Mahirap ang magkaraoon ng pamamaga ng mga ugat. Ito ay nagdudulot ng sakit, hirap sa paggalaw at kawalan ng ginhawa. Kapag ito ay naranasan sa bandang ari, ito ang tinatawag na vulvar varicose veins o vulvar varicosities. Alamin ang mga sintomas, sanhi, at paggamot na maaaring gawin para dito.
Talaan ng Nilalaman
Ano ang sintomas ng vulvar varicose veins?
Ang varicose veins ay ang pamamaga ng blood vessels na matatagpuan madalas sa binti, ngunit maaari din itong lumitaw sa halos lahat na bahagi ng lower half ng katawan – kabilang na ang iyong rectum at vulva.
Ang varicose veins ay maaaring ma-develop anomang stage nang iyong pagbubuntis. Ngunit kadalasang mas malaki at visible ito habang lumalaki rin ang iyong tiyan. Kadalasan itong nagsisimula during second trimester at tumitindi ang sintomas sa third trimester.
Sa kabilang banda, ang vulvar varicose veins naman ay kadalasang nararanasan sa kalagitnaan ng pagbubuntis, maaaring isolated na kondisyon lamang ang pagkakaroon ng vulvar varicosities.
Ngunit, maaari rin itong maranasan kasabay ng pagkakaroon ng varicose veins sa mga hita. Kapag mayroon nito, mapapansin na mayroong mga ugat na tila nakabukol sa bandang ari. Ang mga ugat na ito ay tila asul o purple ang kulay.
Mahirap mang makita ang mga ito lalo na kung malaki na ang tiyan, may ilang maaaring maramdaman dahil rito:
- Pressure o bigat sa ari
- Pakiramdam na tila puno ang vulva
- Kawalan ng ginhawa kapag naglalakad
- Pananakit sa pakikipagtalik
- Pangangati
Sanhi ng varicose veins habang buntis
Sa isang pag-aaral na isinagawa nuong 2017, tinatayang nasa 18-22% ng mga nagbubuntis ay mayroong vulvar varicosities. Ganunpaman, hindi lamang ang mga buntis ang nagkakaroon nito. Ayon sa parehong pag-aaral, nasa 22-34% ng mga mayroong pelvic varicose veins ay mayroon din nito.
Habang nagbubuntis, ang katawan ay mas malakas mag-produce ng dugo. Ito ay mahalaga para masuportahan ang katawan ng expectant mom at ng baby.
Subalit dahil sa extra pressure sa mga ugat lalo na sa veins sa hita na siyang lumalaban sa gravity para maibalik ang ekstrang dugo pabalik sa puso.
Ang dugong ito ay mas mabagal ang daloy sa mga hita at paakyat ng pelvis. Kasabay ng pagrelax ng mga ugat dahil sa pabago-bagong hormones, nagkakaroon ng varicose veins sa ari ng babae habang buntis.
Apektado ang mga ugat sa hormones tulad ng estrogen, progesterone, at relaxin. Kapag tumaas ang production ng hormones na ito sa iyong katawan habang ikaw ay buntis, maaapektuhan nito ang valves sa veins na magdudulot ng paghina ng mga ugat.
Paano mawala ang varicose veins sa ari ng buntis
Kadalasan, ang vulvar varicosities na nakukuha sa pagbubuntis ay kusa ring nawawala matapos manganak. Ito ay dahil sa muling pagbalik sa dating daloy ang dugo. Ngunit, kapag nahihirapan na sa mga sintomas na maaaring idulot nito, may ilan din na maaaring gawin:
- Gumamit ng ice pack para mabawasan ang sakit.
- Humiga nang nakataas ang balakang para mas dumaloy ang dugo.Kapag nakatayo naman, alternate na ipatong ang isang binti sa mababang upuan.
- Dalasan ang pagpalit ng posisyon upang hindi maipit ang isang bahagi lamang.
- Gumamit ng mga damit na pang suporta sa bigat o compression stockings.
BASAHIN:
Buntis Guide: Sintomas ng 10 weeks na buntis at development ni baby sa loob ng sinapupunan
Ehersisyo sa buntis: Paano mag-exercise sa bawat trimester ng pagbubuntis?
Iba pang paraan:
- Makatutulong ang pagsusuot ng maternity support hose. Special pantyhose ito na kaiba sa regular pantyhose. Natutulungan nito na ma-compress ang leg muscles at ma-squeeze ang veins upang maitulak pabalik sa puso ang dugo.
- Iwasan ang pagsusuot ng masisikip na medyas at knee-highs na maaaring makaipit sa particular spot sa iyong binti. Ito ay dahil maaari itong magdulot ng pagkaputol ng maayos na circulation ng dugo.
- Mag ehersisyo. Maaaring maglakad-lakad nang isa hanggang dalawang beses sa loob ng isang araw. Ayon din sa mga pag-aaral, makatutulong ang paggalaw sa tubig para maibsan ang varicose veins habang buntis. Kaya naman, kung kayang mag-swimming sa pool, makatutulong ito.
- Gawing steady ang iyong pregnancy weight. Sundin ang recommendations ng iyong doktor sa timbang na dapat mong mapanatili habang ikaw ay buntis.
- Matulog nang nakaharap sa kaliwa. Makatutulong ito para maiwasan ang pressure sa iyong main blood vessels at mapanatili ang strong circulation ng iyong dugo.
- Huwag magbuhat ng mabibigat.
- Iwasan ang pag-ire tuwing dumudumi. Tandaan na ang hemorrhoids o almoranas ay uri din ng varicose veins sa iyong rectum.
- Makatutulong ang balanced diet upang mapanatiling healthy ang iyong mga ugat. Siguraduhing kumain ng food na mayaman sa vitamin C. Kailangan ito ng katawan para magkapag-produce ng collagen at elastin, connective tissues na nagre-repair at maintain ng blood vessels.
- Iwasang mag cross legs kapag nakaupo.
- Iwasan ang pagsusuot ng high heels, flat footwear na lang ang suotin.
Kapag hindi nagbubuntis ngunit nakakaranas nito, may ilang procedures na maaaring gawin upang maggamot:
- Scelerotherapy – Pag-inject ng solution sa varicose veins para magsara ang mga ito.
- Echoscelerosis – Scelerotherapy na may kasamang paggamit ng ultrasound.
- Phlebectomy – Minor surgery kung saan tinatanggal ang apektadong varicose veins.
- Transcatheter embolization – Gumagamit ng isang uri ng X-ray para malagyan ng catheter ang varicose veins.
Kailan mawawala ang varicose veins sa buntis
Maaaring magdulot ng pangangati o pagsakit ang varicose veins ngunit hindi ito delikado sa iyo at sa baby sa iyong sinapupunan. Kung ikaw ay wala namang varicose veins bago ka magbuntis, karaniwang nawawala rin ito nang anim hanggang 12 linggo matapos mong manganak.
Subalit, kung ikaw ay mabubuntis ulit, tiyak na magkakaroon ka ulit ng varicose veins. Bukod pa rito, tulad ng ibang pregnancy symptoms gaya ng stretch marks, maaari ding hereditary ang pagkakaroon ng varicose veins. Kapag ang iyong mommy ay nagkaroon nito during pregnancy, mataas ang tsansa na magkaroon ka rin nito.
May ilan na gumagamit ng compression stockings, nag-eexercise at madalas na iniaangat ang kanilang paa para maiwasan ang pagkakaroon ng varicose veins habang buntis.Ang mga nabanggit na tips at remedies sa taas ay maaaring makatulong upang maibsan ang epekto ng varicose veins habang buntis.
Pwede rin namang makatulong ang simpleng lifestyle changes matapos manganak. Mahalagang manatiling active, i-refresh ang iyong katawan sa pamamagitan ng stretching at small exercise movements para mapanatili ang malusog na pagdaloy ng iyong dugo.
Makakatulong din ang pag-upo nang maayos. Tandaan din na i-elevate ang iyong mga binti habang nagpapahinga nang nakaupo o nagpapasuso sa iyong anak.
Kailan dapat kumonsulta sa doktor?
Kapag napansin ang pamamaga ng ugat o pagiging visible ng varicose veins, agad na kumonsulta sa doktor. Sa kaso ng vulvar varicosities, kapag naramdaman mo ang mga sintomas ay mahalaga rin na ipaalam ito sa iyong doktor.
Mayroong general association sa pagitan ng varicose veins at deep vein thrombosis (DVT), o blood clots, na hindi lang tuwing buntis maaaring maranasan.
Kaya mahalagang alam ng iyong health care provider ang iyong kondisyon, para matiyak na varicose veins nga ang iniinda. Agad ding kumonsulta sa doktor kapag ang balat sa iyong varicose veins ay masakit, nagbago ang kulay, o prone sa pagdurugo.
Dagdag pa rito, kung ang varicose veins mo ay hindi nawala matapos manganak, pwede mong pag-isipang ipatanggal ito sa pamamagitan ng surgery o medical treatment.
Tiyakin lang na huwag itong gawin during pregnancy. Habaan ang pasensya at tandaan na maaari itong kusang mawala kapag ikaw ay nakapanganak na.
Karagdagang ulat mula kay Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.