Viy Cortez nag-aral magmotor para masabayan ang hilig ni Cong: “Wag mo pigilan, sabayan mo”

Si Viy tumakas kay Cong para matuto mag-motor at masurpresa ito. Panoorin dito ang nakakatuwa nilang vlog.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Cong napamura sa gulat na makitang marunong ng magmotor si Viy.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Viy Cortez ginulat si Cong TV sa kaniyang motorcycle skills.
  • Reaksyon ni Cong ng malamang marunong ng mag-motor si Viy.

Viy Cortez ginulat si Cong TV sa kaniyang motorcycle skills

Larawan mula sa Facebook account ni Viy Cortez

Sa kaniyang latest vlog ay ibinahagi ni Viy Cortez kung paano siya nag-aral mag-motor para masabayan ang hilig ng fiancé na si Cong TV. Si Viy naglaan ng ilang araw at tumakas kay Cong para mag-aral kung paano mag-motor. Dahil alam niya maaring pigilan siya ni Cong dahil sa takot sa oras na malaman nito.

“Ang alam ni Cong nasa shoot ako. Gusto-gusto ko ng sabihin sa kaniya kaso baka matakot siya.”

Ito ang natatawang pagbabahagi ni Viy sa kaniyang vlog habang natututo ng pagda-drive ng motor.

Dagdag pa niya, hindi niya inakalang aabot siya sa punto ng pag-aaral mag-drive ng big bike masabayan lang ang hilig ni Cong. Kinuntsaba niya rin ang mga kaibigan nila ni Cong para gulatin ito na marunong na siyang mag-drive ng motor.

Larawan mula sa Facebook account ni Viy Cortez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Reaksyon ni Cong ng malamang marunong ng mag-motor si Viy

Larawan mula sa Facebook account ni Viy Cortez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isang fake event ay sabay na nag-drive ng motor sa isang race track sa Clark, Pampanga sina Viy at Cong. Si Cong walang kaalam-alam na ang kasabayan niya na sa track ay walang iba kung hindi si Viy. Nang tumigil na at alisin ni Viy ang kaniyang helmet ay napamura si Cong sa gulat ng makitang si Viy pala ang kasabayan niya. Doon nagpaliwanag si Viy na tumatakas siya kay Cong para mag-aral magmotor. At ito na nga ang resulta, marunong na siyang mag-drive ng big bike at kaya ng sabayan ang hilig ni Cong.

“Wag mo pigilan, sabayan mo?️?”

Ito ang caption ng post ni Viy kalakip ang mga larawan habang nakasakay sa kaniyang motor.

Si Cong ito naman ang nasabi kay Viy ng malamang marunong na itong mag-motor.

“Ang galing mo talaga. Idol kita!”

Ngayon si Viy, alam na kung bakit nai-enjoy ni Cong ang pagmomotor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ang saya. Ganito yung feeling ng pagmomotor. Buti na-experience ko.”

Ito ang sabi pa ni Viy.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement