Isang wife ang nakatanggap ng money bouquet na nagkakahalaga ng S$1,000 o nasa 36,000 pesos mula sa kanyang asawa bilang gift sa kanilang wedding anniversary. Hindi pa malinaw kung paano niya ito plinano. Pero isa lang ang hindi natin maitatanggi, mukhang pinaghandaan niya ito ng todo!
Misis nakatanggap ng money bouquet bilang wedding anniversary gift
Bukod sa reason sa likod ng money bouquet idea na ito, umani rin ito ng madaming support mula sa publiko mula sa page ng florist na gumawa ng bouquet.
Sa Facebook post ng florist na si J’s Money Bouquet, ibinahagi nito ang kanyang creation mula sa maraming rolyo ng pera na naging replacement ng bulaklak para mag mukhang bouquet.
Misis nakatanggap ng money bouquet bilang wedding anniversary gift | Image from J’s Money Bouquet
Halos umabot rin ito ng S$1000 o nasa 36,000 pesos sa estimated conversion.
Ayon sa Facebook post ng nasabing florist, ang money bouquet na ito ay gift ng kanyang client sa wedding anniversary ng asawa nito.
Ang post na ito ng umani ng madaming suporta at comments na tinatag ang kanilang mga asawa. Bukod kasi sa halaga nito, mapapa ‘Sana all’ ka talaga sa unique ng regalo.
Pasok sa gift trend ang money bouquets ngayon. Perfect pang regalo kay mister/misis, sa iyong nanay o kaya sa iyong kaibigan! Isang unique way rin ito ng pagbibigay ng pera sa iyong loved ones lalo na ngayong nahaharap tayo sa global crisis. Praktikal na paraan ito at alternatibong gift na paniguradong magugustuhan ng iyong pagbibigyan.
Mga dapat gawin sa wedding anniversary
Isang mahalaga at hindi mapapalampas na pagkakataon ang first wedding anniversary ng mag-asawa. Ngunit ano nga ba ang ibang dapat gawin ng mag asawa sa kanilang anniversary bukod sa pagbibigay ng regalo?
Narito ang mga dapat niyong gawin bilang parte ng wedding anniversary celebration.
Misis nakatanggap ng money bouquet bilang wedding anniversary gift | Image from Unsplash
Dinner Date
Oras na para bigyan niyo ng quality time ang inyong relationship. Anniversary niyo bilang mag-asawa kaya naman magplano ng dinner date! Isa itong romantic idea para sa couple kaya naman magbook ng dinner date sa paborito niyong restaurant. Hindi importante kung ito ba ay 5 star resto. Ang mahalaga, maging komportable at memorable ang inyong gabi.
Panoorin ang inyong wedding video
Pagkatapos ng dinner date, maaaring mag set up naman ng mini cinema sa inyong living room. Magsuot ng pajama at ‘wag kakalimutan ang popcorn! Sa pagtatapos ng inyong araw, bakit hindi niyo ilaan ang natitira niyong oras sa panood ng inyong wedding video?
Moms and dads, kailan niyo ba huling napanood ang inyong wedding video? Maaaring ito na ang tamang pagkakataon at balikan ang mga masasayang alaala!
Sumubok ng ibang bagay
Kung nais niyo ng bagong adventure ng asawa mo, bakit hindi niyo itry ito ngayong anniversary? Papasok rito ang camping, hiking, hot air balloon ride o iba pang bagay.
Mas magiging memorable ang inyong anniversary kung susubok ng ibang bagay na hindi niyo pa nararanasan.
Misis nakatanggap ng money bouquet bilang wedding anniversary gift | Image from Unsplash
Personal photoshoot
Magandang idea rin ang magkaroon ng photoshoot bilang remembrance ng inyong anniversary. Maaaring mag isip ng pakulo para rito. Bakit hindi niyo i-try na mag suot ng superhero costume o kaya naman mag ala-royalties? Pwede rin na pumunta sa mga paborito niyong lugar para dito magsagawa ng inyong anniversary photoshoot. I-compile ito at gumawa ng album.
Isang paraan para balikan ang mga memories ay ang pag-document o pagkuha ng litrato nito. Ang sarap balikan ng mga masasayang alala habang nagtitingin ng mga pictures diba?
Maglaan ng oras para sa asawa
Mahalaga ang araw kung saan ipinagdidiwang niyo ng iyong asawa ang inyong anniversary. Para sa iba, hindi kailangan na gagastos ng malaki at bongga ang kanilang celebration. Sapat na ang presence ng isa’t-isa dito.
Magiging masaya ang iyong asawa kung mag o-off ka muna sa iyong trabaho at alalahanin ang quality time para sa isang araw.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!