Exercise para sa buntis ba na safe ang hanap mo? Subukan ang prenatal yoga na maraming benepisyong naiibigay sa babaeng nagdadalang-tao.
Mababasa sa artikulong ito:
- Bakit yoga ang best na exercise para sa buntis?
- Yoga positions na safe sa buntis at paano ito ginagawa
- Mga dapat isaisip sa pagsasagawa ng prenatal yoga
Prenatal yoga: Ang safe at the best na exercise para sa buntis
Ayon sa isang pag-aaral na nailathala sa journal na Obstetrics and Gynecology, ang pagyo-yoga ang the best at safe na exercise para sa buntis. Maaari nga itong gawin kahit anong stage ng pagdadalang-tao.
Ang kailangan lang ay malaman ng buntis ang mga positions na ligtas at maaari niyang gawin. Pati na ang mga yoga positions na maaaring makasama sa kaniyang pagdadalang-tao. Sapagkat sa kabuuan, ayon sa mga pag-aaral, ang yoga ay maraming naibibigay ng benepisyo sa pagbubuntis. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
Benepisyong naibibigay ng yoga sa pagbubuntis
Love photo created by senivpetro – www.freepik.com
- Ang prenatal yoga ay nakatutulong na i-tone ang lower pelvic area ng buntis. Lalo na ang kaniyang balakang at abdominal muscles na may mahalagang papel na ginagampanan sa panganganak.
- Isang excellent stress-buster din ang yoga. Sapagkat sa pamamagitan nito ay nare-relax ang isip at katawan ng babaeng nagdadalang-tao.
- Naiibsan din ng pagyo-yoga ang ilang pregnancy issues na nararanasan ng isang buntis. Tulad ng pananakit ng likod, sakit ng ulo at nausea.
- Ang pagpraktis ng yoga asana ay nakakatulong na ma-stretch ang katawan at ma-improve ang circulation ng dugo. Habang ang mga breathing exercises na ginagawa kasabay nito ay nakakatulong naman sa pagdadala ng oxygen sa katawan ng buntis at sa dinadala niyang sanggol.
- Sa pagsasagawa ng prenatal yoga ay nababawasan ang tiyansa ng isang buntis na mag-preterm labor.
- Ang mga postures at breathing exercises sa prenatal yoga ay nakakatulong para mas makakonek ang buntis sa kaniyang katawan at sa dinadala niyang sanggol.
- Nakakatulong din ang pag-i-stretch na ginagawa sa prenatal yoga para mas magkaroon ng mahimbing na tulog sa gabi ang babaeng buntis.
- Ang pag-attend ng prenatal yoga sessions ay nagiging daan naman upang makakuha ng dagdag na suporta at kaalaman pa ang babaeng buntis tungkol sa kaniyang pagdadalang-tao. Ito’y sa pamamagitan ng pakikisalimuha sa iba pang buntis na nakakaintindi sa kaniyang sitwasyon.
Ano ang mga yoga positions na hindi safe para sa buntis?
Pero mahalagang malaman na hindi lahat ng yoga styles o positions ay safe para sa pagbubuntis. Tulad na lamang ng mga positions na nangangailangan ng puwersa na maaaring makasama sa kaniya.
Dapat ding iwasan ang hot yoga na kung saan kailangang magsagawa ng mga poses sa loob ng kuwartong may mainit na temperatura. Sapagkat sa ang mainit na temperatura, maaaring magpataas din ng temperature ng katawan ng buntis na maaaring mauwi sa hyperthermia o heat stroke kung masobrahan.
Hand photo created by user18526052 – www.freepik.com
BASAHIN:
Pregnancy Test: Kailan Dapat Gumamit Ng PT Para Malaman Kung Buntis
Placenta Previa: Ang mga dapat mong malaman tungkol sa nakamamatay na komplikasyon na ito ng pagbubuntis
Negative ang test pero feeling mo buntis ka? Ito ang maaaring dahilan!
5 safe na yoga positions para sa buntis
Kung nagnanais subukan ang yoga bilang exercise para sa buntis ay narito ang ilang positions at styles na safe para sa ‘yo.
1. Cat Cow pose
Ang cat cow pose ay magandang yoga exercise na makakatulong upang maibsan ang pananakit ng likod ng isang buntis. Nakakatulong din ito upang maigalaw ang sanggol sa tamang posisyon bilang paghahanda para sa kaniyang paglabas. Narito kung paano ito gawin.
2. Sitting side bends
Ang posisyon namang ito ay nakakatulong din upang maibsan ang pananakit ng likod. Ini-expand din nito ang tiyan ng buntis para sa mas madaling pagdadalang-tao.
3. Standing side stretch
Ang posisyon namang ito ay para maalis ang pananakit o paninigas ng balikat ng buntis. Nakakatulong din ito para mas maging flexible pa ang kaniyang katawan.
4. Bound angle pose
Ang posisyon namang ito’y nakakatulong para mas mabanat ang binti at balakang ng buntis para sa mas mabilis na panganganak. Nakakatulong din ito upang maibsan ang fatigue o labis na pagkapagod.
Habang ginagawa rin ang pose na ito, maaaring bigyan ng buntis ang kaniyang sarili ng foot at calf massage. Sa pamamagitan nito nai-improve ang circulation ng kaniyang dugo at naiibsan ang strain na dulot ng kaniyang dagdag na timbang.
5. Yoga squat
Para mabanat ang hips at mapalakas pa ang pelvic muscles ng buntis makakatulong ang yoga squat. Dagdag pa riyan, nakakatulong din ito upang maihanda ang katawan ng buntis sa panganganak.
Safety guidelines sa pagsasagawa ng prenatal yoga
Para mas masiguro ang kaligtasan mo at ng iyong dinadalang sanggol, narito ang ilang bagay na dapat tandaan bago magsagawa ng prenatal yoga.
People photo created by yanalya – www.freepik.com
- Makipag-usap sa iyong doktor at siguraduhin na may go signal niya ang iyong gagawin. Sapagkat may mga kondisyon na maaaring magpigil sa ‘yo na gawin ito. Tulad ng heart disease o back problems.
- Mag-set ng realistic goals. Para sa mga buntis, ang 30 minutes na moderate physical activity ay inirerekumendang gawin 5-7 araw sa sa isang linggo.
- Panatilihing hydrated ang katawan. Uminom ng maraming tubig at iwasan ring mag-yoga sa mainit na lugar.
- Huminga ng malalim at consistent habang nag-i-stretching.
- Huwag masyadong sagarin ang sarili. Gawin lang ang kaya mo. Kung hindi makapagsalita ng maayos habang ginagawa ang exercise ay tumigil muna at magpahinga.
- Kung makaramdam ng pananakit o discomfort ay agad na ipaalam ito sa iyong doktor.
Source:
DailyMail UK, Healthy Women, Mayo Clinic, The Asianparent SG
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!