Dahil pag-uusapan na natin ito mga mommies, ibig-sabuhin ay successful ang inyong panganganak. Pero para saan nga ba ang wink binder? Paano ito dapat gamitin, lalo na ng mga bagong panganak?
Isa sa mga kailangan o nagiging opsyong gamitin pagkatapos manganak ay wink binder. Ang wink binder ay isang medical grade compression binder na seamless kahit isuson.
Ginamitan ito ng dalawang layer ng matibay na silk at manipis na materyales kaya komportableng gamitin.
Para ito sa compression at pansuporta sa inyong tiyan pagkatapos manganak, na nakakatulong sa postpartum recovery at sa post abdominal surgery.
Pero, ano ba ang experiences ng mga naunang mommies na nakagamit ng wink binder? Paano kaya ito isuot at magkano kaya ang ganito sa mall?
Puwede nating pag-usapan ang mga sumusunod na tips sa pagpili ng binder:
- Tamang paggamit ng wink binder
- Poll at Opinyon ng mga mommies sa wink binder
- Best wink binder sa market at magkano
- Halaga ng paggamit ng wink binder
Paano ba gamitin at isuot ang Wink binder?
Ang panganganak ay isang espesyal na bagay para sa mga momy. Kasabay ng panganganak ay ang mga naging pagbabago pagkatapos nito.
Hindi maikakaila ng mga mommies ang pagpansin sa pisikal na hitsura ng kanilang tiyan pagkatapos manganak. Bahagi ito ng postpartum healing process, o kung c-section, ay post abdominal surgery recovery.
Hindi madali para sa mga mommies ang phase na ito. Paghilom ang pinag-uusapan dito. Hindi lang ng hitsura nila, kundi maging persepsyon nila sa kanilang sarili.
Sa panahon ng kanilang recovery, kailangan din ng bagay na makakatulong sa mabilis na paraan ng recovery. Kaya, may mga nanay na gumagamit ng postpartum binder o wink binder.
Kinuha ang larawang ito mula sa | pexels.com
Paano isuot ang wink binder?
Ito ang mabilis na paraan ng pagsuot ng wink binder:
- I-lock ang pinakataas ng hook sa bandang ibaba ng dibdib.
- I-lock ang sunod-sunod na hook ng binder hanggang pinakababa.
- Kapag naisara na ang lahat ng hook, marahang hilahin pababa ang garment.
- Ilapat ang palad sa nahiwang bahagi para maiwasan ang pagkaskas sa balat paibaba pagkatapos ng ceserean.
- Hilahin muna ang garment sa harap, sa mga gilid, at sa likuran.
- Huwag hayaang bumakat o masira ng kuko ang binder.
- Sa loob ng 1 hanggang dalawang minuto, mararamdaman mong may sumusuporta sa iyong tiyan at likod at hindi naiipit.
- Sa sunod-sunod na paggamit nito, masasanay ang iyong bewang na maging slimmer at curvier.
- Para sa mga bagong panganak, nakakatulong ito nang mabilis sa pananakit, mabilis na pag-recover, at komportableng pagkilos.
BASAHIN:
Paano nakakatulong ang belly binder pagkatapos manganak ni Mommy?
Mom’s guide on how to care for your postpartum wound
Post-cesarean wound infection: What you need to know
Kinuha ang larawang ito mula sa | pexels.com
Ayon sa ilang mga mommies sa theAsianparent community app, nakakatulong wink binder para sa kanilang postpartum recovery at para bumalik sa dating shape ang kanilang katawan.
Pero hindi rin madali ang paggamit nito sa umpisa. Sapagkat sinasanay ng postpartum binder ang tiyan at bewang mo na magkaroon ng shape, challenging itong gamitin lalo na sa mga bagong mommies, at naghahangad ng magandang pangangatawan.
Kailangang sabayan ito ng exercise routine, tamang diet, at siyempre, paghingi ng payo mula sa inyong doktor.
Best binder na mabibili sa merkado at presyo
Maaaring makabili ng mga wink binder online, nagkakahalaga ito ng 800 – 10,000. Kapag bibili ng mga wink binder para sa iyong postpartum recovery mahalaga na tignan ang material kung saan ito gawa para matiyak na kalidad ito.
Ito ang ilan sa mga shop na puwedeng pagpilian sa pagbili ng Wink Binder:
- Mama’s Choice – Mabibili ito sa halagang P759, gawa ito sa mga matibay na materials. May dalawang kulay ito: black at cream. May different sizes din sila.
- Urban Essentials – Mabibili ito sa halagang P4,990, mayroon silang dalawang color: black at nude na may different sizes na saswak sa lahat ng mga mommies na nais gumamit nito.
- The Baby Hub – Mabibili ito sa halagang P4,990, mayroon din itong dalawang kulay: Nude at Black. May different sizes din sila.
Kinuha ang larawan mula sa | pexels.com
Ano ba ang kaibahan ng Wink binders sa iba pang binders?
- Ginawa ang Wink Shapewear garment para magbigay ng tamang balanse ng puwersa at stretching sa iba’t ibang direksyon ng paggalaw. Nag-po-produce ito ng 17 hanggang 20 mmHG na pressure, enough na para makabawas ng ilang pugada ng target area (pagliit ng tiyan at bewang).
- Wink postpartum shapewear lang ang nakakapagbigay ng napakatibay na compression pero komportable pa ring gamitin. Puwede rin itong gamiting suporta sa mga dumaan sa operasyong panganganak.
- Safe para kina mommy at baby na gamitin ito. Wala itong matigas na bahaging maaaring makatusok sa ribs at balakang mo.
- Wala ring velcro ito na maaaring mag-cause ng pangangati at irritation sa balat mo at balat ni baby kapag gumagamit ng Wink binder habang nagbe-breastfeed.
Halaga ng paggamit ng Wink binder
Kung nakakatulong ang Wink binder sa panunubalik ng dating shape ng tiyan at bewang ni mommy, nakakatulong din ito sa physical at mental recovery sa panganganak.
Mayroon itong mga kahalagahan at kung paano ito nagiging esensyal na gamit ng mga mommies pagkatapos ng panganganak:
- Ang Wink binder ay “medical grade” na garment at may napatunayan nang slimming at support system.
- Maaari itong gamitin o isuot pagkatapos ng normal delivery o ng c-section surgery
- May dulot itong mabilis na paggaling ng sugat at pain relief kay mommy pagkatapos ng cesearean
- nagbibigay ito ng suporta sa posture ng isang tao at nababawasan nito ang back pain.
- seamless at kpmportable itong isuot
- hypoallergenic, amaldehyde, at latex-free ang ginamit na materyal sa pagtahi nito.
Pero bago gumamit ng mga ganitong produkto, siguraduhin munang walang anomang uri ng sakit sa balat o skin allergy. Magpakonsulta sa skincare clinic kung maaari ka bang gumamit ng postpartum binder, Mommy.
Hindi lang Wink ang may porstpartum binder. Puwede kayong makahapon sa physical store na may quality at protection na binders. Kung wala, maaaring bumili thru online.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!