Winwyn Marquez sa pagiging ina: "It allows me to remain young forever"

Ipinahayag ni Winwyn Marquez kung ano ang nararamdaman niya bilang isang ina sa kaniyang anak na si Luna. Aniya, ibang klase ito ng pag-ibig.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kamakailan ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Winwyn Marquez ilang araw makalipas ang birthday ng kaniyang baby na si Luna Teresita.

Winwyn Marquez on motherhood: I experience love beyond all measure

Nagdiwang ng kaniyang birthday si Winwyn Marquez noong May 4, 2023. 31 years old na ang actress-beauty queen ngayong Mayo.

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi nito ang cute na picture nila ng kaniyang anak na si Luna. Makikita sa larawan na kapwa sila nakasuot ng kulay puti at nakangiti.

Larawan mula sa Instagram ni Winwyn Marquez

Ayon kay Winwyn, nadagdagan man ang kaniyang edad sa pagsapit ng kaniyang kaarawan, dahil sa pagiging ina ay tila mas bumabata siya.

Caption ni Winwyn sa kaniyang post, “I am one year older today, but parenting allows me to remain young forever and experience love beyond all measure! Thank you Lord for this blessed life!”

Larawan mula sa Instagram ni Winwyn Marquez
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Noong May 1 naman ay nagdiwang ng kaarawan ang anak ni Winwyn na si Luna.

Sa isa ring Instagram post ay ibinahagi ng beauty queen ang larawan niya habang buhat ang noo’y 7-day old na si Luna.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aniya, “1st photo nag lungad siya at mukhang tinawanan niya pa ako. 7 days old palang siya niyan.. fast forward - 1 na siya today and ganun padin siya makatingin/titig saakin sana lagi ganyan tingin mo kay mama.”

Heartwarming din ang naging mensahe ni Winwyn para sa kaniyang anak na ngayon ay 1-year old na.

Larawan mula sa Instagram ni Winwyn Marquez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“When I held you in my arms for the first time, I felt like I had the entire world there. You made our lives joyful and complete Luna. There is nothing more important in our world than you. Happy happy birthday my little luna. I love you so much!”

Matatandaang December 18, 2021 nang kumpirmahin ni Winwyn Marquez na siya ay nagdadalang-tao. Samantala, noon ayt nanatiling pribado ang detalye sa kung sino ang ama ng anak ni Winwyn. Non-showbiz kasi ito ay ayon sa aktres, personal matter na lamang ito.

Sinulat ni

Jobelle Macayan