Marami ang nagkakasakit sanhi ng pabago-bagong lagay ng panahon na nararanasan sa bansa. Kaya naman mahalagang kumain ng masusustansyang pagkain upang mapanatiling malakas ang resistensya. Bukod pa rito, malaking tulong din ang pag-inom ng mga supplements na nagtataglay ng iba’t ibang vitamins at minerals. Kapag kasama ang vitamins for adults sa daily routine, maiiwasan ang nutrition gap na nagiging dahilan ng mabilis na pagkakasakit.
Kung kasalukuyan kang on the hunt for the best vitamins for adults, tamang-tama ang listahan namin for you! Patuloy na magbasa at alamin ang aming recommended brands, plus matuto ng higit pa kung paano mo mapapalakas ang iyong resistensya.
How to choose the best vitamins for adults
Bago pumili ng brand ng vitamins na iyong iinumin, narito ang ilan sa mga factors na dapat mong i-consider:
Ingredients
Mahalagang tignan ang components ng vitamins na iyong pipiliin. Siguraduhing hindi ito naglalaman ng ingredient na maaaring bawal sa iyo. May mga supplements kasi na naglalaman ng allergens na possibleng magdulot ng discomfort kaya’t mabuting maging mabusisi at basahin ang detalye na nakasulat sa packaging.
Benefits
May mga vitamins na ginawa para sa partikular na benefit. Maaaring ito ay para sa mata, isip, pampagana kumain, balat at iba pa. Tignan mabuti kung para saan ang vitamins na iyong bibilhin. Kung nais mo naman gumamit ng supplement na kumpleto sa nutrients na kinakailangan ng katawan, mas mabuting multivitamins ang bilhin.
Presyo
Dapat lamang na maging handa ang iyong budget sa pagbili ng vitamins for adults. May kamahalan kasi ang mga presyo nito ngunit makakasigurado ka namang makukuha mo ang beneficial effects na nagmumula rito. Sa kabilang banda, may mga vitamins din naman na affordable.
Dapat lamang na isama na sa budget ang vitamins lalo na kung plano mong uminom nito sa mahabang panahon.
Best vitamins for adults
Best Parents’ Choice
Vitamins For Adults Philippines: Best Immune-Boosting Brands Online | Centrum
Ang Centrum Advance Multivitamins + Minerals ay ang awardee ng Parents’ Choice Supplement sa TAP Awards 2023. Hindi nakapagtataka kung bakit ito ang best brand ng adult vitamins para sa mga magulang dahil sa dami ng benepisyo na makukuha sa pag-inom nito. Nagtataglay ito ng nutrients na maganda para sa mata, puso at pagpapalakas ng immune system.
Ito ay may 10 immunity-boosting vitamins at iba pang anti-oxidants na maganda para sa katawan. Kabilang diyan ang Selenium, Zinc, Vitamin C at Vitamin D. Naglalaman din ito ng Vitamin B6, B12, Lycopene at Folic Acid na beneficial naman para sa heart health. Hindi rin mawawala ng nutrients para sa mata tulad ng Lutein at Beta-Carotene.
Mapapangalagaan mo rin ang iyong balat sa pag-inom ng multivitamins na ito dahil na rin sa taglay nitong Vitamin E. Sulit na sulit talaga ang produktong ito at magandang investment para sa iyong kalusugan.
Features we love:
- Parents’ Choice Supplement
- Immunity-boosting vitamins
- Maganda para sa mata at puso
- May Vitamin E para sa balat
Best Multivitamins
Vitamins For Adults Philippines: Best Immune-Boosting Brands Online | Kirkland
Isa rin sa trusted brands ng health supplements ay ang Kirkland. Magandang option din bilang vitamins for adults ang kanilang Daily Multivitamins dahil sa taglay nitong iba’t ibang essential nutrients. Tiyak na maiiwasan ang nutrition gaps sa pag-inom ng supplement na ito.
Bukod sa pagpapalakas ng resistensya, may benepisyong dulot din ito sa buto at ngipin dahil sa taglay nitong Calcium at Vitamin D. Naglalaman din ito ng mataas na amount ng Lutein na maganda para sa mata. At bukod sa Vitamin C na may benepisyong dala sa immune system at balat, may Vitamin E din ito na nagsisilbing antioxidant.
Features we love:
- Multivitamins
- Maganda para sa buto at ngipin
- Nagpapalakas ng resistensya
Best for Adults 50+
Vitamins For Adults Philippines: Best Immune-Boosting Brands Online | Centrum Silver
Kung para naman sa mga adults 50+ o di kaya ay Senior Citizen ang vitamins na hanap mo, perfect choice ang Centrum Silver Advance. Binubuo ito ng 25 nutrients at antioxidants na nagbibigay ng iba’t ibang benepisyo sa katawan.
Nakakapagpalakas ng immune system ang Vitamin A, C, D, E, Selenium at Zinc na taglay nito. Bukod pa riyan, gaya ng Centrum Advance, mapapangalagaan din ang iyong heart health sa pag-inom nito dahil naglalaman ito ng Lycopene, Folic Acid, Vitamin B6 at B12. Para naman sa nerves, malaking tulong ang Thiamine, Pantothenic acid at Biotin.
Higit sa lahat, maiiwasan din ang mabilis na paglabo ng bata kapag isinama mo ang pag-inom nito sa iyong daily routine. Ang Beta-Carotene at Lycopene kasi na taglay din nito ay maganda para sa eye health. At kung problema mo rin ang aging skin, maganda rin ito para sa iyo dahil sa taglay nitong nutrients na beneficial sa balat, buhok at kuko.
Features we love:
- 25 essential nutrients at antioxidants
- Maganda para sa mga senior citizens
- Beneficial para sa mata, puso, nerves at balat
Best for Women
Vitamins For Adults Philippines: Best Immune-Boosting Brands Online | Poten-Cee
Mayroon din kaming recommended vitamins for ladies and moms. Ito ay ang Poten-Cee Vitamin C plus Collagen. Kilala ang Vitamin C o ascorbic acid bilang nutrient na maganda sa pagpapalakas ng ating immune system. Maiiwasan ang mabilis na pagkakaroon ng ubo, sipon o iba pang sakit sa pag-inom nito araw-araw.
Ang kagandahan ng vitamins for adults na ito ay naglalaman din ito ng Collagen na beneficial sa balat. Mas nagiging epektibo ang Vitamin C at Collagen sa pagpapaganda ng balat kapag sila ay pinagsama. Ang combination ng dalawang nutrients na ito ay may magandang epekto sa balat, buhok, kuko, joints at maging sa overall health.
Kaya naman kung nais mong ibalik o mapanatili ang iyong glowing skin, healthy hair at nails, ito ang magandang beauty regimen for you!
Features we love:
- Combination ng Vitamin C at Collagen
- Maganda para sa balat, buhok at kuko
- Immunity-boosting
Best for Men
Vitamins For Adults Philippines: Best Immune-Boosting Brands Online | Rogin-E
May recommended brand din kami ng vitamins for adults sa mga kalalakihan! Ito ay ang Rogin-E. Ang multivitamins for male na ito ay mayroong Korean Panax Ginseng na nakakapagpalakas ng stamina. Naglalaman din ito ng Deanol na nakakatulong sa pagfocus. Jampacked din ito ng iba pang vitamins at minerals na may magandang dulot sa katawan. Kaya naman hindi nakakapagtaka kung bakit maraming lalaki ang tiwala sa brand na ito.
Higit pa riyan, ginawang soft gel ang bawat capsule ng multivitamins na ito para sa mas madaling pag inom. Maaari rin itong magsilbing recovery supplement matapos magkasakit.
Features we love:
- Specially made for men
- Korean Panax Ginseng para sa stamina
- Royal Jelly to improve sperm motility
- Recovery supplement
Best Overall
Vitamins For Adults Philippines: Best Immune-Boosting Brands Online | Health Fusion
Ito naman ang best pick na vitamins for the whole family! Ang Health Fusion Multivites. Maaari itong ipainom sa mga bata na may edad 1 year old pataas. At swak din ito for adults. Gawa kasi ito sa natural ingredients at siksik sa iba’t ibang nutrients na kinakailangan ng ating katawan.
Siguradong mag-eenjoy ka sa pag-inom at ang iyong chikiting sa pag-inom ng multivitamins na ito dahil ito ay in gummy form. Para ka lamang kumakain ng candy kapag umiinom ng multivitamin gummies na ito dahil ito ay may flavor na strawberry. Bukod sa pagpapalakas ng immune system, maganda rin ang vitamins na ito para sa brain development, metabolism at eye health.
Features we love:
Price Comparison Table
|
Brand |
Pack size |
Price |
Price per piece |
Centrum Advance |
30 tablets |
Php 295.00 |
Php 9.83 |
Kirkland |
60 tablets |
Php 259.00 |
Php 4.32 |
Centrum Silver |
30 tablets |
Php 365.00 |
Php 12.17 |
Poten-Cee |
10 capsules |
Php 209.00 |
Php 20.90 |
Rogin-E |
36 capsules |
Php 827.00 |
Php 22.97 |
Health Fusion |
180 gummies |
Php 1,149.00 |
Php 6.38 |
Tips para mapanatiling malakas ang resistensya
Narito ang ilan sa mga tips na maaari mong sundin upang mapalakas ang iyong resistensya:
- Magkaroon ng balanced diet – Kumain ng mga prutas at gulay na mayaman sa vitamins at minerals. Maaari rin kumain ng lean meat at whole grains na magandang source ng protein at fiber.
- Regular na pag-eehersisyo – Nakakabuti para sa katawan ang pag-eehersisyo sa araw-araw upang mapaganda ang sirkulasyon ng dugo. Bukod pa riyan, nakakatulong din ito upang mapalakas ang immune system.
- Pag-inom ng tubig – Makakabuti rin sa katawan na palagi itong hydrated. Uminom ng 10 hanggang 12 glasses of water araw-araw upang maiwasan ang dehydration.
- Magkaroon ng sapat na tulog at pahinga – Nakakapagpahina ng resistensya ang palagiang pagkapagod at kakulangan sa tulog. Kaya naman hangga’t maaari, matulog ng hanggang walong oras kada araw upang mabigyan ng sapat na pahinga ang katawan.
- Iwasan ang stress – Nakakasama rin ang stress sa ating katawan. Kung kaya’t nararapat lamang na iwasan ang ma-stress. Ibaling ang atensyon sa mga bagay na nakakapagpasaya sa iyo o sa mga hobbies mo. Ilan sa mga activities na maaari mong gawin ay ang pagbabasa, pagjojournal, pagpipinta, pagluluto/pagbabake at pamamasyal.
May napusuan ka na ba sa mga brands na nasa aming listahan? Kung oo, i-add to cart na agad ito! Stay healthy!