Isa ka ba sa mga nagpaalam sa mga nagpaalam na hindi pumasok ngayong kasagsagan ng Taal volcano eruption? Naglabas ang CNN Philippines tungkol sa mga kaalamang maaari mong ibahagi tungkol sa mga ipinapatupad na work suspension January 13, 2020 na galing mismo sa DOLE.
Ayon sa Department of Labor and Employment, o DOLE, sa Section 1 ng Article 5 ng Labor Code of the Philippines, sa panahong mayroong panganip galing sa natural calamity, maaaring magsuspinde ang mga private sectors upang unahin ang kaligtasan ng mga empleyado.
Image from Unsplash
Sa mga panahong ito, hinahayaang makipag coordinate ang mga private company sa kani kanilang safety officers at magdeklara ng suspension of work day.
Maapektuhan ba ang sweldo?
Nasusulat rin sa Section 2 ng Article 5 ang mga regulations pagdating sa sweldo.
(a.) Kapag hindi nagtrabaho sa araw na ito.
Kung ang isang empleyado ay hindi nagtrabaho sa panahon ng natural calamity na ito, sila ay hindi mababayaran. Sa makatuwid, maiaapply ng kumpanya ang no work, no pay policy maliban na lamang kung may policy ang kumpanya tungkol sa mga ganitong pangyayari.
Isang maaaring puwedeng gawin ng empleyado ay ang paggamit ng kanyang natitirang leaves upang maging paid ang kanyang hindi pag tatrabaho sa araw na ito.
(b.) Kapag nagtrabaho kahit wala sa opisina
Kung ang iyong kumpanya ay may option na mag work remotely o work from home, hindi puwedeng kaltasan ng kumpanya ang iyong sweldo sa araw na ito kung sakaling ikaw ay nag trabaho nang malayo sa opisina. Tandaan na wala rin itong additional pay.
Hinihikayat rin ng DOLE na magbigay ng nararapat ng incentives and mga private sectors para sa mga empleyadong magtatrabaho sa araw ng kalamidad upang maibsan ang pangamba kahit kaunti.
Image from Unsplash
Maaari bang tumangging magtrabaho sa araw na ito?
Para sa ibang mga kumpanya na may ongoing operations, halos imposibleng magkaroon ng pag sususpend ng work day. Ngunit ayon sa Section 3 ng Article 5, ang mga empleyadong humiling ng day off sa araw ng kalamidad dahil sa mga panganib na dala nito, ay hindi dapat makatanggap ng kahit anong sanction mula sa kumpanya.
Kung ikaw ay nag-aalangan tungkol sa work suspension ngayong January 13, 2020, bumase lamang sa pahayag ng DOLE.
Pagputok ng bulkang Taal
Sa kasalukuyan ay nahaharap na naman sa isang pagsubok ang mga Pilipino. Ito ay ang pagputok ng bulkang Taal na nagdulot ng pag-ulan ng putik at abo sa probinsya ng Batangas at iba pang kalapit na lugar nito.
Kaya naman, paalaala ng mga kinauukulan sa lahat ng mga nakatira sa apektadong lugar na mag-ingat. At lumikas na papunta sa lugar na ligtas at makakaiwas sila sa panganib na dulot ng pagputok ng bulkan.
Volcanic eruption safety measures
Ang volcanic eruption ay mas madaling paghandaan kaysa sa lindol na hindi mo alam kung kailan tatama sa inyo. Masaabi nating mapapaghandaan ang volcanic eruption pero ang bawat segundo rito ay importante at kailangang mabilis gumalaw. Narito ang mga dapat mong tandaan kung sakaling sumabog ang bulkan.
Before volcanic eruption:
Kung sakaling naging aktibo bigla ang bulkan, agad naman itong ibabalita sa inyo. Bago ito sumabog, makikita ang kulay gray at makapal na usok na lumalabas sa bibig ng bulkan.
Kung nakatira ka malapit sa bulkan, alamin kung ano ang mga local monitoring agency sa inyong lugar. Intindihin kung saan pupunta kung sakaling aktibo ang bulkan at nagbabadyang sumabog. Alamin ang mga evacuation center o route na maaaring puntahan.
Image from Unsplash
Ito ang importanteng bagay, ihanda na ang mga importanteng gamit katulad ng mahahalagang dokumento, mga pagkain, damit, pera, emergency kit, medical kit o madaming tubig.
During volcanic eruption:
Unang una, ikalma ang sarili.
Kung kayo ay inabisuhan na manatili lang sa inyong bahay, sundin ang local authorities para sa inyong kaligtasan. Isarado ang lahat ng pinto, bintana o iba pang maaaring pagpasukan ng abo na galing sa bulkan. Lahat naman ng mga hayop na nasa labas ay ipasok sa loob ng bahay. Delikado kasi kapag nalanghap nila ang ash na galing sa bulkan.
Basahin: Mga netizens nagrereklamo sa halos tripleng pagtaas ng mga protective masks
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!