Nagulat daw ang isang nanay na ito ng nang yakapin niya ang anak at may nakapang bukol sa bandang balakang nito. Iyon pala, isa na itong Wilms tumor.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- “Nalaman kong may cancer ang anak ko matapos ko siyang yakapin.”
- What is a Wilms tumor?
“Nalaman kong may cancer ang anak ko matapos ko siyang yakapin.”
Hindi mailalarawan ang sakit na dala para sa isang magulang ang malamang mayroong karamdaman ang anak. Nakakawasak ng buong pagkatao lalo na kung ang sakit na dinadala nito ay malubha tulad na lang ng cancer.
Para sa isang nanay na ito, aksidente niya raw na na nadiskubre na mayroong sakit ang kanyang anak. Isang gabi raw ay bigla na lang nagising ang kanyang bunsong babae habang iniinda nito ang labis na kirot sa kanyang katawan. Buong akala niya raw ay virus lamang ang mayroon ang kaniyang anak na si Chloe.
Pinagtanungan niya pa raw ng ina na si Rosie White ang mga kaibigan ng kanyang nanay kung ganito rin ba ang nararanasan ng kanilang anak. Sinagot naman siya ng mga ito na walang dapat ikabahala dahil ganoon din sila. Sa hindi malamang dahilan ay hindi pa rin daw siya kampante sa impormasyon na ito. Alam niya raw sa loob-loob niya na may mali na sa kaniyang anak.
“Nalaman kong may cancer ang anak ko matapos ko siyang yakapin.”
Matapos niya raw i-comfort ang anak sa pamamagitan ng pagyakap, nakaramdam daw siya ng bukol sa may bandang balakang nito. Dahil daw dito ay dali-dali niyang dinala ang anak sa ospital at dito nalamang mayroon itong Wilms tumor, isang hindi pangkaraniwang cancer sa kidney.
Hindi niya raw lubos maisip na totoo ang nangyayari. Hindi nga rin daw niya nakita ang sarili na uupo sa pwesto na iyon at naririnig ang mga hindi niya gustong marinig na balita. Naalala niya pa raw kung gaanong literal na sumakit ang puso niya sa balita.
Magmula raw nun, naging sunod-sunod na ang pagbisita at pag-stay ng pamilya nila sa ospital.
“Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano sa tuwing naririnig ko ang salitang ‘cancer’
Sumailalim daw sa limang linggong chemotherapy ang bata upang mapaliit ang tumor at maoperahan na siya para matanggala ng bukol. Nakikita niya raw kung paanong hindi naiintindihan ng kanyang anak kung anong nangyayari dahil sa sobrang bata pa lamang nito. May mga panahon pa nga raw na nagagalit siya na nalalayo sa kanyang mga kapatid.
Matapos daw ang chemotheraphy, buong akala nila ay ayos na ang lahat. Kinailangan na naman daw ng bata na humarap sa panibagong 34 weeks na chemotherapy dahil hindi tagumpay ang mga naunang treatment.
Hirap na hirap daw sila ng mga panahong ito dahil kasagsagan ito ng pandemic kung saan limitado ang maaaring magbantay. Papalit-palit na lang daw sila ng kanyang asawa noon.
Matapos daw ang ilang pagsubok, nagpapasalamat sila ngayon na halos positive na ang mga nakikita nila sa test ng kanyang anak. Nanunumbalik na rin ang saya at energy ng kanyang anak. Mas maligaya na rin ang bata dahil natutupad ang kanyang hiling na magkaroon ng mas maraming time para sa kanyang mga kapatid.
What is a Wilms tumor?
Marami ang klase ng tumor, kabilang na diyan ang Wilms tumor o kilala rin sa tawag na nephroblastoma. Ayon sa Mayo Clinic, ito raw ay isang rare na kdiney cancer at halos madalas na tinatamaan ay ang mga bata. Nasa edad 3 at 4 ang mas karaniwang nagkakaroon nito at bumababa na ang tsansa paglagpas ng limang taong gulang.
Common daw na nasa isang kidney lamang ito natatagpuan, malubhang maituturing na kung sa parehong kidney ay present ang tumor.
Sa ngayon, wala pang malinaw na dahilan kung bakit nga ba nagkakaroon ng Wilms tumor. Sa maraming pagkakataon, malaki ang ginagampanan na role ng genes. Maaaring kung mayroong history sa pamilya na mayroong cancer ay malaki ang posibilidad na makuha rin ito ng mga bata.
Nakakabahala pa nga raw na kung minsan walang sintomas ang mga batang mayroong ganitong tumor. Sa iba narito ang ilang sa senyales na kanilang nakita:
- Pagkaramdam ng hindi normal na abdominal mass
- Pamamaga at pananakit ng abdomen
- Pagkakaroon ng lagnat
- Pagkakaroon ng dugo sa ihi
- Pagkaranas ng hilo o pagsusuka
- Kawalan ng gana sa pagkain
- Kahirapan sa paghinga
- Pagtaas ng blood pressure