Solenn Heussaff at Nico Bolzico, nakalimutan pareho ang kanilang wedding anniversary

Pero sina Solenn at Nico may pahabol na sweet at funny message sa isa’t-isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Wedding anniversary ni Solenn Heussaff at Nico Bolzico nalimutan ng mag-asawa. Pero humabol naman sila at binati ang isa’t isa sa social media.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang mensahe ng mag-asawang sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico sa isa’t-isa sa kanilang wedding anniversary.
  • Mga pagbati ng netizens sa wedding anniversary ni Solenn Heussaff at Nico Bolzico.

Wedding anniversary ni Solenn Heussaff at Nico Bolzico

Limang taon na ang nakalipas ng maikasal ang celebrity couple na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico sa Combourg, France noong May 21, 2016.

Sa ngayon, matibay at masaya pa rin ang pagsasama ng dalawa na mas ginawa pa ngang makahulugan ng pagdating ng kanilang unica hija na si Thylane.

Pero sa pinaka-latest na Instagram post ng mag-asawa ay matapat nilang ibinahagi na pareho nilang nakalimutan ang wedding anniversary nila nitong nakaraang May 21.

Sa Instagram post nga ni Nico ay ibinahagi nito ang isa sa most memorable at best moment ng kanilang kasal. Ito ang part na kung saan sila ay masayang nagsasayaw bilang selebrasyon ng kanilang pag-iisang dibdib. Kalakip nito ay isang nakakatuwa at sweet na message ni Nico para sa misis na si Solenn.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Nico Bolzico’s Instagram account

Nico’s message to Solenn

“Marriage is a bond between a person who never remembers anniversaries and another who never forgets them” Anonymous!”

“Thankfully we both forget anniversaries Bebu!”

“Happy 5 year and 6 days anniversary!”

“I love you and choose you every day!”

Ito ang pagbati ni Nico kay Solenn sa kanilang wedding anniversary.

Solenn’s message to Nico

Sa kaniyang Instagram account ay binati rin ni Solenn ang kaniyang mister na si Nico. Pagbabahagi ni Solenn sa kabuuan ay 10 taon na silang magkarelasyon ni Nico at limang taon sa ito ay bilang mag-asawa.

“Happy anniv 6 days late lol. 10 years together, 5 married. More ups than downs but a good merry-go round. Te amo @nicobolzico!”

Ang post niyang ito sinagot ni Nico na sinabing na wala siyang naalalang down moments sa kanilang relasyon. Tanging mga ups o masayang moments lang ang naalala niya umano sa kanilang pagsasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“My expressions in this videos are a reflexion of all the up and downs during those 10 years… I only remember the ups, not sure we had any downs… except for that time that I bought #ElPato and had to return it.”

Ito ang sabi pa ni Nico sa Instagram.

BASAHIN:

Solenn, pinakita kay Nico kung paano mag-multitask habang nagpipinta at nagpapa-breastfeed

Solenn Heussaff inamin na 8 buwan na silang hindi nagtatalik ni Nico Bolzico

3 Rason kung bakit dapat ipagdiwang ang inyong wedding anniversary

Reaksyon ng mga netizen

Bumati naman ang mga netizens sa wedding anniversary ng celebrity couple. May ilan pa ngang nagsabi na na-iinspire sila sa ipinapakitang pagmamahal ng mag-asawa sa isa’t isa.

Ninanais nilang makarinig ng payo mula sa mag-asawa tungkol sa kung paano i-hahandle ang relasyon sa kabila ng hindi pagkakaintindihan o individual differences nila. Habang may humirit naman na sana ay madagdagan na ang baby nila.

“The best captions ever!!!! Happy Anniv to my fave celeb couple ❤️🔥😍” “Happy anniversary!!! More babies to come.” “Mr. Bolzico, to be honest I have a hard time understanding relationships. But everytime I look into your relationship with your wife, I am amazed by how different but same you guys are, how Imperfect but still achieving the best, & you two are honestly my role model. Can you please give us some advice on how to love someone despite of every difference or fight that might occur? Your love for each other has just been such a great inspiration, would love to learn more from you!!❤️”

Ito ang mga pagbati ng mga netizens sa mag-asawang sina Solenn Heusaff at Nico Bolzico.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mensahe ni Solenn sa mga magkakarelasyon

Image from Solenn Heussaff’s Facebook account

Sa isa sa mga blog entry ni Solenn ay ibinahagi niya kung paano binago ni Nico ang buhay niya ng makilala niya ito. Ang mensahe niya sa kaniyang mga readers sa oras na makita nila ang kanilang the One tulad ng pagkakatagpo niya kay Nico.

Mensahe ni Solenn tulad ng ginagawa nila ni Nico sa ngayon, huwag mag-alala at i-enjoy lang ang inyong pagsasama.

“I met Nico at 26 and we got engaged after three years. On the other hand, George met her husband at 29 and got engaged after three months.

Are we both happy? Yes. And it’s because there isn’t just one way to do things. You never know how it’s gonna go. When you meet The One, that’s when the work starts. Until then, have fun and don’t worry about it, okay?”

Ito ang paalala ni Solenn sa mga magkakarelasyon.

Si Nico at Solenn ngayon ay may isang taong gulang ng anak na babae na ipinangalan nilang Thylane Katana.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Solenn Heussaff’s Facebook account

Source:

Solenn PH

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement