TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Baby namatay nang haluan ng tubig ang breastmilk na iniinom nito

5 min read
Baby namatay nang haluan ng tubig ang breastmilk na iniinom nito

Ang masalimuot na pagkamatay ng isang 10-buwang-gulang ay naghikayat na pag-usapan ang paksa ng breastmilk na hinaluan ng tubig. | Photo by Rainier Ridao on Unsplash

Namatay ang 10-buwang-gulang na baby na si Nevaeh Marie Landell dahil sa water intoxication matapos siyang paulit-ulit na painumin ng kaniyang mga magulang ng breastmilk na may tubig. Ang pagpapalabnaw sa breastmilk gamit ang tubig ay nagresulta sa pagbaba ng lebel ng mga electrolyte at sodium sa katawan ni Nevaeh na siyang nagpamaga sa kanyang utak.

Ayon sa mga piskal, tumanggi diumano sina Herbert George Landell at Lauren Heather Fristed na ipagamot ang anak noong siya ay nagkasakit dahil sa mga relihiyosong paniniwala. Nang sa wakas ay nagpasya silang dalhin ito sa sa ospital, huli na ang lahat.

water intoxication baby

Mga magulang ng bata | Photo: screengrab from USA Today

Kinasuhan si Landell ng felony murder at aggravated battery by depriving. Kinasuhan si Fristed ng aggravated battery by depriving, first degree cruelty to children, at second degree cruelty to children. Ayon sa mga ulat ng balita sa US, sila ay nakakulong nang walang pyansa.

Isang trahedya ang makarinig ng mga ganitong kuwento, lalo na kapag malinaw namang buhay pa sana si Nevaeh kung naging mas maalam lang ang kaniyang mga magulang tungkol sa pag-aalaga at pagpapakain ng sanggol.

Ano ang mga patakaran pagdating sa pagbibigay ng tubig sa pinapasusong sanggol na wala pang anim na buwan? Kailangan ba ng sanggol na ganito kabata ang breastmilk na may tubig? Nagbibigay ba ng sapat na hydration ang breastmilk?

Kailangan ba ng tubig ng mga pinapasusong sanggol?

Ang mga eksperto ng lactation na galing sa mga organisasyon tulad ng World Health Organization (WHO) at La Leche League International (LLLI) ay sumasang-ayon na ang mga sanggol na eksklusibong pinapasuso ay hindi nangangailangan ng dagdag na tubig. Ito ay dahil sa ang breastmilk ay binubuo ng 88% na tubig—lalo na ang “foremilk” na kasama kada pasuso—kaya pinupunan nito ang lahat ng pangangailangan sa hydration ni baby.

Bakit hindi dapat bigyan ang pinapasusong sanggol na wala pang anim na buwan ng tubig

Payo ng mga eksperto sa World Health Organization, Academy of Breastfeeding Medicine, American Academy of Pediatrics, at KellyMom.com ang mga sumusunod na katotohanan tungkol sa mga panganib na dulot ng pagbibigay ng tubig sa isang sanggol na wala pang anim na buwan na eksklusibong pinapasuso:

  • Ang pagbibigay ng tubig ay maaaring makaantala sa normal na kadalasan ng pagpapasuso at magdulot ng nipple confusion kapag ang tubig ay pinainom gamit ang tsupon.
  • Ang pagbibigay ng supplement gaya ng tubig o tubig na may asukal sa isang bagong-silang ay maglalagay sa kanya sa panganib ng pagtaas ng bilirubin (na maaaring maging sanhi ng jaundice) at mas matagal na paglagi sa ospital.
  • Maaari itong magdulot ng water intoxication, na ang mga sintomas ay pagkahilo, pagkatuliro, pagkaantok, pagkibot, at pag-atake ng seizure. Ayon sa mga medikal na propesyonal, ang labis na tubig lalo na sa mga batang wala pang isang taong gulang ay maaaring makapagpababa sa normal na lebel ng sodium ni baby at magdulot ng mga seizure, coma, pinsala sa utak, at pagkamatay.
  • Walang calories ang tubig, kaya ang pagsuplemento nito sa iyong sanggol ay makabubusog sa kanya nang walang karagdagang calories. Maaari itong magdulot ng alanganing pagdagdag ng timbang o pati na rin pangangayayat.

Dapat bang bigyan ang pinapasusong sanggol ng tubig tuwing mainit ang panahon?

Kahit sobrang init sa labas, ang mga sanggol na eksklusibong pinapasuso ay hindi pa rin kailangan ng karagdagang tubig. Pero kailangan mong dalasan ang pagpapasuso para masiguradong laging hydrated si baby.

Kailan okay bigyan ng tubig si baby?

Kapag ang iyong anim-na-buwang-gulang sanggol ay natututong gumamit ng baso, payo ng mga eksperto na bigyan siya ng ilang sipsip ng tubig ilang beses kada araw, nang hindi hihigit sa dalawang ounces sa loob ng 24 na oras. Kapag si baby ay nagsimula nang kumain ng solid na pagkain, payo ng mga propesyonal na bigyan siya ng kaunting mga sipsip ng nailabas na gatas o tubig kasabay ng kanyang solids para malabanan ang pagtitibe.

Pagdating sa mga mas nakatatandang sanggol at toddler, maaaring ipagpatuloy ang pagpapasuso at pagpapainom ng tubig nang katamtaman. Kung ipagpapatuloy mo ang pagpapasuso matapos ang isang taon, tandaan na magbibigay pa rin ito ng hydration sa iyong anak kaya maaari pa rin siyang sumuso nang walang limit.

Basahin ang gabay na ito tungkol sa pagbibigay ng tubig sa baby. Kumonsulta sa duktor kapag may kakaibang epekto sa bata ang pagbibigay ng tubig dito.

 

References:

Almroth S, Bidinger PD. No need for water supplementation for exclusively breast-fed infants under hot and arid conditions. Trans R Soc Trop Med Hyg. 1990;84:602-604.

Ashraf RN, Jalil F, Aperia A, Lindblad BS. Additional water is not needed for healthy breast-fed babies in a hot climate. Acta Paediatr. 1993 Dec; 82(12): 1007-11.

Sachdev HP, Krishna J, Puri RK, Satyanarayana L, Kumar S. Water supplementation in exclusively breastfed infants during summer in the tropics. Lancet. 1991 Apr 20; 337(8747): 929-33.

Partner Stories
Beyond the Pump: How Momcozy's “Becoming Cozy” Movement is Redefining Motherhood in Southeast Asia  — The Ultimate Postpartum Guide for Modern Mums
Beyond the Pump: How Momcozy's “Becoming Cozy” Movement is Redefining Motherhood in Southeast Asia — The Ultimate Postpartum Guide for Modern Mums
The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas
The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
Celebrating Your Child’s Growth Milestones

 

Ang artikulong ito ay unang inilathala sa the AsianParent at isinalin mula sa wikang Ingles ni Diona Valdez.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Nalika Unantenne

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagkain at nutrisyon
  • /
  • Baby namatay nang haluan ng tubig ang breastmilk na iniinom nito
Share:
  • Beyond the Pump: How Momcozy's “Becoming Cozy” Movement is Redefining Motherhood in Southeast Asia  — The Ultimate Postpartum Guide for Modern Mums
    Partner Stories

    Beyond the Pump: How Momcozy's “Becoming Cozy” Movement is Redefining Motherhood in Southeast Asia — The Ultimate Postpartum Guide for Modern Mums

  • The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas
    Partner Stories

    The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

  • Beyond the Pump: How Momcozy's “Becoming Cozy” Movement is Redefining Motherhood in Southeast Asia  — The Ultimate Postpartum Guide for Modern Mums
    Partner Stories

    Beyond the Pump: How Momcozy's “Becoming Cozy” Movement is Redefining Motherhood in Southeast Asia — The Ultimate Postpartum Guide for Modern Mums

  • The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas
    Partner Stories

    The Flavor of Togetherness: Purefoods Ready-To-Eat Brings Home the Comfort of Christmas

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko