Walang Pasok: Dahil sa inaasahang mantinding pag-ulan dulot ng tropical storm “Pepito” nag-deklara ng suspension of classes sa mga paaralan ng mga sumusunod na lugar:
Walang Pasok
Metro Manila
- Marikina (Our Lady of Perpetual Succor, preschool hanggang kolehiyo)
- Quezon City (Coronado’s School of Quezon City, lahat ng antas)
Benguet
- La Trinidad (buong siyudad, lahat ng antas)
*Antabayanan ang page na ito para sa iba pang anunsyo ng mga paaralan na walang pasok.
Walang pasok kahit online classes
Noong Setyembre, nagbigay ng pahayag ang Department of Interior and Local Government (DILG) tungkol sa suspensyon ng klase. Sinabi ng kalihim na si Jonathan Malaya na maaari pa ring magkaroon ng walang pasok ang mga klase sa mga paaralan kahit na naka-online ang classes.
“In case of online classes or tinatawag na blended learning, ‘pag may bagyo, posibleng kailangan ihanda ng mga pamilya ang kanilang bahay… apektado sila by blackouts or by intermittent signal ng mga internet service provider.”
Inaasahan na makipag ugnayan ang lokal na gobyerno sa mga internet providers kung maaapektuhan ba ng masungit na panahon ang Internet. Ang local government din ang inaasahang gumawa ng mga ganitong anunsyo.
Also read:
Parents’ Guide: Tips sa pag-intindi at pagturo ng learning modules sa mga bata
Teachers to parents: ‘Wag po niyong sagutan ang modules para sa anak ninyo.