X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Negative ang test pero feeling mo buntis ka? Ito ang maaaring dahilan!

6 min read
Negative ang test pero feeling mo buntis ka? Ito ang maaaring dahilan!Negative ang test pero feeling mo buntis ka? Ito ang maaaring dahilan!

Feeling mo ba ay buntis ka pero bakit negative ang lumabas sa iyong pregnancy test? Moms, narito ang 12 rason sa likod nito. | Lead image from iStock

Talaga namang magical ang feeling kapag ikaw ay buntis. Ito na ata ang most challenging at exciting part ng parenthood. May maliit ng buhay ang patuloy na lumalaki sa iyong belly! Pero hindi lahat ay smooth ang discovery nila na sila ay buntis. Lalo na kung feeling mo ay buntis ka pero negative naman ang pregnancy test!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Dahilan kung bakit negative ang pregnancy test pero feeling buntis
  • 12 dahilan kung bakit negative ang pregnancy test

Negative ang test pero feeling mo buntis ka? Ito ang maaaring dahilan!

Oo, tama ang nababasa mo.

Masakit na dibdib o pagkawala ng mood madalas? Samahan pa ng hindi mawalang fatigue at pananakit ng katawan. Masakit na ulo, bloating feeling, cramps, constipation at nausea. Nandiyan din ang madalas na pag-ihi! Ito ang ilang pangkaraniwang senyales na buntis ang isang babae.

negative ang test pero feeling buntis

Negative ang test pero feeling buntis | Iamge from Freepik

Dumarating sila at mabilis ding nawawala. Maaaring malala o katamtaman lang ang sintomas.

Kadalasan itong nararanasan ng mga nanay na hindi dinatnan ng buwanang dalaw sa araw sana na nakatakda.

Karamihan sa mga babae ay maingat sa kanilang katawan. Sa oras na may isang sintomas na naranasan, kailangan agad nilang sumubok ng pregnancy test para mabigyan ng kasagutan ang kanilang hinala.

Pero may pagkakataon talaga na hindi umaayon ang panahon. Imbes na dalawang guhit na pulang linya ang makikita sa pregnancy test, bakit isa lang? Ibig sabihin ba nito ay hindi ka buntis?

12 dahilan kung bakit negative ang pregnancy test

Paano kung feeling buntis ang isang babae pero negative naman ang pregnancy test? Sa tulong ni Dr. Sam Hay na mula Australia, bibigyang kasagutan niya ang usaping ito.

1. Sisihin ang pregnancy test

Maniwala ka man o hindi, walang perpekto sa mundo!

Lingid sa kaalaman ng iba, ang pregnancy test ay mayroon ding shelf life. Pwede silang ma-expired, masira dahil sa maling temperatura kung saan silan ilagay o kaya naman hindi lang talaga maganda ang pagkakagawa.

Kung sakaling feeling mo ay buntis ka pero negative naman ang test, maaaring ang ginamit mong PT ang may kasalanan. Kaya naman piliin ang magandang brand ng pregnancy test para maging reliable ang resulta.

BASAHIN:

Buntis ba ako?: Masakit na boobs maaaring senyales ng pagbubuntis

Mommy, okay lang magpahinga! 7 senyales na ikaw ay burnout na

REAL STORIES: “After I lost my first born to leukemia in 2004, I longed to become a mom again.”

2. Technique baby!

Maaaring mali rin ang ginawa mo.

Ang kailangang gawin? Basahin ng mabuti ang instructions!

Maaaring dahilan nito ay ang pagiging over-hydration ng isang babaeng sumusubok ng pregnancy test. Ang mga moms na madaming uminom ng tubig ay mas mataas ang tiyansa na magkaroon ng malabnaw na ihi. Sa early pregnancy stage ng babae, may kakayahan itong palabnawin ang hormone.

Pwede ring masyado pang maaga ang pregnancy test mo kaya naman nag negatibo ito kahit na ikaw ay buntis na. Tip lang moms, mas magandang gamitin ang unang ihi sa umaga sa pregnancy test dahil ito ay super concentrated.

3. Timing

Oo feeling mo ay buntis ka pero bakit negative ang lumabas sa pregnancy test? Moms, maaaring masyado pang maaga para kumpirmahin kung buntis ka.

Dahil advanced na ang teknolohiya ngayon, madali na lamang para malaman kung buntis ka sa pamamagitan ng pregnancy test. Pero hindi sila pareho ng iyong katawan.

Kaya naman kung sure na sure kang ikaw ay buntis, ‘wag kang mag-panic! Maaaring subukan ito pagkatapos ng ilang linggo o pagkatapos ng iyong period due.

4. Hindi ka buntis

Ginawa at sinunod mo na ang lahat pero negative pa rin ang resulta. Moms, I’m really sorry pero maaaring hindi ka talaga buntis.

Pero paaano ba ito maipapaliwanag? Kung tatanungin mo ang bawat babae, maaaring ilang beses na silang nakaranas na sila buntis pero hindi naman talaga. Ito’y dahil maraming kondisyon ang may pagkakahawig sa sintomas ng pagbubuntis.

negative ang test pero feeling buntis

Negative ang test pero feeling buntis | Iamge from Freepik

5. PMS

Ang nararanasan mo ay maaaring dahil sa natural na cycle at pre-menstrual symptoms kada buwan. Kaya naman sa halip na pagbubuntis, ito ay pwedeng dahil sa natural na cycle ng iyong hormones na konektado sa menstruation.

Fact: Maraming babae ang nagsasabing ‘out of the blue’ ang nararanasan nilang PMS. Kung sakali mang maranasan ito, ‘wag mag-alala! Normal ito at walang dapat ikatakot. Subalit kung sakaling may maranasang kakaiba, ‘wag mag-atubiling magpatingin sa doktor.

6. Late lang ang period mo

Ang may kasalanan ng lahat..ang late mong period! Oo, katulad ng pagbabago ng iyong PMS ang iyong menstruation ay pwede ring ma-late.

7. Ovulation symptoms

Hindi masyadong magkatulad ang ovulation sa pagbubuntis. Ngunit kapag kumawala na ang itlog, maaaring magkaroon na ng pagbabago sa hormones ng isang babae na may pagkakatulad sa pregnancy.

Ang mga babaeng hindi ugaling i-track ang kanilang period ay mas nakakaranas nito.

8. Post viral fatigue

Pagkatapos ng anumang infection na naranasan ng iyong katawan, ang post-infective symptoms na ito ay may pagkakatulad sa pagbubuntis. Pangkaraniwan na ito pagkatapos ng virus na may kasamang mataas na lagnat.

9. Pinaglalaruan ka lang ng isip mo

Ang bloating, cramps at nausea ay ilan sa pangunahing sintomas ng pregnancy. Ngunit may pagkakatulad din ito sa IBS o constipation.

negative ang test pero feeling buntis
Partner Stories
Essential oils leader Young Living holds its first ever convention
Essential oils leader Young Living holds its first ever convention
Looking for New Activities to Do with the Kids? Try Indoor Camping with McDonald's Pokemon themed Happy Meal
Looking for New Activities to Do with the Kids? Try Indoor Camping with McDonald's Pokemon themed Happy Meal
Enhance the online learning experience
Enhance the online learning experience
Get Ready to Glow with NIVEA Vitamin Lotion!
Get Ready to Glow with NIVEA Vitamin Lotion!

Negative ang test pero feeling buntis | Iamge from Freepik

10. Stress

Pagiging anxious, overwhelm at stress. Ilan lamang ito sa maaaring maranasan din ng ibang babae na nagiging sanhi ng fake pregnancy.

Kung ikaw ay stress, maaaring maranasan mo ang ilang kondisyon katulad ng pagkasira ng tiyan, pananakit ng katawan at fatigue. May impluwensya rin ito sa iyong hormones na konektado sa iyong period. Saka mo lang malalaman na negatibo ang result ng test.

11. UTI

Normal na sa isang buntis ang magkaroon ng UTI ngunit kailangan pa rin nila itong gawan ng paraan para maibsan. Subalit paano kung ang nararanasan mo ngayon ay dahil sa urinary tract infection? Ugaliing uminom ng madaming tubig at ‘wag matakot na magpatingin sa doktor kung may maranasang kakaiba.

12. Drug side effects

Ang hormonal medication katulad ng pill ay nagiging dahilan ng masakit na dibdib o iba pang sintomas ng pagbubuntis. Maraming gamot ang may side effects din na may pagkakatulad sa pregnancy. Mabuting kausapin ang iyong doktor sa ganitong mga bagay.

Ladies, kung disappointed ka sa naging resulta ng iyong pregnancy test, ang una mo dapat na gawin ay huminga ng malalim at ‘wag mag-panic. Isiping mabuti ang iyong ginawang pregnancy test. Mahalaga ang tamang paghinga at maghintay lang.

Hayaang i-relax ang sarili at katawan. Kung sakaling nararanasan mo pa rin ang mga sintomas na ito kasama na ang pagka-late ng iyong period, pwedeng sumubok ulit ng test.

Tandaan, nariyan ang iyong doktor para tulungan ka anumang oras ng iyong pangangailangan. Lalo na kung naging negatibo ang iyong pregnancy test.

‘Wag mag-atubiling kausapin ang iyong doktor kung sakaling may pag-aalala sa iyo.

 

This article was first published in KidSpot and republished on theAsianparent with permission.

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Nagplaplanong Magbuntis
  • /
  • Negative ang test pero feeling mo buntis ka? Ito ang maaaring dahilan!
Share:
  • Think you're pregnant? Ito ang magandang brand ng pregnancy test!

    Think you're pregnant? Ito ang magandang brand ng pregnancy test!

  • Gabay sa tamang pag-gamit ng pregnancy test kit

    Gabay sa tamang pag-gamit ng pregnancy test kit

  • LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

    LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

app info
get app banner
  • Think you're pregnant? Ito ang magandang brand ng pregnancy test!

    Think you're pregnant? Ito ang magandang brand ng pregnancy test!

  • Gabay sa tamang pag-gamit ng pregnancy test kit

    Gabay sa tamang pag-gamit ng pregnancy test kit

  • LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

    LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.