilang relationship. During pandemic pa noong nagbuntis ang kanyang partner.
Dahil parehas silang nasa iisang bubong, kasama si Vin sa pregnancy journey ni Sophie.
Vin, naging part of the pregnancy journey ni Sophie dahil sa pagsasama nilang dalawa sa isang bubong. | Larawan mula sa Instagram ni Vin Abrenica.
“So, buntis si Sophie, magkasama lang kami sa iisang kuwarto the whole nine months. I was part of the journey.” pagkwekwento ng aktor.
Kahit hindi ready si Vin ay naging ready siya dahil may responsibility na siya sa kanyang mag-ina. Dahil part siya ng journey, naging witness siya sa lahat ng stages ng being pregnant ng partner.
Isa sa mga challenges na naexperience nila ay ang postpartum. Pero dahil na rin kay God, ay nalagpasaan ng couple ito.
Lalo pa daw minahal ni Vin ang asawa na si Sophie dahil sa kanilang experiences.
“I’m still living the best days and the best part of my life.” saad pa ni Vin.
Natanong rin ito na kung nageenjoy siya maging ama, kailan masusundan ang anak.
“Ako honestly, ahhmm… let’s give respect to my wife. If she’s ready, it’s her body. Ako anytime she wants, let’s do it,” dagdag niya.
Kung ang aktor naman, gusto niya na ng isa pa. Sana ay boy or twins pa nga daw.
Pero depende pa rin kung ready na ang kanyang asawa. Sa ngayon daw ay busy pa ito sa career niya at proud ang aktor sa mga achievement ng asawa.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!