Batang may special needs paulit-ulit ni-rape, pinatay sa Quezon

10-year old na-rape sa Quezon. Pagkatapos gahasain, siya ay walang habas na pinatay.

Isang kalunos-lunos na pangyayari ang bumulaga sa pamilya ng 10-year old na babaeng may special needs. Ito ay sinasabing ginahasa muna bago walang habas na pinatay sa Quezon.

Batang may special needs paulit-ulit na ni-rape, pinatay sa Quezon

Hustisya ang tanging sigaw ng pamilya ng sampung taong gulang na batang babaeng ginahasa sa Tayabas City sa probinsya ng Quezon. Pagkatapos gahasain, siya ay walang habas na pinatay.

Screenshot image from GMA News

Ayon sa salaysay ni Melody Oabel, ina ng biktima, noong February 20 pa nawawala ang kanyang anak. Dahil nga may special needs ang biktima, hindi maiwasan na mag-alala ang kanyang pamilya sa pagkawala nito. Agad din nilang pinagbigay alam sa pulisya ang pagkawala ng kanilang anak.

Ngunit nitong Sabado lamang, bangkay na nang matagpuan ng isang residente ang nawawalang bata sa liblib na parte ng Ilayang Alsam.

Ayon sa imbestigasyon, paulit-ulit munang ginahasa ang biktima bago at pagkatapos patayin ng suspek. Pinaghihinalaang ito ay hinampas paulit-ulit ng bato dahil sa matinding sugat na natamo sa mukha.

Screenshot image from GMA News

“Nakita namin na may sign siya na sinakal, tapos may tama siya sa kaliwang mukha na maaring pinukpok siya ng matigas na bagay,”

-Police Master Sergeant Aurelia Garcela, Tayabas Child Protective Services.

Itinuturong suspek sa krimen ang isang may edad at kawani ng barangay na kinilalang si ‘Papa Jun’. Huli itong nakitang kasama ng biktima bago siya mawala.

Kasalukuyan pa rin itong pinaghahanap ng pulisya.

“Sana kung nasaan ka man naroon sumuko ka na. Maawa ka naman sa anak ko, walang kamuwang muwang, binaboy mo!” 

What to do when raped: Anti-Rape Law of 1997 in the Philippines

Ang Republic Act No. 8353 o Anti-Rape Law of 1997 ay naitalang isa sa pangunahing krimen dito sa Pilipinas.

Maituturing na rape ang isang insidente kung ito ay:

  • Ang lalaki na nakipagtalik sa isang babae at gumamit ng pwersa, lakas at pagbabanta.
  • Kapag ang nadidiin/suspek ay nakipagtalik habang ang biktima ay walang malay
  • Fraudulent machination o grave abuse of authority

Any person who, under any of the above conditions, commits an act of sexual assault through oral or anal sex or by inserting an instrument or object into the anal or genital orifice of another person.

Kung mapapatunayang may sala ang nasasakdal sa Anti-Rape Law, ang karampatang parusa rito ay Reclusion Perpetua. Ito ay tumatagal ng 20-40 taon na pagkakakulong. Prision mayor naman ang maipapataw na kaso sa nasasakdal kung gumamit ng partikular na bagay ang may sala upang gawing instrumento sa pangmomolestya sa biktima (kung ito ay ipapasok sa bibig o pribadong parte). Ang pagkakakulong nito ay nasa 6-12 na taon.

Ngunit maaari rin itong maging Reclusion Temporal na nasa 12-20 taon na pagkakakulong.

Ang ipapataw na penalty ay nakadepende sa tindi ng ginawang krimen.

Sinulat ni

Mach Marciano