Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 9 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.
Gaano na kalaki ang iyong anak?
Ang iyong anak ay kasing laki na ngayon ng isang longan. Siya ay may habang 2.3cm at timbang na 1.9g.
Ang development ng iyong anak
Alamin mula sa gabay na ito ang development ng 9 weeks na buntis.
- Ang iyong anak ay hindi na embryo kundi isang fetus na lumalaki sa iyong sinapupunan.
- Ang kaniyang mga facial features ay mabilis na nabubuo. Hindi na siya mukhang butete o tadpole. Makikita na ang kaniyang ulo at leeg.
- Ang kaniyang heartbeat ay madidinig mo na sa pamamagitan ng ultrasound. May apat na chambers na din ang kaniyang puso at ang mga valves ay nagsisimula ng mabuo.
- Ang ibang organs tulad ng liver at spleen ay nagsisimula na din mabuo.
- Nabubuo na din ang kaniyang nipples at hair follicles.
- Wala na ang kaniyang embryonic tail sa dulo ng spinal cord.
- Makikita din sa ultrasound ang kaniyang paggalaw pero hindi mo pa ito mararamdaman.
Pregnant belly sa 9 weeks ng pagbubuntis
Hindi ka pa magkakaroon ng iyong baby bump sa iyong 9 weeks na pagbubuntis. Gayunpaman, mapapansin mo nang mas nagiging firm o tumitigas ang mababang bahagi ng iyong tiyan. Dahil ito sa paglaki ng iyong uterus upang magkasya ang iyong baby.
Sa yugtong ito, ang sukat ng iyong uterus ay nag-doble na ng sukat at maaari kang magkaroon ng hormonal bloating.
Kung ikaw naman ay nagkakaroon ng problema sa iyong morning sickness at nagdudulot ng pagkabawas ng timbang, kinakailangan mong bumalik sa iyong normal na timbang bago pa simulang magkaroon ng pregnancy weight. Sa katunayan, maaari ka pa ring mabawasan ng timbang kung nagpapatuloy ang iyong nausea.
Hindi man kailangang alalahanin ang mild weight loss, talakayin pa rin ang anumang pagbaba ng timbang sa iyong doktor.
Mga sintomas ng buntis ng 9 weeks
-
Magsisimula na ang morning sickness na maaaring tumagal ng buong araw.
Huwag mag-alala dahil may mga paraan upang maiwasan o mabawasan ito. Samantala, may ibang mga buntis na hindi nakakaranas nito.
Kung ikaw ay nahihirapang pababain ang iyong kinain, subukang kumain ng snacks sa gabi at bago matulog, at kumain ng mga matatabang at easy-to-digest small meals sa buong araw.
Maaaring makatulong ang luya, vitamin B6 at B12, acupuncture, at aromatherapy. Kung masyadong malala ang iyong nausea, magpakonsulta ka sa iyong doktor. Maaari silang magreseta ng mga gamot na maaaring makatulong sa iyo.
Larawan mula sa Shutterstock
-
Maaaring makakaranas ka din ng fatigue, pananakit ng likod, kakulangan ng focus, walang gana kumain o pagbaba ng timbang habang ang iyong katawan ay nag-aadjust pa sa iyong pagbubuntis.
-
Normal din ang mood swings sa mga panahon na ito.
Ang estrogen and progesterone fluctuations ay maaaring magkaroon ng epekto sa iyong mood-leveling brain chemicals.
Maaaring manghingi ng suporta sa iyong partner o sumali sa pregnancy support group.
Siguraduhin din na ikaw ay nakakakuha ng sapat na tulog at masusutansyang pagkain upang matukungan ang iyong sarili.
-
Maaaring magsimula nang maging maselan sa pagkain o amoy ng mga bagay sa paligid, at magkaroon ng cravings.
Maaaring hindi mo magustuhang makita, ang amoy, o texture ng ibang mga pagkain. Maaari mo ring mapansin ang pagkakaroon ng cravings dahil gusto mong kumain ng orange, ice cream, o French fries.
Anuman sa dalawang ito ay karaniwan lamang, at normal lang ding parehas itong maranasan sa isang pagkain. Mainam magkaroon ng balance diet, pero maaari mo ring pagbigyan ang iyong sarili sa iyong mga cravings.
Kung maaari subukan ang iba’t ibang uri ng pagkain. Uminom ng maraming tubig at kumain ng mga pagkain na mayaman sa proteins.
-
Ang pagtaas ng iyong hormone levels at paglaki ng uterus ay maaaring maging dahilan ng madalas na pag-ihi. Umiwas sa caffeine at tandaan na dalasan ang pagpunta sa restroom.
-
Pinapalaki ng hormones ang iyong suso pagdating ng 9 weeks ng pagbubuntis na nagdudulot ng sensitibo o masakit na pakiramdam.
Maaaring makatulong ang paggamit ng maternity bra o sports bra, ngunit ‘wag kalimutan na tignan ang sukat, dahil maaari pang magbago ang hugis at sukat ng iyong suso sa loob ng iyong pagbubuntis.
Maaaring mawala ang pananakit sa pamamagitan ng paggamit ng moisturizer o oil sa bahagi ng nababanat na balat.
-
Pinagre-relax ng hormones ang iyong blood vessels na maaaring magdulot ng low blood pressure o pagkahilo.
Ang mabagal na pagtayo, pagkain sa tamang oras, at pag-iwas ng pagtayo nang matagal ay maaaring makatulong.
-
Maaari ring magdulot ng heartburn ang pagre-relax ng tiyan at esophagus dahil sa pregnancy hormones.
Kumain ng kaunti ngunit madalas at huwag hihiga pagkatapos kumain. Kung sakaling dumadalas o masyadong Malala ang iyong heartburn, magpakonsulta agad sa doktor.
-
Ang mabagal na digestion maaaring magdulot ng constipation.
Uminom ng maraming tubig at kumain ng mga pagkain na mayaman sa fiber.
Pangangalaga sa buntis
Larawan mula sa Shutterstock
- Inumin ang mga prental vitamins na inireseta sa iyo ng gynecologist tulad ng folate at multivitamins para sa karagdagang nutrisyon.
- Makakabuti ang small frequent meals kaysa sa tatlong large meals upang hindi mabigla ang iyong tiyan.
- Uminom ng madaming tubig lalo na kung madalas ang iyong pagsusuka. Maaari din uminom ng juice o kaya ay mga healthy soups kung nasusuka ka sa tubig upang mapalitan ang nawalang electrolytes sa iyong katawan. Kung sobra ang pagsusuka, sabihin ito sa gynecologist. Maaari ding bigyan ng IV drip ang mga buntis kung ito ay dehydrated na.
Mga kailangang gawin sa week 9 ng pagbubuntis
Siguraduhin na nakapagpakonsulta na sa iyong doktor para sa iyong prenatal checkup.
Mahirap mang kumain dahil sa morning sickness, mahalaga pa ring kumain ng mga pagkaing mayaman sa protein at carbohydrates.
Uminom ng maraming tubig upang manatiling hydrated, lalo na kung nakakaranas ng morning sickness na may kasamang pagsusuka.
Kung ikaw naman ay naninigarilyo o gumagamit ng anumang produktong naglalaman ng nicotine, subukan na itong tigilan. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang paninigarilyo habang buntis ay maaaring makapagpataas ng risk ng iba’t ibang pregnancy issue tulad ng:
- Miscarriage o pagkalaglag
- Problema sa placenta
- Premature birth
- Mababang birth weight
- Sudden infant death syndrome (SIDS)
- Venous thromboembolism (VTE)
- Congenital heart disease, cleft lip o palate, at iba pang atypical fetal development
Kung nahihirapang tumigil sa paninigarilyo, makipag-usap sa iyong doktor kung paano makakapagsimula ng smoking cessation program.
Mabuting hakbang din ng pagpapanatili ng magandang kalusugan ng iyong katawan at ni baby ang pagsunod sa masustansya at balanseng pagkain. Narito ang ilan sa maaariing sundin para sa masustansyang pagkain habang nagbubuntis.
- Iwasang kumain ng undercooked meat, fish, at eggs. Iwasan din ang mga deli meats.
- Iwasan ang pagkain ng mga isda na mataas sa mercury tulad ng swordfish, shark, at king mackerel.
- Umiwas sa lahat ng unpasteurized milk.
- Sundin ang mga inirerekomendang supplement ng iyong doktor, lalo na ang folic acid.
- Uminom ng prenatal vitamins with DHA and EDA.
- Huwag uminom ng alak o anumang alcoholic drinks, dahil ang pag-inom ng alcohol ay maaaring magdulot ng miscarriage, stillbirth, o fetal alcohol spectrum disorders sa’yong anak.
Checklist
- Magsuot ng maluluwag na damit upang hindi maipit ang iyong tiyan.
- Magsimulang aralin ang maternity leave policy ng iyong kumpanya.
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo
Ang susunod na linggo: Buntis ng 10 linggo
Ang nakaraan na linggo: Buntis ng 8 linggo
Karagdagang ulat mula kay Shena Macapañas
Additional source:
Healthline
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!