Buntis Guide: Gabay sa ika-5 linggo ng pagbubuntis

Anu-ano ba ang nagaganap na pagbabago sa week 5 ng pagbubuntis? Alamin ang nagaganap na pagbabago sa iyong katawan at kung paano mo aalagaan iyong baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mommies, nasa 5 weeks ka na ba ng iyong pagbubuntis, huwag mag alala dahil ito ang iyong magiging ultimate guide!

Narito ang lahat ng kailangan mong malaman sa 5 weeks ng pagbubuntis.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga sintomas na mararamdaman sa week 5 ng pagbubuntis
  • Laki at development ni baby
  • Tips para sa alagaan ang iyong sarili

Ano-ano nga ba ang madalas na sintomas na nararanasan sa week 5 ng pagbubuntis?

Bagama’t hindi pa malaki ang iyong tiyan, marami kang mapapansin na pagbabago na nangyayari sa ng iyong katawan. Ilan sa mga maaari mong maramdaman ay ang mga sumusunod: 

  • Makakaranas ang buntis ng madalas na morning sickness.

Ang morning sickness ay isang normal na senyales at kadalasang nangyayari sa first trimester ng pagbubuntis. Ang madalas na mararamdaman kapag ikaw ay may morning sickness ay ang pagsusuka at nausea. 

  • Food Cravings

Ang madalas na pagpapalit ng hormones ng kababaihan ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng food cravings ang mga pregnant mom. Maaari mong masuri sa iyong sarili na may mga aayawan kang pagkain o ‘di kaya ay mag crave sa pagkain na kakaiba.

  • Matinding Pagod

Isa rin ang fatigue o matinding pagod sa mga nararamdaman ng isang buntis sa week 5 . Dahil ito sa maraming bagay, kasama na ang hormone na progesterone, pagbaba ng blood sugar sa katawan, pagbaba ng blood pressure, at pagdami ng dugo sa iyong katawan.

Ito ay kadalasan ding nararamdaman hindi lang sa simula ng pagbubuntis, ngunit sa kabuuan ng pagdadalang-tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Pagbabago ng inyong breast size

Magkakaroon ng pamamaga ang iyong suso. Makakaramdam ka rin ng mas matinding pagod simula ngayon. Ang hormones ng isang buntis ay ang nagpe-prepare para sa kanilang breastfeeding. Ang blood flow sa area ay tumataas, senyales ng pagkakaroon ng larger breasts. 

  • Frequent Urination

Mapapadalas din ang iyong pag-ihi, dahil sa nag-e-expand ang iyong uterus. Laging uminom ng tubig upang maiwasan ang dehydration. 

  • Abdominal Cramps

Pwedeng makaranas ang isang buntis ng mild cramping o bloating. Ito ay ang sanhi ng pagbanat ng iyong uterus. Ito’y hindi nakakaalarma ngunit kapag matindi na ang sakit, tumawag na agad sa doktor. 

BASAHIN:

6 mararamdamang sintomas ng buntis sa unang buwan ng kaniyang pagdadalang-tao
 

Ito ang rason kung bakit kailangan ng buntis ng Vitamin C

Buntis Guide: 7 na mga gamot na bawal inumin ng buntis

Week 5 ng pagbubuntis: Gaano na kalaki si baby?

Sa panahong ito, posible nang masukat ang laki ng iyong baby. Ngunit sobrang liit pa rin niya, halos kasing-laki ng isang sesame seed si baby sa ika-5 linggo ng pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa 5 weeks, ang sukat ng baby ay maaaring umabot ng 1/17th inch o 1.5 mm. 

Ang sanggol ay patuloy na lumalaki at ang kanilang major organ system ay nagsisimula na ring mabuo, partikular ang heart at ang kanilang brain.

Hindi mo rin lubos akalain na ang nasa iyong sinapupunan ay magiging sanggol, dahil kung titingnan mo ang iyong baby, ay parang tadpole ang kaniyang hitsura!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ganitong panahon, ang embryo sa loob ng inyong sinapupunan ay unti-unting nade-develop. Sa loob ng embryo, ang mga cells ay naghihiwa-hiwalay sa tatlong layer upang mabuo ang iba’t ibang body system.

  • Ang ectoderm or outer layer ay nagsisimula nang makabuo ng nervous system. Kasama na dito ang brain at spinal cord ni baby. Ito rin ang responsable sa buhok, balat, at kuko ni baby.
  • Ang mesoderm o gitnang layer naman, ay ang magiging circulatory system. Kasama na rito ang heart at blood vessels ni baby. Dito rin made-develop ang bones, muscles, at kaniyang kidney.
  • Ang endoderm or inner layer naman ang magiging lungs, intestines, at liver ni baby.

Week 5: Ang development ng iyong sanggol

  • Mabilis ang development ng iyong baby sa panahong ito. Ang kaniyang mga internal organs tulad ng kidney at atay ay lumalaki na.
  • Sa unang 3 weeks, dito nagaganap ang tinatawag na fertilization ng baby. Ang fertilization ang pagsasama ng sex cells ng babae at lalaki kung saan made-develop ito maging isang ganap na baby. 
  • Nagsisimula na ring mabuo ang kaniyang puso, at nagde-develop na ito ng mga chambers. Ibig sabihin, malapit na itong mabuo at malapit mo nang marinig ang heartbeat ng iyong anak!
  • Nabubuo na rin ang kaniyang bituka at buo na ang appendix ng iyong anak.
  • Nagsisimula ring mabuo ang neural tube, o ang magiging utak, spinal cord, nerves, at backbone ng iyong baby.
  • Sa ika-5 linggo ng pagbubuntis, magsisimula na rin umusbong ang mga magiging kamay at paa ng iyong sanggol

Pag-aalaga sa iyong sarili

Mahalagang malaman ng ating mga mommy ang kailangan gawin para sa healthy na pagbubuntis at development ni baby. Narito ang mga dapat mong gawin sa week 5 ng iyong pagbubuntis.

  • Mahalagang alagaan mo ang iyong sarili sa panahong ito. Siguraduhin ‘wag ka magpapagod, at kumuha ka ng wastong pahinga.
  • Laging uminom ng prenatal vitamins. Ang prenatal vitamins ay nakakatulong sa healthy development ng baby.
  • Mag-prepare ng exercise routine na tama para sa mga buntis. Ayon sa mga eksperto ang pag eexercise ay nakakabawas ng pagsakit ng likod, bloating, at swelling.
  • Kumain ng mga healthy food. Hindi kinakailangan magkaroon ng striktong diet. Ang mahalaga, ang tamang pagkain upang makakuha ng sapat na sustansiya para kay mommy at baby.
  • Maaari niyo ring pag-usapan mag-asawa kung sasabihin niyo na ba sa inyong mga kaibigan at kamag-anak ang mabuting balita.

Larawan mula sa iStock

Tips para sa healthy na pagbubuntis

  • Mag-schedule ng unang prenatal check sa inyong doktor

Bisitahin na agad ang doktor kung hindi mo pa ito ginagawa. Ang pagpunta sa mga check up ay mahalaga para sa healthy na pagbubuntis. Ang inyong doktor ay magbibigay ng karagdagang kaalaman upang mapanatili kang healthy sa buong 9 na buwan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa healthy na pagbubuntis, maaari rin irekomenda ng doktor na kayo ay magkaroon ng prenatal visit o test mula week 4. Isang prenatal visit kada buwan.

Mga test na pwedeng gawin sa inyong prenatal visit

Larawan mula sa iStock

Ang doktor ay maaari rin gumawa ng buong physical exam. Maaaring kasama dito ang weight assessment, blood pressure check, at breast and pelvic examination

Sundin ang tamang proseso ng check up at tests. Sa first trimester madalas ginagawa ang Fetal Ultrasound at Maternal blood testing.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang fetal ultrasound ay isang imaging technique na ginagamit ang sound waves upang ma-detect at makita ang fetus sa uterus. Samantalang ang maternal blood testing ay ginagawa upang malaman ang kondisyon ng growing fetus.

Ang mga tests o screening na ito ay ginagawa upang maiwasan ang birth defects patungo sa healthy pregnancy.

  • Uminom ng prenatal Vitamins

Ang mga prenatal vitamins ay naglalaman ng folic acid na pwedeng magpababa sa tiyansa ng birth defects. Marami na sa mga prenatal vitamins ngayon ang may omega 3 fatty acids. Ang mga sustansiyang ito’y mahalaga sa development ng eye and brain ni baby.

Larawan mula sa iStock

  • Kumain ng healthy foods

Kung ikaw ay nagda-diet, ugaliin na magdagdag ng prutas, gulay, whole grains, nuts, dairy, at lean proteins. Ang pagma-maintain ng healthy diet ay maganda para sa inyong baby.

  • Kumain ng ligtas

Siguraduhin lamang na balanse ang pagda-diet. Maaari pa rin naman kumain ng gusto ninyong pagkain ngunit mahalagang siguraduhin muna na luto ito lalo na ang mga karne, poultry, at seafoods. 

Image from iStock

  • Umiwas sa mga ikaka-sama ng baby

Tandaan na huwag manigarilyo, uminom ng alcohol, o di kaya ay sobra sobra sa caffeine. Ang ibang prescription tulad ng over the counter medicines ay nakakasama rin minsan. Ugaliin mag tanong o sabihin sa inyong doktor ang mga gamot, herbs, vitamins, at supplements na iyong iniinom.

Checklist sa pagbubuntis

  • Alamin kung mayroon bang mga chronic na sakit sa iyong pamilya, pati na sa pamilya ng asawa mo. Kailangan ito ng doktor upang alamin ang mga posibleng kondisyon na makuha ng iyong sanggol.
  • Siguraduhin na mayroon kang vaccination para sa rubella at chickenpox. Kadalasan, irerekomenda ito ng doktor mo kung hindi ka pa nabibigyan ng mga bakunang ito.
  • Mabuting maghanap ng doktor na makakatulong sa iyong pagbubuntis. Sila ang magbibigay ng tamang payo tungkol sa pag-aalaga sa iyong sarili at sa iyong baby.
  • Mahalaga rin ang panahong ito upang tingnan mabuti ang iyong trabaho at ang iyong lifestyle. Kung sa tingin mo ay hindi makabubuti sa iyong sanggol ang kasalukuyan mong lifestyle, mabuting magsimula ka nang magbago para sa kalusugan ng iyong anak.

Isinalin sa wikang Filipino ni Alwyn Batara na pahintulot mula sa theAsianparent Singapore at dagdag ulat mula kay Sophia Joco

Source:

Healthline, WhatToExpect, theAsianparent Singapore

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara