Wonder Woman si Lola Gunda na taga-Lucban, Quezon sapagkat hindi lamang siya Wonder Nanay, Wonder Lola rin siyang maituturing.
Nag-pose si Lola Segunda Unlayao bilang si Wonder Woman para sa kaniyang ika-80 anyos na kaarawan.
Sa katunayan ang alam ni Lola Gunda para sa isang school project ang pagsuot nito ng costume ng Wonder Woman at kailangan nga itong kuhanan “in action.”
Game na game naman si Lola Gunda ng sabihin nito ng kaniyang mga apo sa kaniya.
Ang hindi alam ni Lola Gunda ang mga litratong kanilang kukuhanan na siya ay naka-costume na Wonder Woman ay para sa isang surprise slideshow di-umano na kanilang inihanda para nga sa ika-80 anyos na kaarawan nito noong nakaraan ngang taon, buwan ng Disyembre.
Wonder Lola
Wonder Woman si Lola Gunda sapagkat nagsasaka pa rin ito kahit na sa kaniyang matandang edad.
Aniya nga ng kaniyang mga apo, malakas pa talaga di-umano ang kanilang lola at mas manghihina di-umano siya kung nasa bahay lang daw siya at walang ginagawa.
Ipinost nga ng kaniyang apo na Makati-based na photographer na si Ronn Unlayao ang pagaala-Wonder Woman ngang photo shoot ng kaniyang Lola Gunda.
Aniya sa kaniyang caption, “💪🏻 Flex ko lang ang lola naming walang kapaguran, nanghihina daw sya pag nasa bahay lng at walang ginagawa. Sa edad na 80 nagsasaka pa rin. Nanay Gunda, ang tunay na Wonder Woman. 👵🏻”
Dagdag pa niya, “Every mother is a Super Hero, they never get tired. Our Wonder Nanay, a warrior in life.”
“PS. Masarap din po syang mag luto ng Budin! #SegundaClanKnows 😊,” pahabol pa ng apo.
Ayon nga sa apo niyang si Ronn nakita ni Lola Gunda ang slideshow ng kaniyang mga litrato noong ika-28 ng Disyembre, Sabado, noong nakaraang taon, 2019, sa kaniyang naging surprise birthday party.
Nagkaroon pa di-umano ito ng isa pang espesyal na regalo sa kaniyang kaarawan sapagkat umuwi ang kaniyang bunsong anak na pari na nasa mission nga sa abroad.
Featured story
Dahil nga sa napakagandang kuwento ng Wonder Woman si Lola Gunda, na-feature nga ang kaniyang istorya sa SONA: State of the Nation ng GMA News.
Natuwa nga si Lola Gunda ng ma-feature ito sa TV at makita ang kaniyang sarili.
Tungkulin ng anak sa magulang pag sila ay matanda na
Tungkulin ng anak sa magulang,mayroon nga ba? Hindi man sa legal at pinansyal na paraan pero oo may tungkuling dapat gampanan ang mga anak sa mga magulang. Lalo na kapag sila ay dumating na sa edad na sila ay mahina at matanda na. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Itrato sila ng may respeto at dignidad
Image from Freepik
Ang unang tungkulin ng anak sa magulang ay ang itrato sila ng may respeto at dignidad.
Utang natin sa ating mga magulang ang ating buhay. Kung hindi dahil sa kanila wala tayo sa mundong ating ginagalawan ngayon. Bilang kapalit sa kanilang pag-aaruga at mga sakripisyo habang tayo ay lumalaki, marapat lang na makatanggap sila ng respeto at dignidad mula sa atin. Isang bagay na dapat nating gawin kahit hindi man naging maganda paminsan-minsan ang ating relasyon sa kanila.
2. Makinig sa kanilang sinasabi
May mga pagkakataong makukulit ang mga matatanda, paulit-ulit ang kanilang sinasabi. Ito ay dahil gusto lang nilang kunin ang atensyon mo. Kaya naman huminto at saglit na makinig sa kanilang sinasabi. Iparamdam sa kanila na ang kanilang boses at sasabihin ay mahalaga para sayo. Tulad ng kanilang ginagawa sayo noong ikaw ay bata pa at puro tanong. Pakinggan din sila at iparamdam ang pagmamahal na ibinigay nila sayo noong ikaw ay musmos pa.
Image from Freepik
3. Bigyan sila ng oras
Busy man ang ating schedule ay dapat bigyan pa rin natin ng oras ang ating mga magulang. Bisitahin natin sila at mag-spend ng quality time kasama sila. O kaya naman ay tawagan sila at kumustahin ang naging araw nila. Maliit na bagay ito kung maituturing sa mga oras at araw noon na kanilang inilalaan sa pag-aaruga sa atin. Lalo na noong mga panahong hindi pa nating kayang tumayo sa sarili nating mga paa. At naka-depende ang ating buhay sa pagsisikap nila.
4. Turuan sila
Bagama’t sila ay mas matanda, hindi naman lahat ng bagay ay alam na nila. Tulad na lang ng mga gadgets at bagong technology ngayon. Turuan sila tungkol sa mga ito. Lalo na kung ito ay makakatulong sa kanila at makakapagpagaan ng kanilang buhay.
Image from Freepik
5. Siguraduhing mayroon silang bahay na matutuluyan
Dito sa Pilipinas ay tipikal na makikita ang isang matanda na nakatira kasama ng pamilya ng isa sa kanyang mga anak. Minsan sila nga ang naatasang magbantay sa kanilang apo kapag wala ang kanilang mga anak o nagtatrabaho. Hindi man nila sabihin ay nakakadagdag ito sa kanilang confidence sa sarili. Dahil sa kabila ng kanilang edad ay alam nilang kailangan pa rin sila ng kanilang mga anak. Dagdag pa ang sayang dulot ng pag-aalaga ng kanilang mga apo na para bang nagbabalik sa kanila ng mga alaala noong ang kanilang mga anak ay maliliit pa.
6. Alamin at respetuhin ang kanilang mga kahilingan
Masakit mang pakinggan pero dapat mong pansinin at seryosohin ang mga kahilingan na ibinibilin ng iyong mga magulang. Kailangan mong respetuhin ito tulad ng pagrespeto mo sa kanila. Dahil anuman ang kahilingang ito panigurado ito ay makabubuti sa’yo at sa iba pang mahal sa buhay na kanilang maiiwan sa darating na panahon. Sa ganitong paraan ay magiging panatag ang kanilang loob na mawala man sila ay may papalit sa kanilang papel na magsisiguro ng kinabukasan ng mga taong mahahalaga sa kanila.
Source: Ronn Unlayao
Basahin: 50-taong gulang na Lola, nanganak pa rin kahit menopause na
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!