Nasa ika- 10 weeks ka ng iyong pagbubuntis. Ano ba ang mga dapat mong asahan sa panahong ito? Inilista namin ang mga dapat mong malaman sa iyong pagbubuntis pag-sapit ng 10 weeks.
Gaano na kalaki ang iyong anak?
Ang iyong anak ay kasing laki na ngayon ng isang prune. Siya ay may habang 3.1cm at timbang na 3.9g.
Ang development ng iyong anak
Narito ang mga development ng 10 weeks na buntis.
- Ang utak ng iyong anak ay nabubuo na – halos 250,000 neurons ang nabubuo kada minuto.
- Nagsisimula na din gumana ang kaniyang mga vital organs tulad ng kidney, bituka, utak at liver.
- Nagkakaroon na ng mga daliri ang kaniyang kamay at paa, pati na din ang mga kuko.
- Ang kaniyang buto ay nagsisimula nang tumigas.
- Nagsisimula na din ma-develop ang mga buds para sa kaniyang ngipin.
- Kung ang iyong anak ay lalaki, nagsisimula na din itong mag-produce ng testosterone.
Mga sintomas ng buntis ng 10 weeks
- Palaging nasusuka o nahihilo
- Parang madaming hangin sa iyong katawan kaya madalas kang madighay o kaya ay mautot. Normal lang ito at kung maaari iwasan na rin ang pagkain ng mga maanghang o mga pagkaing nagpapadighay.
- Nagsisimulang mas maging prominente ang mga veins sa iyong breasts at abdomen. Mapapansin na mas makikita mo na ito kaysa sa dati. Normal lamang ito at hindi ka dapat mabahala.
- Maaaring sumakit ang iyong tiyan sapagkat lumalaki na ang iyong baby sa loob ng iyong sinapupunan. Dahil lumalaki na ito, nag-eexpand na rin ang iyong uterus. Kung nakakaramdam ng matinding sakit huwag mag-atubuling sabihin ito sa iyong doktor.
- Sa panahong din ito, madadagan na ang iyong timbang dahil lumalaki na si baby.
- Pagdami ng vaginal discharge na dulot ng pagtaas ng estrogen levels dahil sa pagbubuntis. Ang pregnancy discharge ay mayroong texture na parang gatas at mayroong mild odor. Kung sakaling ang iyong discharge ay may mabahong amoy, berde o dilaw na kulay, masakit o nangangati ang vulva, may kasamang dugo, o pananakit sa pag-ihi, tumawag agad sa iyong doktor.
- Maaaring makaramdam ng heartburn
- Paghahanap sa pagkain o pag-ayaw sa ilang pagkain
- Sensitibo pa rin ang iyong pang-amoy sa panahong ito.
- Bloating at pakiramdam ng pagiging bloated. Maaari itong maiwasan sa pamamagitan ng pagkain ng anim nab eses sa isang araw, at huwag kumain kapag masyado nang gabi. Maaari ring makatulong ang paglalakad matapos kumain.
Larawan mula sa iStock
Pangangalaga sa buntis sa 10 weeks ng pagbubuntis
- Para maiwasan ang pagsusuka, subukang kumain ng iba’t ibang pagkain at tingnan kung alin ang magbibigay sa iyo ng magaan na pakiramdam. Para sa ibang mga buntis, nakakatulong sa kanila ang salted crackers o ginger tea. Puwede rin kumonsulta sa gynecologist para humingi ng Vitamin B6 at B12, na sabi ng ibang buntis ay nakakatulong upang mabawasan ang kanilang pagsusuka.
- Umiwas sa mga hilaw na pagkain tulad ng sashimi, hilaw ng gulay at karne, at itlog upang maiwasan ang food poisoning na maaaring maging sanhi ng dehydration at contraction.
- Ang first trimester ang pinakamaselan na panahon dahil hindi pa masyadong stable ang fetus. Kung may napapansin kang spotting o unusual foul discharge, kumonsulta agad sa gynecologist.
- Iwasan ang pagbuhat ng mabibigat na bagay. Humingi ng tulong kung may kailangan kang bitbitin.
- Kung ikaw ay mayroong pusa, tigilan muna ang paglilinis ng kanilang litter box. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang toxoplasmosis ay isang seryosong parasitic infection na maaaring ma-transmit ng mga pusa.
- Ang pag-eehersisyo ay nakakatulong ma-boost ang iyong digestive system at nakakatulong na makatulog ng maayos. Maaaring subukan ang yoga o meditation, o magtanong sa iyong doktor ano ang mga uri ng ehersisyo na maaari mong subukan.
- Magpahinga muna ng tatlong oras matapos kumain bago matulog.
- Bawasan ang pag-inom ng mga inuming naglalaman ng caffeine.
- Huwag umupo ng naka-cross legs, o tumayo o umupo ng mahabang oras na maaaring magdulot ng varicose veins.
Kalusugan ng 10 weeks na buntis
Mahalaga ang nutrisyon ng para sa mga buntis. Narito ang ilang mga diet tips na maaaring sundin ng mga pregnant at 10 weeks.
- Rice at mga alternatibo nito
- Whole-grains
- Gulay at prutas
- Lean Meat at mga alternatibo nito
- Gatas
- Limitahan ang mga pagkain na mataas sa fats, asin, at asukal. Mainam ring masigurado na nakakakuha ka ng magandang dami ng vitamins and minerals.
Larawan mula sa Pexels
Ang pagkakaroon ng moderate physical activity ng 30 minutes sa isang araw ay nakikitaan ng benepisyo at ligtas sa mga buntis na kababaihan. Ilan samga ehersisyong maaaring subukan ay:
- Aerobics na isinusulong ang sirkulasyon, heart and lung stimulation, muscle tone, at joint health. Kabilang na rin dito ang paglalakad, pagbibisekleta, jogging, at swimming.
- Light weight training na sumusuporta sa muscle tone, strength, at endurance. Gumamit ng light weights at huwag hayaang ma-strain angk katawan.
- Yoga na nakapagbibigay ng relaxation, flexibility, breathing, at posture. Nakakatulong itong mabuo ang lakas at tumaas ang endurance.
- Pilates na nakakatulong mapaganda ang posture at mabuo ang muscle strength, breathing, at flexibility.
Gayunpaman, mas mabuti pa ring magpakonsulta muna sa doktor bago sumubok ng mga uri ng ehersisyo upang malaman kung mayroong mga dapat iwasan. Ganun din kung ano ang bagay na ehersisyo na bagay para sa iyo.
Sapagkat mahalaga rin ang ehersisyo sa buntis subalit dapat maging maalam at maingat kung ano ba ang mga ehersisyong gagawin.
Checklist
- Kumain ng masusustansyang pagkain tulad ng spinach (folate), prutas (vitamins at fibre) at gatas (calcium) para maging malakas ang katawan.
- Magkaroon ng short walks upang mapanatili ang good blood circulation. Makakatulong din ang sariwang hangin para sa iyong mood.
- Magsimula na maghanap ng mga prenatal massage packages para sa second trimester. Karamihan sa mga service provider ay tumatanggap ng 13 weeks hanggang 32 weeks na buntis.
- Ipaalam sa iyong asawa kung ikaw ay may nararamdaman
- Huwag kalimutan ang pagpapa-check up sa panahong ito. Sa ganitong paraan, mapapanitili mo na ikaw ay healthy pati na ang iyong baby sa loob ng iyong sinapupunan.
Kailan dapat tumawag sa doktor
Tumawag sa doktor kung ikaw ay nakakaranas ng:
- Pagdurugo o cramps
- Abnormal naginal discharge o kulay
- Lagnat
- Panginginig
- Pananakit sa pag-ihi
- Malalang abdominal pain
- Malalang nausea na may kasamang pagsusuka
Magpakonsulta din sa iyong doktor kung ikaw ay nakakaramdam ng depression tungkol sa pagiging buntis o overwhelmed sa ideya ng pagpapalaki sa bata.
Tandaan na ang mga sintomas na nasabi kanina ay normal lamang pero kung palagay mo ay labis-labis na ito katulad ng pananakit ng likod, tiyan at puson ay magpatingin agad sa iyong doktor.
Ganun din kapag may discharge ka na tila dugo. Sapagkat maaaring pahiwatig ito ng miscarriage. Kaya mas magandang magpatingin agad sa doktor kung makaranas ka ng mga ganito.
Huwag din kalimutan ang pagkain ng mga masusustansiyang pagkain at pag-inom ng mga vitamins para sa buntis.
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo
Ang susunod na linggo: Buntis ng 11 linggo
Ang nakaraan na linggo: Buntis ng 9 linggo
Karagdagang ulat mula kay Shena Macapañas
Additional source:
Healthline, MedicineNet
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!