LOOK: Winwyn Marquez’s gender reveal party para sa kaniyang first baby

Winwyn nagbigay ng hint tungkol sa kung sino ang ama ng ipinagbubuntis niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Winwyn Marquez baby girl ang ipinagbubuntis!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Winwyn Marquez baby gender reveal.
  • Pagbubuntis ni Winwyn Marquez.

Winwyn Marquez baby gender reveal

Image from Winwyn Marquez’s Instagram account

It’s a girl! Ito ang masayang balitang bumungad kay Winwyn Marquez at sa kaniyang buong pamilya ngayong bagong taon. Ang 2017 Miss Reina Hispano-Americana beauty queen napatalon sa tuwa ng malaman ang gender ng baby na ipinagbubuntis niya.

Sa pamamagitan ng kaniyang vlog ay ibinahagi ni Winwyn ang naging baby gender reveal party na isinagawa ng kanilang pamilya para sa kaniyang ipinagbubuntis.

Ito ay dinaluhan siyempre ng kaniyang mga magulang na sina Alma Moreno at Joey Marquez. Ang mga ito ay game na game ring nakisali sa mga games ng gender reveal party ng magiging apo nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Winwyn ay isa sa apat na anak na naging produkto ng pagsasama ni Alma at Joey. Sa ngayon, sila ay may kaniya-kaniya ng bagong pamilya. S

a ginanap na gender reveal party ni Winwyn ay kasama nga ni Joey Marquez ang long-time partner niyang si Malu Quintana. Ang magka-pareho ay nagpaabot ng masaya nilang congratulations sa pagbubuntis ni Winwyn. Hiling nga ni Joey, sana ang ipinagbubuntis ni Winwyn ay isang baby girl.

“I’m very happy, an addition to the family! I just wish it’s a girl. Good luck and more power, anak!”

Ito ang mensahe ni Joey para sa anak na si Winwyn na siya namang natupad ng malaman na ang gender ng apo niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Winwyn nagbigay ng hint tungkol sa kung sino ang ama ng ipinagbubuntis niya

Makikitang sa video ng baby gender reveal party ni Winwyn na super excited itong malaman ang gender ng baby niya. Nang pumutok na nga ang lobo na hawak niya at napuno na ng pink confetti at smoke ang kinatatayuan niya ay napatalon si Winwyn sa tuwa.

Niyakap niya agad ang mga magulang niyang sina Alma at Joey na nasa likod niya. At sunod na napayakap siya sa kaniyang partner at ama ng kaniyang ipinagbubuntis na itinatago parin ni Winwyn ang mukha.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Winwyn Marquez’s Instagram account

Sa description ng YouTube vlog ng gender reveal party ng ipinagbubuntis ni Winwyn ay nagbigay siya ng hint kung sino ang ama ng ipinagbubuntis niya.

Ito ay isang tao na nakasama niya na pagkabata at kilala niya sa loob ng maraming taon. Sa nasabing video description ay pinasalamatan rin ni Winwyn ang mga blessings na natanggap niya nitong taong 2021. At kung gaano siya ka-excited na makita na ang anak niyang ngayong taong 2022.

“2021 gave me the best things despite our situation now. God gave me a partner who gives me infinite love and support and I cannot stress enough how thankful I am for him.

We have a love story only a few can relate to and after 24 years of knowing each other, growing up together, achieving goals on our own – we finally meet in the middle (it’s like destiny brought us together at the perfect time) now we’re finally starting our little family. We just can’t wait to meet our daughter next year!”

Ito ang nasabi ni Winwyn tungkol sa ama ng ipinagbubuntis niya at sa magiging anak nila.

BASAHIN:

Winwyn Marquez sa kaniyang pagbubuntis: “Me and my partner, we’re both so happy!”

Alma Moreno’s advice to daughter Winwyn: Don’t get married yet

McCoy de Leon on marrying Elisse Joson: “Siya na ‘yong partner ko habang buhay”

Winwyn excited ng manganak at makita ang baby niya

Image from Winwyn Marquez’s Instagram account

Sa espesyal na bahagi ng buhay na ito ni Winwyn ay marami rin daw siyang naging realizations kasabay ng pagtatapos ng taong 2021. At maliban sa kasiyahan niya na siya ay magiging isang ina na ay very happy siya na maayos at healthy ang buong pamilya niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Today is page 365/365 and this is My last video for 2021 –  a very very special way to end our year. We finally know the gender of our baby and I can’t wait to meet mini Winwyn next year!! ahhhhh!!”

“2021 was a year of so many realizations – taught me how not to take the small things for granted, to not waste any time in doubt and fear, to  make a move and not be stuck thinking the question “what if?”

“Also, thankful that my family was all safe from any sickness though there were scares.. everyone was well and healthy.”

“Blessings after blessings came but sacrifices were made and it was all worth it.”

Ito ang sabi ng soon-to-be mom na si Winwyn Marquez. Matatandaang inanunsyo niya ang pagbubuntis niya nito lamang Disyembre 18 sa pamamagitan parin ng kaniyang vlog.

 

Source:

YouTube

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement