3 dangers at risks kapag pinapagamit ng walker si baby

Makakatulong nga ba ang paggamit ng walker para mas mabilis matutong maglakad ang sanggol? Basahin rito ang mga panganib ng walker para sa baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mommies, narito ang mga dahilan kung bakit hindi ka dapat bumili ng walker para sa baby mo.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mas mabilis bang matututong lumakad si baby kapag gumamit siya ng walker?
  • Paggamit ng walker para sa baby – ang mga panganib nito
  • Mga bagay na pwede mong bilhin sa halip na walker

Larawan mula sa Freepik

Bilang isang work-from-home mom, nagawa ko na ata lahat ng paraan para ma-distract ang mga anak ko. Para magkaroon ako ng oras na magtrabaho, guilty ako na minsan, hinahayaan ko silang manood sa kanilang gadgets para mapirmi sila sa isang tabi habang may ginagawa ako.

Noong mga baby pa sila, gumamit rin sila ng baby walker na regalo ng kanilang lola. Tuwang-tuwa naman sila kapag sumasakay sila rito dahil makulay ito, at may mga nakakabit na laruan na “educational” raw. Mayroon ring pinipindot para tumunog ang walker habang lumalakad sila gamit ito.

Talaga namang nadi-distract sandali ang baby ko kapag nakasakay siya sa walker niya. Paikot-ikot lang siya sa kwarto (sinisiguro ko namang nakasara ang pinto) at kung anu-ano ang ine-explore niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero sa totoo lang, kailangan pa rin namin siyang bantayan nang maigi kapag nasa walker siya. Dahil kapag nalingat ako, baka kung ano ang galawin niya (saksakan sa pader) o kaya naman isubo.

May mga panahon rin na natutumba ang walker dahil sa kalikutan ng aking anak. Maswerte na lang kami at hindi siya gaanong nasaktan.

Pero kalaunan ay natuto na ring tumakas si baby mula sa walker niya, kaya nagpasya na rin kaming itago na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Unsplash

Mas mabilis bang matututong lumakad si baby kapag gumamit siya ng walker?

Tulad ko, maraming magulang rin ang gumamit ng walker para sa kanilang anak. Paniniwala kasi ng karamihan, nakakabuti ito para sa bata dahil natututo siyang maglakad ng maaga. Biro mo, pauupuin mo lang si baby sa walker at maya-maya ay makakagalaw na siya nang kusa.

Pero ayon kay Dr. Jennifer Tiglao, isang pediatrician mula sa Makati Medical Center, hindi naman nakakatulong ang paggamit ng walker para mabilis na makapaglakad si baby dahil parang umaasa na lang siya rito at nagiging tamad ang bata na sanaying tumayo at maglakad nang mag-isa.

“Ang ayaw ko lang sa walker, the earlier you put a baby in the walker, let’s say 6 months, mas nagiging dependent sa walker. At the same time hindi mo ma-eexercise ang kanilang muscles saka ‘yong kanilang coordination with the walker.” aniya.

Bukod sa hindi talaga ito nakakatulong para matutong maglakad ang isang sanggol, napakarami pang panganib na dala ng paggamit ng walker para sa baby.

Mga panganib ng paggamit ng walker

Mga magulang, narito ang ilang dahilan kung bakit napakadelikado ng baby walker:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Maaring mahulog si baby

Ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa medical journal na Pediatrics, mula 1990 hanggang 2014, naitala na higit 230,000 na batang wala pang 15 buwan ang napunta sa emergency room sa America dahil sa mga aksidenteng may kinalaman sa walkers. Karamihan sa mga aksidente na ito ay dahil nahulog ang bata sa hagdan, at na-injure ang kanilang ulo o leeg.

Sa UK naman, tinatayang 4,000 kaso ng aksidente dahil sa baby walkers ang natatala taun-taon. Sumang-ayon rin si Dr. Tiglao sa mga datos na ito.

“There’s a danger na ‘yong neck and back getting hurt kahit high-tech pa ‘yong walker at may back support. Kasi may wheels ‘yan. Kapag iyan nagmadali kasi wala pang kontrol, aksidente pa ang puwedeng mangyari. I’ve seen babies na nalaglag ng hagdan na naka-walker.” kwento ng doktora.

2. Iba pa pang aksidente kapag nalingat ang nagbabantay

Bilang magulang, iniingatan natin na huwag masaktan ang ating anak. Maging sa mga bagay na inilalagay niya sa kaniyang bibig ay talagang inuusisa natin.

Bukod sa pagkahulog sa hadgan, marami pang aksidente ang maaring mangyari sa bata habang nakasakay sa kanilang walker.  Ilan rito ay pagkaipit ng kanilang mga kamay, pagkahulog ng mga bagay na inaabot nila, at maging pagkapaso mula sa stove sa kusina.

Dahil mas mataas ang bata kapag nakasakay sila sa walker, maari nilang maabot ang mga bagay na hindi dapat naaabot ng mga bata, gaya ng matutulis na bagay at mga bagay na pwede nilang isubo. Malingat lang tayo sandali, maaring mayroong mahawakan o magawa si baby na ikapapahamak niya.

BASAHIN:

“Walker is not advisable” warning ng ina matapos maaksidente ang anak

Baby walkers, gustong ipagbawal ng mga pediatricians

Signs na may delay sa development ang bata

3. Hindi nakukumpleto ang development stage ni baby

Gaya ng nabanggit ng pag-aaral kanina, hindi nakakatulong ang baby walker na makapaglakad kaagad agad ang sanggol. Sa katunayan, naiulat na mas mababa ang locomotive development test scores ng mga baby na gumamit ng walker kaysa sa mga hindi gumamit nito.

Gayundin, natuklasan na maari pang maapektuhan ang normal at tamang tindig ng bata dahil ang paggamit ng walker ay nagdudulot ng pagtiptoe na maling paraan ng pagtayo at paglakad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Dr. Tiglao, dapat ay masunod ang natural na development ng bata kung saan matututo muna siyang gumapang bago tumayo at lumakad. Ang paggamit ng walker sa sumasalungat dito dahil napipilitan agad ang bata na tumayo sa maling paraan.

“Mayroon tayong stages. Sa akin ang importante hindi ang paglalakad, kundi ‘yong crawling kasi it’s the most important part of motor development. Once you crawl, tataas ka na and then maglalakad ka na. So hayaan ninyo na muna si baby na mag-crawl. Huwag ninyo unahan iyong gapang ng lakad.” aniya.

Sa pamamagitan ng paggapang, natututo ang bata na tumayo, magbalanse at suportahan ang kaniyang katawan bago siya lumakad.

Kapag gumagamit ng walker para sa baby, nakakalakad nga ang bata pero nakadepende lang siya sa walker, at bumabagal ang kaniyang motor at mental development. Kaya halip na mapabilis nito ang paglalakad ni baby, lalo lang itong tumatagal.

Larawan mula sa Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga bagay na pwede mong bilhin sa halip na walker

Dahil sa mga panganib na ito, ipinagbawal na ang pagbenta ng baby walkers sa Canada, at ito rin ang iminumungkahi ng American Academy of Pediatrics.

Kaya sa halip na bumili ng walker para sa iyong baby, bakit hindi mo na lang subukang bigyan siya ng nakaka-engganyo pero mas ligtas na alternatibo? Narito ang ilan sa kanila:

  • Stationary activity centers

Parang walker, pero wala itong mga gulong. Umiikot ang upuan nito kaya malalaro ng baby ang lahat ng laruang nakakabit dito.

  • Play yards o playpens

Mas nauuso ito sa atin ngayon dahil bukod sa natututong maupo, gumapang at lumakad nang kusa si baby, siguradong ligtas pa si baby.

Iba-iba ang presyo nito, mayroong mahal at mayroon ring mura lang. Pwede mo ring alamin sa internet kung paano mag-DIY nito. Saktong sakto para sa mga work-from-home moms.

  • High chairs

Nakaupo ang bata at nasusuportahan ang kaniyang likod habang nilalaro ang mga laruan sa tray.

Subalit para sa mga eksperto, kung gusto mong matutong lumakad ang iyong baby, pinakamaganda pa rin kung gagabayan mo siya habang sinusubukan niyang tumayo o maglakad ng nakayapak sa sahig.

Larawan mula sa Unsplash

Maaring naging sikat ang mga walker para sa mga baby noon, pero ngayong mas marami na tayong nakuhang impormasyon at alam na ang panganib nito, makakapagdesisyon tayo kung dapat bang gumamit nito si baby o hindi.

Huling payo ni Dr. Tiglao, kung gagamit ng walker, hintayin muna na marunong nang gumapang ang sanggol bago siya pagamitin nito.

Paalala rin sa mga magulang, para makaiwas sa mga aksidente, bantayan nang mabuti ang iyong anak kapag naglalaro ito lalo na kung nag-aaral pa lang siyang gumapang at lumakad.

Source:

Healthy Children.org, Harvard Health Publishing, NHS

Sinulat ni

Camille Eusebio