Ito ang rason kung bakit kailangan ng buntis ng Vitamin C

Ano nga ba ang benepisyo ng Vitamin C para sa mga buntis? Makakatulong umano ang bitamina na ito hindi lang kay mommy pati na rin sa fetal development.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Habang dinadanas ng isang buntis na babae ang lahat ng phase sa pagbubuntis, kinakailangan niya ng patuloy na nutritsyon para mapanatiling healthy ang kaniyang katawan. Kaya naman mahalaga ang Vitamin C sa mga buntis para na rin sa fetal development at kalusugan ni mommy.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Vitamin C para sa buntis: Mga kailangan mong malaman
  • 5 benepisyo ng Vitamin C para sa mga buntis
  • Tamang dosage ng Vitamin C para sa mga buntis

Subalit ang pag-uminom ng Vitamin C ay kinakailangan ng tamang dose para sa mga buntis upang maibigay nito ang maximum na level na benepisyo nito at hindi maging sanhi ng komplikasyon sa kalusugan.

Vitamin C para sa buntis: Mga kailangan mong malaman

credit to sources

Ang Vitamin C ay isang uri ng water – soluble. Hindi ito napo-produce ng ating katawan subalit nakukuha lamang ito sa pagkain ng mga gulay at prutas na mayroong Vitamin C.

Kaya’t inaabisuhan na uminom ng Vitamin C araw-araw sapagkat hindi ito namamalagi sa katawan ng matagal.

Lahat ng tao ay nirerekomenda na uminom ng Vitamin C lalong-lalo na ang mga buntis upang maiwasan ang problemang pang kalusugan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5 benepisyo ng Vitamin C para sa mga buntis

Ang mga buntis at mga sanggol sa loob ng sinapupunan ng kaniyang ina ay nangangailangan ng Vitamin C upang mapanatili ang kanilang malusog na pangangatawan, patuloy na pagbuo ng collagen sa mga buto at muscles pati na rin sa balat at blood vessels ng baby.

Hindi lamang iyon, ang Vitamin C ay nagtataglay rin ng anti-oxidants upang maiwasan ang free radical repair at pagkasira ng body tissues na nakakatulong sa agarang paghilom ng mga sugat.

Narito ang ilan pang mga benepisyo na maaring makuha sa Vitamin C:

1. Nababawasan nito ang tiyansa ng pagkakaroon ng preeclampsia

Nararanasan ang pre-eclampsia kapag hindi nagagawa ng placenta ang tungkulin nito sa ina at sa sanggol. Kung hindi maaagapan ay makakaranas ng matinding sakit ang ina at ang bata.

Nade-detect ito sa pamamagitan ng pag-check sa blood pressure, protein level sa ihi, at pamamaga ng binti at braso. Ang preeclampsia ay posibleng maranasan sa gestational age ng isang babae na 20 weeks ng buntis. Samantala, ang iba naman ay maaaring maranasan ito sa huling trimester ng kanilang pagbubuntis.

Ang kondisyon na ito ay maiiwasan kung ang ina ay kakain ng mga pagkain na sagana sa anti-oxidants tulad ng Vitamin C at Vitamin E.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Nakakatulong sa pag-absorb ng Iron

Larawan mula sa  Freepik

Nakakatulong ang Vitamin C sa pag-absorb ng iron sa katawan. Ang mga buntis ay nangangailangan ng iron upang makabuo ng red blood cells at maiwasan ang anemia.

Kaya’t upang mapanatili ang malusog na pangangatawan, dapat kang kumain ng mga pagkain na nagtataglay ng iron at vitamin C.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Ang vitamin C ay isang suporta sa development ng sanggol sa loob ng sinapupunan

Ang pag-inom ng vitamin C ay hindi lamang makakabuti sa buntis kundi pati na rin sa sanggol na dinadala nito.

Ayon sa maraming pag aaral, ang pagkain ng mga buntis ng gulay at prutas na sagana sa Vitamin C ay nakakatulong bilang isang suporta sa development ng iyong baby.

Sinisigurado rin nito ang maayos na panganganak na walang kahit na anong impeksyon.

4. Iniiwasan nito ang gestational diabetes

Ang gestational diabetes ay isang kondisyon kung saan tumataas ng blood sugar level ng isang buntis. Maaari itong magdulot ng komplikasyon sa pagbubuntis tulad ng premature birth, mataas o labis na timbang ng iyong supling, at preeclampsia.

Para maiwasan ang gestational diabetes, ang mga buntis ay inaabisuhang uminom ng vitamin C.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Nakakatulong sa pag-maintain ng healthy skin at buhok

Larawan mula Freepik

Ang araw-araw na pag-inom ng Vitamin C ay may kaugnayan sa kagandahan. Dahil ang Vitamin C ay nagtataglay ng anti-oxidants na nakakabagal sa pagkasira ng skin cells at pinananatili ang pagbuo ng collagen proteins sa ating katawan.

Nagreresulta ito sa makinis at malinaw na balat. Hindi lamang ang kutis sa mukha kundi pati na rin ang malusog na anit. Ang malusog na anit ay nakakatulong upang hindi maglagas ang ating buhok lalong lalo na kung ikaw ay buntis at manganganak.

Tamang dosage ng Vitamin C sa mga buntis

Ayon sa American Pregnancy Association, ang inirerekomendang dosage ng Vitamin C araw-araw ay 200 to 500 mg.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, kung ikaw ay iinom ng sobra wala naman itong magiging masamang epekto dahil ang Vitamin C ay water soluble. Ngunit hindi dapat ito sosobra sa 2,000 mg kada araw ang pag-inom nito para sa mga buntis. Sapagkat maaari itong makasama sa pagbubuntis.

Upang makamit ang wastong dosage ng Vitamin C, inirerekumenda namin na kumain ng prutas na sagana rito tulad ng bayabas, orange, kiwi, strawberries, mangga at kamatis. Sa mga gulay naman ay kumain ng broccoli, spinach at cauliflower.

Orihinal na inilathala sa theAsianparent Malaysia sa wikang Malay at isinalin ni Alyssa Joyce Wijangco na may pahintulot sa wikang Filipino

Sinulat ni

The Asian Parent