TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

#StrongWomen: Female leaders, mas magaling nga ba sa pagresponde sa pandemic?

3 min read
#StrongWomen: Female leaders, mas magaling nga ba sa pagresponde sa pandemic?

Mas safe nga ba ang mga bansang may women leaders laban sa coronavirus?

Mas magaling nga ba ang mga tactic ng women leaders sa coronavirus kaysa sa iba? Ano nga ba ang gumana para sa mga bansang ito na mabilis naka-recover sa pandemya?

Women leaders coronavirus

New Zealand, Germany, Taiwan at Denmark. Ilan lang ito sa mga bansang unang umayos ang sitwasyon laban sa COVID-19. Ano nga ba ang pinagkapare-pareho nila? Women leaders.

New Zealand

women leaders coronavirus

Image from The NY Times

Bukod sa napakagandang ehemplo ng leadership ni PM Jacinda, idineklara na COVID-free ang New Zealand nitong Hunyo lamang. Itinaas na ang lahat ng restrictions sa bansa katulad ng social distancing. Hindi na rin ipinagbabawal ang mga gatherings ngunit nananatiling nakasara para sa mga foreigners ang bansa.

Ayon sa Prime Minister, sustained effort ang kanilang ginawa upang ma-flatten ang curve. Noong Marso 25 sila nagdeklara ng lockdown at tinawag nila itong four-stage alert system. Ang lockdown period ay nakapaloob sa Level 4 at noong April ay binaba na ito sa Level 3 pagkatapos ng limang linggo.

Germany

Ang Germany na parte ng European Union ay isa sa mga may pinakamabababang kaso ng deaths due to COVID. Ito ay dahil sa pamumuno ni Angela Merkel. Dahil mayroon siyang doctorate sa quantum chemistry, naging malinaw at scientific ang paliwanag niya sa pandemya. Dahil dito naintindihan din ng mga mamamayan sa Germany kung bakit kinakailangan ang lockdown.

Taiwan

women leaders coronavirus

Image from The NY Times

Katulad ng lider ng New Zealand, warm at authoritative ang style ng pamumuno ni PM Tsai Ing-Wen. Hindi kinailangang mag-lockdown sa bansa dahil nagkaroon sila kaagad ng 124 na control at contain measures sa ilang linggo pa lamang na nagsisimula ang pandemya. Dahilan para magkaroon lamang ng 6 recorded deaths sa Taiwan.

Ngayon ay tumutulong din sila sa mga bansang lubhang apektado ng COVID tulad ng US at Europe sa pamamagitan ng pagbigay ng mga face masks.

Denmark

Prevention naman ang naging tactic ng Denmark sa pagpuksa sa pandemya. Naging fair umano ang leader nilang si Mette Frederiksen dahil kaagad niyang ipinasara ang mga borders noong Marso pa lamang. Kasunod nito ay ipinasara rin muna ang mga paaralan sa kanila at ipinagbawal ang mga gatherings.

Nagresulta ito ng kaunting kaso ng COVID sa Denmark at mayroon lamang 8,000 confirmed cases at 370 deaths doon.

Sitwasyon ng Pilipinas sa pandemya

women leaders coronavirus

Image from Freepik

Sa kasalukuyan ay mayroon ng 25,930 confirmed cases ng COVID dito sa Pilipinas at umabot na ng 1,088 ang death toll. Umakyat naman sa 5,954 ang mga naka-recover, ngunit patuloy ang pagtaas ng mga kaso kada araw ng mahigit 300 fresh cases.

Ngayon ay 15 days na rin ang nakalipas mula binaba ang Enhanced Community Quarantine sa NCR at isinailalim ito sa General Community Quarantine.

Sa ilalim ng GCQ, pinapayagan na ang mga public and private sectors na mag-operate muli. Ito ay basta sumusunod sila sa 50-50 workforce policy.

Umaabot sa 100,000 katao ang mga daily commuters sa Metro Manila. Dahilan para lalong tumaas ang risk ng COVID para sa kanila.

Gayunpaman, ipinagbabawal pa rin ang pagpasada ng mga jeep, pati na rin ang motorcycle-hailing ride na Angkas. Halos 2,000 Grab at taxi drivers naman na ang pinayagan ng LTFRB na magbalik pasada. Ngunit strikto nilang ipinapatupad ang social distancing kahit sa loob ng sasakyan.

 

Source:

NY Times, The Guardian, Rappler

Basahin:

New Zealand, COVID-free na! Prime minister, isa rin palang super mom

Partner Stories
Enjoy Free Shipping, ₱1 Deals, Bigger Cashbacks, and More at the 4.4 ShopeePay Cashless Festival
Enjoy Free Shipping, ₱1 Deals, Bigger Cashbacks, and More at the 4.4 ShopeePay Cashless Festival
Smart, Efficient, and Stylish—Samsung Launches Bespoke Top-Mounted Refrigerator to Reinvent and Refresh Your Kitchen
Smart, Efficient, and Stylish—Samsung Launches Bespoke Top-Mounted Refrigerator to Reinvent and Refresh Your Kitchen
Learn and play with Ronald and the Gang as the  McDonald’s Kiddie Crew Workshop returns...online!
Learn and play with Ronald and the Gang as the McDonald’s Kiddie Crew Workshop returns...online!
IWD 2024: New Research By Avon Indicates Reversal In Progress On Gender Equality
IWD 2024: New Research By Avon Indicates Reversal In Progress On Gender Equality

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

mayie

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • #StrongWomen: Female leaders, mas magaling nga ba sa pagresponde sa pandemic?
Share:
  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko