X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

#AskDok: Ano ang dapat gawin kapag nagka-bukol ang bata?

7 min read
#AskDok: Ano ang dapat gawin kapag nagka-bukol ang bata?#AskDok: Ano ang dapat gawin kapag nagka-bukol ang bata?

Karaniwan ang mauntog at magka bukol sa ulo lalo na kung natututo pa lamang maglakad. Tignan ang mga tips sa pag-asikaso sa pagkauntog ng bata.

Mommies, narito ang kasagutan sa iyong katanungan tungkol sa bukol sa ulo ng iyong anak.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Tips sa mga magulang pagdating sa bukol sa ulo ng bata
  • Payo ng eksperto kapag nauntog ang iyong anak

Bilang magulang, kung pwede lang nating saluhin ang lahat ng sakit na maaaring maranasan ng ating mga anak, gagawin natin ito. Subalit habang sila ay lumalaki, hindi maiiwasang makaranas sila ng mga hindi inaasahang pangyayari at mga aksidente.

Dahil sa natural na kalikutan ng mga bata, malaki ang posibilidad na sila ay mauntog at magdulot ito ng pagkakaroon ng bukol. Ang mga bukol sa ulo’y karaniwan lalo na sa mga batang natututo pa lamang maglakad.

Kaya, bilang magulang, dapat alalahanin ang ilang mga bagay pagdating sa mga bukol sa ulo ng mga bata.

bukol sa ulo

Larawan mula sa iStock

Nauntog ang ulo ng bata – delikado ba?

Ayon kay Dr. Angelica Tomas, isang pediatrician mula sa Makati Medical Center, karaniwan para sa mga bata ang mauntog at magtamo ng bukol dahil sa kanilang kalikutan.

“Common talaga ‘yan iyong nauuntog o isama na natin ‘yong nahuhulog, kasi ang kukulit talaga ng mga bata.Especially, ‘yong mga babies na umiikot ikot na, iyong kaya na mag roll-over.  Then even ‘yong mga older kids, na takbo nang takbo. Very common nga na concern or worry ‘yan ng mga parents.” aniya.

Subalit bagamat madalas at karaniwang para sa mga bata na mauntog habang sila ay naglalaro, bihira naman sa kanila ang magkaroon ng brain injuries mula rito. Ayon kay Dr. Elizabeth C. Powell, MD, isang pediatrician at spokesperson para sa American Academy of Pediatrics,

“Traumatic brain injuries, such as concussions, are rare among little kids. The skull is very protective. Even if it’s fractured, unless there’s bleeding underneath, on the brain, you don’t do anything about it — the skull will repair itself.”

Bukod dito, dagdag pa ni Dr. Tomas, kadalasan ng mga pagkaka-untog na nagtatamo ng bukol tulad ng pagkakahulog mula sa kama o sa bisikleta ay hindi ganoong kataas at katindi para magdulot ng brain injury o concussion.

“It usually requires a certain height. Sabi sa ibang pag-aaral, usually 5 to 6 feet to really cause damage to the babies. O kaya, a very sudden blow to the head. So hindi naman matataas ‘yong mga kama natin usually 2 to 3 feet lang.”

Bukol sa ulo ng bata

Kapag nauntog ang bata, ang unang napapansin at hinahanap ng magulang ay kung mayroon ba siyang bukol sa ulo.  Tinatawag din itong goose egg bump sa Ingles.

At kapag nakita ng magulang na mayroong bukol ang kaniyang anak, nakakadagdag ito sa kanilang pag-aalala.

Pero ayon kay Dr. Powell, hindi dapat magpanic ang magulang kapag nakita nila ang bukol.

“First off, don’t panic if you see a lot of blood. There are lots of blood vessels in the scalp, so even a small scrape or cut can create a scary amount of blood. This is actually a good thing, because it means external head injuries repair themselves easily.”

Paano naman kung walang bukol ang bata pagkatapos niyang mauntog?

Minsan naman, sa labis na pag-aalala natin sa ating mga anak, hinahanap natin ang bukol sa kaniyang ulo pero parang wala tayong matagpuan. Mas delikado ba kung walang bukol ang bata kapag siya ay nauntog?

“Hindi naman,” ani Dr. Tomas. “They just really have to check. Sometimes hindi talaga nagkakaroon ng bukol and it’s okay. Basta ‘yong vomiting, loss of consciousness, iyon talaga ‘yong medyo delikado na.”

 

bukol sa ulo

Larawan mula sa iStock

Tips pagdating sa bukol ng mga bata

  • Isipin ang lala ng pagtama ng ulo.

Karamihan ng mga tama sa ulo ng mga bata ay mahina at panandalian lamang ang epekto. Kaya, ang mga magulang ay maaaring masabi kung kailangan magpasuri o hindi. Subalit, kung ang iyong anak ay nakakaranas ng concussion, makakabuting dalhin agad siya sa ospital.

  • Lagyan ng cold compress.

Kung may bukol sa ulo ng bata pagkatapos niyang mauntog, makakatulong ang paglalagay ng cold compress sa loob ng 20 minuto para mabawasan ang pamamaga. Payo ni Dr. Tomas,

“So pag may bukol, ang advice lang namin is to put cold compress. So kumuha sila ng yelo ilagay nila sa ice pack o kahit sa twalya lang balutin nila.  Usually naman, pag bukol mawawala din ‘yan ng kusa. Pero ‘yong paglalagay natin ng ice pack ay nakakawala siya to lessen ‘yong bukol.” 

  • Patuloy na bantayan ang iyong anak.

Hinihikayat na panatilihing gising ang inyong anak matapos mauntog. Kung sakali mang antukin ang bata matapos mauntog, ayos lang na hayaan silang matulog.

Kailan dapat dalhin ang bata sa doktor?

Bukod sa pagkakaroon ng bukol sa ulo, narito pa ang ilang sintomas na dapat bantayan kapag nauntog ang iyong anak:

  • Kapag nagiging mas antukin o matamlay ang bata.Subalit kung makakaramdam sila ng pagod dahil sa pag-iyak, maaari pa rin naman silang patulugin. Narito ang pahayag ni Dr. Tomas:

    “After the accident, obserbahan. Kung mas nagtulog-tulog ba ‘yung bata. Pwede pagkatapos nila mauntog, kasi umiyak-iyak sila, napagod. Pero, kapag after 1 hour gigisingin tapos mahirap gisingin, that is a concern also. So importante talaga iyong first 24 hours na pagbabantay sa  bata.”

  • Gayundin, kapag ang bata ay parang wala sa sarili at mahirap kausapin (hindi sumasagot sa iyong mga tanong)
  • Pagbabago ng kaniyang pagkilos; halimbawa, nahihirapan siyang magbalanse at lumakad ng maayos, o nabibitawan ang mga bagay na hawak niya.
  • Kapag nagpatuloy ang sakit sa ulo at pagkahilo ng bata
  • Tingnan rin ang kaniang mga mata. Kapag magkaiba ang laki ng kaniyang pupils, o kaya naman walang coordination sa dalawang mata

Maaaring hindi agad lumabas ang mga sintomas na ito, pero kung mapansin ito pagkalipas ng isa o dalawang araw, magtungo pa rin sa doktor para makasiguro. Kapag hindi rin lumiliit ang bukol pagkalipas ng ilang araw, kumonsulta na sa doktor.

BASAHIN:

2-anyos na nahulog mula sa sofa, nagkaroon ng pagdurugo sa utak

Nagsisinungaling ka ba sa anak mo para mapasunod siya? Ito ang epekto nito sa kaniya

7 tips kung anong gagawin kapag umiinit na ang ulo mo sa anak mo

  • Pagpahingahin ang iyong anak

bukol sa ulo

Larawan mula sa iStock

Mahalaga na magpahinga ang iyong anak. Bawasan muna ang paglahok niya sa mga aktibidad dahil kailangan magpahinga at magpagaling ng kaniyang ulo. Lalo na sa mga kaso na may concussion na kakailanganin ng 10 araw para magpagaling.

Partner Stories
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
  • Kunin ang pahintulot ng inyong doktor

Kailangan muna ng pahintulot ng inyong doktor bago pabalikin ang bata sa playground o sports. Ang pagpapadali ng proseso ay maaaring maging dahilan ng paggiging vulnerable ng iyong anak sa kasunod na madalas ay mas nakakapinsalang concussion.

  • Maging kalmado sa pag-asikaso sa bukol ng bata

Walang kahihinatnan ang pagdududa sa kakayahan maging magulang o paninisi sa taong nagbabantay o kaya sa iyong sarili dahil sa pagkauntog ng iyong anak. Aksidente ito, at wala namang gustong mangyari o mapahamak ang bata.

Sa halip, gamitin ang nangyari bilang aral upang maiwasang maulit muli sa hinaharap.

Tandaan na manatiling kalmado sa pag-asikaso sa bukol sa ulo at sabihin sa sarili na ang mga paghulog ay nangyayari sa lahat ng bata gaano pa man kaalaga.

Ang pinakamahalaga ayon kay Dr. Powell,

“The most important thing parents should do when a kid bumps her head is trust their instincts…Overall, parents instinctually can tell if a child has a little boo-boo or something worse.

But there’s nothing wrong with erring on the side of caution: If you aren’t sure, see a doctor.”

Source:

University of Health (rileychildrens.org), Healthline, KidsHealth

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • #AskDok: Ano ang dapat gawin kapag nagka-bukol ang bata?
Share:
  • Bukol sa mukha ng isang batang babae inaasahang matatanggal ng Sclerotherapy!

    Bukol sa mukha ng isang batang babae inaasahang matatanggal ng Sclerotherapy!

  • 18 na posibleng sanhi ng bukol sa leeg

    18 na posibleng sanhi ng bukol sa leeg

  • Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

    Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

app info
get app banner
  • Bukol sa mukha ng isang batang babae inaasahang matatanggal ng Sclerotherapy!

    Bukol sa mukha ng isang batang babae inaasahang matatanggal ng Sclerotherapy!

  • 18 na posibleng sanhi ng bukol sa leeg

    18 na posibleng sanhi ng bukol sa leeg

  • Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

    Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.