Sa pagdiriwang ng International Women’s Month, malugod naming inihahandog sa inyo ang theAsianparent’s Marvelous Asian Mums o TAP MAMs 2021, kung saan kinikilala namin ang 20 nakakabilib na kababaihang nagbigay ng mahalagang kontribusyon at nakatulong sa kaniyang kapwa nanay at babae. Kilalanin natin si Ivanna Dela Torre, ang babae sa likod ng grupong Women In Policy Org.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kung bakit sinimulan ni Mommy Ivanna ang Women in Policy Org
- Sino ang inspirasyon niya sa kanyang misyon
- Mensahe ni Mommy Ivana sa mga kapwa babae
“Paglaki ko, gusto kong maging Presidente ng Pilipinas!”
Narinig mo na bang sabihin ‘yan ng isang batang babae? Nakakatuwa diba?
Dito sa Pilipinas, hindi imposible na pumasok sa pulitika ang mga babae. Pero sa totoo lang, kulang pa ang dami ng kababaihang kasama sa paggawa ng batas. Ito ang isinusulong ng grupong Women In Policy Org, na itinatag ng ating TAP MAM honoree, Ivanna Dela Torre.
Women In Policy Org
Larawan mula sa iStock
Layunin ng organisasyong ito na magkaroon ng boses ang mga kababaihan sa paggawa at pagpapatupad ng mga batas at polisiya sa bansa.
“@WomenInPolicyOrg is a thought leadership platform that aims to elevate women’s voices in public policy and sustainable development.” sabi ni Ivanna.
Sa kaniyang pagtatrabaho sa larangan ng public affairs dito sa Asia, napansin ni Ivanna na kulang ang mga kinatawan na babae sa gobyerno o institusyon at hindi sila nakakapagdesisyon tungkol sa mga usaping may kinalaman sa kanila.
Dito sa ating bansa, laging sinasabi ng mga pinuno na gusto nilang pangalagaan ang kapakanan ng mga kababaihan. Pero karamihan ng mga nakaupo sa katungkulan ay mga lalaki. Ano nga ba ang alam nila sa pangangailangan ng mga babae?
Isinusulong ng Women In Policy Org na magkaroon ng representasyon ang kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa kanila, at ipakita na may kakayahan ang mga babae na mamuno sa gobyerno, kompanya, at iba pang institusyon ng lipunan.
Kaya ng mga kababaihan
Naniniwala rin si Ivanna na dapat makisali ang lahat sa paggawa at pagpapatupad ng mga batas. Lahat, lalo na ang mga babae at mga nanay na may natural na kakayahan sa gawaing ito.
“Policy-making is not just for those in government. Moms are natural policy-makers. We put rules and systems in place for the good of our family. There’s no reason why we can’t do the same for our community, our country.” aniya.
Malakas ang paninindigan ni Ivanna na maganda ang layunin ng kaniyang organisasyon, at inaasahan niyang lalalim pa ang usaping ito. Gusto niyang makarating at makilala ang Women In Policy Org sa iba’t ibang panig ng mundo, gayundin maging sa maliliit na lugar dito sa Pilipinas. “We need more women in policy champions at every stage and in every home,” dagdag niya.
Larawan mula iStock
Kakaibang lakas ng pagiging ina
Bukod sa pagiging founder ng Women In Policy Org, si Ivanna rin ang Country Head of Corporate Affairs ng Sanofi Philippines, isang malaking pharmaceutical company. Siya rin ay isang asawa at ina.
Sa dami ng mga papel na kaniyang ginagampanan, napagsasabay-sabay kaya ba niya ang mga ito? Para kay Ivanna, ang mahalaga ay hindi tayo sumusuko sa mga pagsubok na ating hinaharap.
“The journey to achieving this so-called balance is chaotic. It isn’t easy. It requires your all. And I fail, we fail a lot of times. But we try. And we wake up the next day trying again. That’s what counts.” aniya.
Nilarawan naman niya ang pagiging ina bilang isang napakahirap at nakakapagod na gawain, pero ipinapakita lang nito kung gaano kalakas ang mga kababaihan.
“Motherhood is like landing the Perseverance rover on Mars while there’s a global pandemic on Earth. It’s exciting, exhausting and empowering interchangeably in a period of time.”
Bagama’t napakarami na niyang narating sa kaniyang karera, ang tinuturing pa rin niyang superpower ay ang magpadede.
Sa lahat ng kaniyang ginagawa, kumukuha siya ng inspirasyon mula sa kanyang anak, at lahat ng kabataan. “We owe it to them to hand over a kinder place that will not discriminate and tolerate hatred against others.” dagdag pa niya.
BASAHIN:
#StrongWomen: Female leaders, mas magaling nga ba sa pagresponde sa pandemic?
TAP MAM: Senator Risa Hontiveros, Women’s Rights Advocate and Empowered Solo Parent
New on Netflix: Women’s Month Watch List
Mensahe sa kababaihan
Ang misyon ni Ivanna at ng Women In Policy org ay nagmula rin sa nakita niyang kabayanihan at pagmamalasakit ng mga babaeng tinitingala niya.
“Mother Teresa dedicated her life caring for the destitute and dying. While this is a tall order and I am very, very, very far from this degree of selflessness and dedication, this is the magnitude of care that we need. When we see others wholly and fully submitting themselves for the good of the world, it moves us to do the same.”
Nagpapasalamat si Ivanna sa pagkilala ng TAP dahil nabigyan siya ng pagkakataon na isulong ang Women In Policy Org. Nananawagan siya sa mga kapwa babae na maghawak-kamay, mamuno at iparinig ang kanilang boses sa mga usaping may kinalaman sa kanilang araw-araw na buhay.
Huling paalala ni Ivanna, “Vote for more women in the 2022 national elections. And encourage more women to run.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!