Narito ang mga dahilan kung bakit lumalaking walang respeto sa magulang ang isang bata at ang iyong maaring gawin upang ito ay maitama.
Mababasa sa artikulong ito:
-
Rason kung bakit lumalaking walang respeto sa magulang ang isang bata
-
Mga puwedeng gawin upang matuwid ang ugaling ito
Bakit lumalaking walang respeto sa magulang ang isang bata?
Image from Pixabay
Bilang isang magulang, lahat tayo ay nagnanais na lumaki na isang mabuting bata ang ating anak. Ngunit hindi ito madali.
Minsan kahit alam mong maayos ang iyong pagpapalaki o kaya naman ay sinisikap mong maging mabuting magulang, minsan ay taliwas ang ipinapakita ng ating anak.
Nariyan na tayo ay kanilang sasagutin sa tuwing sila ay ating pagsasabihan. O kaya naman ay lalaban, mag-memake face o magdadabog kapag ating pinupuna ang kanilang kamalian.
Isa ito sa mga challenges na kinahaharap nating mga magulang. Isang pagsubok sa atin na dapat nating matugunan ng tama dahil dito nakakasalalay ang magiging ugali at behavior ng ating anak kapag sila ay lumaki na.
Pero minsan ba ay napaisip ka, kung bakit ganoon na lamang ang ipinapakitang ugali ng iyong anak? Ayon sa psychologist at parenting coach na si Erica Reischer, narito ang mga dahilan na tayong mga magulang rin ang maaaring may gawa.
BASAHIN:
10 parenting mistakes na nakakaapekto sa self-confidence ng bata
Parenting mistakes na ginagawa ng magulang kaya lumalaking walang respeto ang isang bata
1. Pinababayaan natin o hindi pinupuna ang kawalang respeto o bastos na pag-uugali ng ating anak.
Ayon kay Reischer, ang pangunahing dahilan kung bakit lumalaking walang respeto sa magulang ang isang bata ay dahil hindi ito pinupuna o itinatama ng kaniyang magulang o ng isang matanda. Nakakasanayan itong gawin ng isang bata at sa kalaunan ay tatanim sa isip niya na walang masama at tama ang kaniyang ginagawa.
Halimbawa, kapag pinagsasabihan ang bata ay magtatakip ito ng tainga. I-correct ito agad para maintindihan niya na kailangan niyang makinig kapag siya ay pinagsasabihan.
2. Kinokonsinte ang kanilang pangit na pag-uugali.
Kapag nakasanayan na ng isang bata na hindi magpakita ng respeto sayo ay gagawin niya ito sa ibang tao. Dahil nakalagay na sa isip niya na wala namang mali sa kaniyang ginagawa. At kung ikaw nga ay hindi nagagalit sa kaniyang ginagawa, malamang ay ganoon rin ang ibang tao. Inilalagay mo rin sa isip niya na bilang kaniyang magulang siya ay kinokonsinte o kaya naman ay kakampihan mo.
Halimbawa, kapag sinasagot niya ng pabalang ang kasambahay, dapat ituwid ito. Sabihan siya na basta’t nakakatanda, ano man ang estado sa buhay, ay dapat kausapin ng maayos ay mahinahon.
3. Iniisip natin na sila ay bata lang at hindi pa nila alam ang kanilang ginagawa.
Ito ang madalas na sinasabi ng marami sa atin. Oo ito ay tama, sila ay mga bata palang at hindi aware sa kung tama o mali ang kanilang ginagawa. Ito ang mismong dahilan kung bakit kailangan natin silang punahin sa kanilang pagkakamali.
Bilang isang adult at kanilang magulang ay dapat natin silang turuan. Dapat natin silang gabayan sa landas na sila ay lumaking tama at may respeto sa kanilang kapwa.
4. Hindi alam kung paano babaguhin ang pangit na pag-uugali ng anak.
Kahit ano pang propesyon mo o tinapusan mo, pagdating sa pagiging magulang lahat tayo ay dumadating sa punto na tila hindi natin alam ang ating gagawin. Lalo na kung ito ay tungkol sa pag-uugali ng ating anak na napaka-hirap kung minsan intindihin.
Kaya ang tendency hinahayaan nalang natin ito. Pero ito ay mali at hindi dapat. Dapat ay gawin natin ang lahat upang sa kanilang batang edad ay maituwid na ang kanilang pangit na pag-uugali.
Image from Flickr
5. Hindi natin sila nirerespeto
Ayon kay Dr. Lickona Thomas, isang a psychologist at educator, kung nais natin ng respeto sa ating mga anak ay kailangan na ipakita rin natin na nirerespeto rin natin sila. Kung gusto natin na magpasalamat sila sa atin ay dapat magpasalamat din tayo sa kanila.
Paliwanag niya,
“If we don’t want our children to speak sarcastically to us, we should avoid all sarcasm in speaking to them. If we want them to speak in a respectful tone of voice, we should model that, too.”
“We should also respect our children in a deeper sense—by treating them as the unique individuals they are. Show a genuine interest in their thoughts and feelings and what’s happening in their lives. Set aside one-on-one time for meaningful conversation and doing things together.”
Sa ganitong paraan ay mauunawaan ng iyong anak na mahalaga ang respesto dahil pinaparamdam din natin sa kanila ito. Maramdaman din nila ang ating pagmamahal bilang mga magulang.
6. Hindi tayo nagiging role model sa kanila
Bilang mga magulang sa ating mga anak kinakailangan na maging role model tayo kung paano ba maging respectuful.
Isang umano ang nakaalala ayon kay Dr. Thomas na hindi umano perpekto ang kaniyang mga magulang pero respectful sa isa’t isa ang kaniyang mga magulang.
Isa pa umanong halimbawa nito ay kung paano ka makipag-usap o pag-usapan ang ibang tao labas sa inyong pamilya. Katulad na lamang ng inyong mga kamag-anak, kapit-bahay, at iba pa.
Ang mga nanay o tatay umano na nagsasabi halimbawa na, “Anong klaseng assignment naman itong binigay ng teacher mo.” ay nagpapakita na hindi pagrespeto sa kaniyang guro o sa ibang tao. Ito ay maaaring magawa ng iyong anak.
Iwasan umano ito ayon kay Dr. Thomas, sa ganitong paraan magiging magandang ehemplo ka para sa iyong anak.
Paano maitatama ang batang lumalaking walang respeto
Ang ilan sa mga paraan na maari mong gawin upang maitama ang batang walang respeto sa kaniyang magulang at kapwa ay ang sumusunod:
I-point out ang mali niyang behavior.
Halimbawa kung siya ay nagwawala o sumisigaw para masunod ang kaniyang gusto habang ikaw ay may kausap o ginagawa, saglit na huminto at sabihin sa kaniya na mali ito:
“Anak, alam ko na gusto mo yan pero puwedeng mag-hintay ka saglit. Dahil may kausap si Mommy at na-iinterupt ako.”
Ganoon rin kapag tumitirik ang kaniyang mata sa tuwing siya ay uutusan mo:
“Nakita kita. Pinagtitirikan mo ko ng mata. Hindi yan tama at magandang ugali.”
Ipaliwanag kung bakit mali ang kaniyang ginagawa.
Matapos i-point out ang kaniyang pagkakamali, ay ipaliwanag kung bakit ito mali.
Tulad nalang sa tuwing sasabat niya sa usapan ng matatanda. Ganito ang maaring sabihin sa kaniya:
“Ang pagsabat sa usapan ng matatanda ay mali. Sa iyong ginagawa ay ipinapakita mong wala kang respeto sa mas nakakatanda sayo.”
Pagdating naman sa pagtirik ng kaniyang mata sa tuwing uutusan mo ay narito ang maari mong sabihin sa kaniya:
“Alam mo bang pinagtitirikan mo ako ng mata sa tuwing inuutusan kita? Hindi iyon magandang tingnan sayo. Kung uulitin mo pa yan lalo na sa ibang tao ay hindi nila iyon magugustuhan at mahihirapan kang magkaroon ng kaibigan sa ganiyang pag-uugali mo.”
Photo by Alexandro David from Pexels
Mag-suggest ng alternative behavior sa ugaling kaniyang ipinapakita.
Sabihin sa kaniya, na kesa sumabat siya sa usapan ng matatanda ay hintaying matapos ang usapan o kaya naman ay magsabi ng “excuse me” bago siya magsalita.
Kung ayaw niya namang sumunod sa iyong utos sabihin sa kaniya na kesa dumabog ay magsabi ng maayos sayo. Ito ay upang malaman mo kung bakit ayaw niyang gawin ito at maipaliwanag mo kung bakit ipinagkakatiwala mo sa kaniya ang bagay na iyong pinapagawa. I-discuss ito sa iyong anak sa tahimik na lugar na kayong dalawa lang ang nakakarinig at walang ibang tao. Ito ay para hindi siya makaramdam ng pagpahiya sa kaniyang nagawa.
Disiplinahin ang iyong anak.
Upang magtanda ang iyong anak ay dapat panagutin siya sa pagkakamaling kaniyang ginagawa. Tulad nalang sa hindi muna siya makakalabas ng bahay dahil niya sinunod ang inutos mo sa kaniya.
O kaya naman ay hindi mo susundin o gagawin ang gusto niya hangga’t hindi niya sinasabi ito sayo sa mahinahon na paraan at hindi pasigaw at nagwawala.
Ipaintindi sa kaniya na kailangan niyang baguhin ang kaniyang ugali. At ang pagbabago niyang ito ay may katumbas na premyo mula sayo. Pati na rin mula sa ibang tao na mas magugustuhan siya kapag natuto na siyang rumespeto at makinig sa mga taong nasa paligid niya.