Vaginal discharge ng buntis: Normal ba ito?
Ang discharge ng buntis ay iba-iba sa kapal, kulay, amoy, dalas ng discharge, at kahit sa dami na nailalabas kung kaya ito ang dapat mong malaman.
Normal ba ang white mens ng buntis? Basahin ang mga dapat mong malaman tungkol sa vaginal discharge ng buntis.
Talaan ng Nilalaman
Vaginal discharge bilang senyales ng pagbubuntis
Ang pagbubuntis ay isang maselang bahagi ng buhay ng isang babae. Kung kaya’t importanteng malaman ang mga senyales ng pagbubuntis at ano nga ba ang dapat gawin kapag buntis.
Buntis ba kapag may white mens? Talaga bang ang vaginal discharge o kulay ng discharge na senyales ng buntis ang babae ay white mens nga ba?
Sanhi nang pagbabago sa kaniyang hormones at paghahanda sa panganganak. Maraming pagbabago ang mapapansin ng babae sa kaniyang katawan – isa na rito ay ang pagkakaroon ng white mens sa buntis.
Ang vaginal discharge ng buntis ay magkakaiba sa lapot, sa kulay, sa amoy, sa dalas ng discharge, at kahit sa dami ng discharge na nailalabas.
Dapat mong malaman sa white mens ng buntis
Ang isa ‘di umano sa senyales ng pagbubuntis ay ang pagdami ng kaniyang vaginal discharge at ito nga ay tumatagal sa kabuuan ng pagbubuntis ng mga kababaihan.
Para naman sa normal na discharge ng buntis, kilala ito sa tawag na leukorrhea. Ang leukorrhea ay malabnaw, milky white, at kadalasang walang amoy.
1 week delayed senyales ng buntis white mens
Kahit isa o dalawang linggo pa lamang matapos mabuo ang bata sa loob ay magkakaroon na ng pagbabago sa discharge ng buntis.
Tumatagal sa kabuuan ng pagbubuntis ang nasabing vaginal discharge at mas dumarami pa ito lalo sa huling trimester. Maaari namang maglagay ng unscented na panty liner habang mayroon ka nito.
Normal ang pagkakaroon ng white mens senyales ng pagbubuntis. Sa katunayan, nakakatulong ito para maiwasang makarating ang mga impeksyon mula sa vagina papunta sa ating sinapupunan.
Ang discharge ng buntis sa huling linggo ng pagbubuntis ay maaaring magkaroon ng makapal na mucus at kaunting dugo na tinatawag na “bloody show” pero hindi naman kailangang mabahala dito sapagkat normal lang ito na senyales ng labor.
Nagkakaroon ng pagbabago sa discharge ng buntis tulad ng kulay senyales ng buntis white mens dahil nagbabago rin ang hormones ng babae lalo na kapag nagbubuntis ito. Isa na nga ring pagbabago sa pagbubuntis ay ang cervix.
Sapagkat kapag ito ay medyo lumambot ang katawan nga raw ng nagbubuntis ay naglalabas ng labis na discharge upang maiwasan ang impeksiyon.
Vaginal discharge o kulay ng discharge na senyales ng buntis ang babae white mens nga ba?
White mens senyales ng pagbubuntis? Talaga bang ang vaginal discharge o kulay ng discharge na senyales ng buntis ang babae ay white mens nga ba?
Ang paglabas ng discharge ng babae ay naglalaman ng mga patay na selula at bakterya, at ang proseso ng discharge ay nakakatulong na panatilihing malinis at malusog ang ari.
Sa dami at hitsura ng discharge ay natural na nagbabago sa buong cycle ng pagreregla. Ang cycle na ito ay may ilang yugto, kahit na ang maraming pagbabagong kinasasangkutan ay kadalasang nagsasapawan o nangyayari nang sabay.
Lumalapot naman ang lining ng matris, bilang tugon sa mga pagbabago sa mga hormone, at ang katawan ay naghahanda sa ibang mga paraan para sa isang potensyal na pagbubuntis.
Sa kalagitnaan ng cycle, ang isang obaryo ay naglalabas ng isang itlog. Sa huli, kung ang tao ay hindi nabuntis, ang lining ng matris ay magsheshed, kasama ang itlog. It ang simula ng menstruation.
White mens ng buntis – ano ang normal at hindi?
Inilarawan naman ni Dr. Rona Lapitan, isang OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center ang pagkakaroon ng discharge kulay senyales ng buntis white mens, na kadalasang napapansin sa ikalawang trimester.
“Usually you have this discharge during the second trimester of pregnancy. It is usually whitish mucoid. Parang saliva siya pero minsan whitish. It is not foul-smelling and it doesn’t cause irritation.”
Buntis ba kapag may white mens? Kapag napansin mong nag-iba ang kulay senyales ng buntis white mens, narito ang maaring ibig-sabihin nito:
-
White mens ng buntis na mas malapot at parang may buo-buo
Kapag napansin mo na mas malapot at parang may mga namumuo sa iyong vaginal discharge, at may kasamang pangangati at kaunting sakit kapag umiihi, maaaring senyales ito na mayroon kang yeast infection.
Kadalasang nangyayari ang yeast infection sa mga buntis dahil sa pagbabago sa kanilang hormones.
Bagama’t ang pagkakaroon ng white mens ng buntis sanhi ng yeast infection ay hindi naman delikado para sa nanay, maaari naman itong mapasa sa baby, at maaaring magdulot ng komplikasyon dahil sa mahinang immune system ng sanggol.
-
Green o yellow
Hindi normal ang pagkakaroon ng ganitong kulay ng vaginal discharge sa mga buntis. Maaring senyales ito ng isang sexually transmitted infection (STI), gaya ng chlamydia o trichomoniasis.
Ang ganitong kulay ng vaginal discharge ay maaaring may kasamang pananakit at pamumula ng iyong ari.
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), maaaring magdulot ng komplikasyon sa pagbubuntis ang mga sexually transmitted infections. Puwede itong makaapekto sa development ng sanggol sa iyong sinapupunan.
-
Gray
Kung ganito naman ang kulay ng iyong vaginal discharge na may kasamang masangsang na amoy at pangangati ng ari, maaring mayroon kang vaginal infection na tinatawag na bacterial vaginosis.
Mahalagang kumonsulta agad sa iyong OB-GYN kapag ganito ang kulay ng iyong vaginal discharge dahil kapag hindi naagapan, maaari itong humantong sa mga komplikasyon sa iyong pagbubuntis, kabilang na ang preterm labor.
-
Brown
Ang kulay brown na vaginal discharge ay maaaring senyales ng pagbubuntis kapag nangyari ito sa mga unang linggo. Subalit kung naranasan mo ng magkaroon ng kulay brown na discharge sa kalagitnaan ng iyong pagbubuntis, ipagbigay-alam agad sa iyong doktor.
-
Pink
Maaaring magkaroon ng kulay pink na vaginal discharge maaga sa iyong pagbubuntis, o kapag malapit ka nang maglabor. Pero kung nararanasan ito sa kalagitnaan ng iyong pagbubuntis, makipag-ugnayan agad sa iyong OB dahil maaari itong senyales ng ectopic pregnancy o miscarriage.
-
Red
Kung pula ang kulay ng iyong vaginal discharge habang nagbubuntis, lalo na kung matindi ang pagdurugo at may kasamang pananakit ng puson, kailangan mo agad tawagan ang iyong doktor.
Sa mga unang linggo ng pagbubuntis, maaaring senyales lang ng implantation bleeding ang kulay pulang discharge, pero ayon kay Dr. Lapitan, mas maigi kung kumonsulta ka sa iyong doktor.
“It would be best to inform your OB-GYN, because she will examine you and get your history if it’s really implantation bleeding and not anything else.”
Kung hindi implantation bleeding, maaaring mas seryoso ang sanhi ng pagdurugo gaya ng placenta previa o placental abruption, at nangangailangan ng agarang medikal na atensyon.
Ihi kulay senyales ng buntis white mens
Maraming mga buntis ang makakaranas ng mga pagbabago sa kanilang ihi kulay senyales ng buntis white mens sa buong panahon ng kanilang pagbubuntis.
Marami rin ang maaaring mapansin na sila ay umiihi nang mas madalas kaysa sa normal kahit na bago sila hindi nasagot sa kanilang unang regla o kumuha ng pagsubok sa pagbubuntis, ayon sa Cleveland Clinic.
Nangyayari ito dahil ang katawan ay nagsisimulang gumawa ng pregnancy hormone o hCG pagkatapos ng pagtatanim ng embryo sa matris. Ang hormone na ito ay maaaring maging sanhi ng madalas na pag-ihi.
Maaari ring magbago ang kulay at amoy ng iyong ihi kapag buntis ka.
Ang iyong ihi ay mukha bang mas dark at mas puro? Ito ay maaaring isang senyales na ikaw ay dehydrated, ayon sa Cleveland Clinic. Ang mga buntis na kababaihan ay kailangang uminom ng mas maraming tubig kaysa sa normal. Samantala, ang kulay ng iyong ihi ay makakatulong sa iyo na matukoy kung nakakakuha ka ng sapat na likido.
Kailan kailangan kumonsulta sa doktor?
Kapag napansin ang mga sintomas na ito habang nagbubuntis, kailangan nang kumonsulta sa iyong doktor:
- ibang kulay maliban sa puti na vaginal discharge
- masangsang o fishy odor
- may pamumula o pangangati, maaari ring may kasamang pamamaga
- may kasamang cramps o pananakit ng puson
Narito naman ang mga dapat tandaan upang maiwasan ang pagkakaroon ng yeast infection habang buntis:
- iwasan ang masisikip na damit, lalo na mga underwear at pang-ibaba
- magsuot ng cotton na underwear para makahinga ng maayos ang iyong vagina
- ugaliin ring magpalit ng underwear madalas, o kaya magsuot ng unscented panty liners para maiwasan ang impeksyon
- siguraduhing tuyo ang iyong vagina matapos maligo, lumangoy, o kahit na matapos mag-ehersisyo
- iwasan ang mga pagkaing maraming sugar, na maaring pagmulan ng yeast infection
- kumain din ng yoghurt o kahit anong fermented na pagkain sa iyong diet
Ang abnormal na discharge ng buntis ay maaari ring dulot ng sexually transmitted disease o STD. Kumonsulta agad sa iyong doktor upang mapa-test kung may STD o wala. Kung positive sa STD, siguraduhin sabihin ito sa iyong doktor upang maagapan at hindi maipasa sa iyong sanggol.
Paalala ni Dr. Lapitan, kung mayroon kang napapansing kakaiba o may katanungan tungkol sa iyong pagbubuntis, huwag mahihiyang kumonsulta sa iyong doktor.
“When in doubt – in everything that you feel and see in your baby, it’s best to see an OB-GYN. Don’t leave it to yourself.
It’s best that they can see you so that you really have a doctor’s advice when in doubt, especially the first time moms.”
Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.