X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Unsolved Mysteries: Ama, pinatay ang asawa at apat na anak habang natutulog

6 min read

Usap-usapan na naman ngayon ang inilabas na 3rd episode sa Netflix na Unsolved Mysteries. Patungkol sa kaso ni Xavier dupont de ligonnès. Isa ito sa mga kaso at misteryo na maaaring gustong-gusto mong maresolba pagkatapos mo itong mapanuod. Ayon sa mga nakanuod sa sobrang disturbing nito ay sana hindi mo na lang ito napanuod.

Ang episode na pinamagatang “House of Horrors” ay isang kwento ng isang sikat na kaso sa France. Sa sobrang sikat nito nailathala ito sa mga libro at podcasts.

xavier dupont de ligonnès

Noong April 2011, ang pamilyang Dupont de Ligonnès mula isang aristocratic at noble blood mula sa Nantes France ay bigla na lang naglaho.

Si Xavier at kaniyang asawa na si Agnes kasama ang kanilang apat na anak na sina Arthur, 21, Thomas 18, Anne, 16, at Benoit, 13 ay bigla na lang naglaho. Kasabay nito ang pag-close ng kanilang mga banko, pagkawala ng kanilang mga gamit. Sa kanilang mailbox may isang note na may nakalagay na, “Return all mail to sender.”

Ang misteryong message na ito mula sa kanilang pamilya ay nagmula sa kanilang padre de pamilya na si Xavier. Sinasabi ni Xavier na isa siyang U.S secret agent na nasa ilalim ng witness protection program. Kasabay ng mga sinabi ni Xavier ang pagtanggap ng Catholic school na pinapapasukan ng kaniyang mga anak na sila umano ay lilipat na sa Australia.

Matapos ang isang linggo isang kapit-bahay ni Dupont de Ligonnès at sinabi na ang pamilya ay natagpuan patay maliban sa kay Xavier. Mula sa pagiging nobleman nagig prime suspect na si Xavier sa isang murder case.

Ano ang nangyari sa pamilya Dupont de Ligonnès?

xavier dupont de ligonnès

Natagpuang patay si Agnes kasama ang kanilang apat na anak at dalawang asong Labrador sa ilalim ng kanilang terrace sa kanilang grand house noong April 21, 2011. Nakabalot ang mga ito sa isang bag katabi ang mga religious icon.

Sa autopsy na isinagawa napag-alamang ang sanhi ng kanilang pagkamatay ay “methodical execution.” Ang mga anak ay pinainom ng sleeping pills saka binarily sa ulo gamit ang .22 rifle. Nagkataon naman na ang rifle na ito ay ang rifle na ipinamana ng ni Hubert, tatay ni Xavier ilang buwan ang nakakalipas bago maganap ang krimen.

Unsolved Mysteries: Ama, pinatay ang asawa at apat na anak habang natutulog

Ayon sa Unsolved Mysteries episode, ang mga anak nina Xavier at Agnes ay may magaganda sanang future. Ang kanilang anak na si Arthur, na anak ni Agnes sa ibang lalaki at inampon ni Xavier ay nag-aaral ng IT sa college. Si Thomas ay may passion sa music at nasa kolehiyo na rin. Si Anne ang pangatlo nilang anak ay nasa hayskul at may career din sa modelling. Ang kanilang bunso naman na si Benoit, ay nag-aaral sa school na pinapasukan din ng kaniyang kapatid na babae.

Naging prime suspect si Xavier Dupont de Ligonnès sa pagkamatay ng kaniyang pamilya, at nagkaroon na ng manhunt sa kaniya sa France

Mas umiigting na isang prime suspect si Xavier sa nangyarig krimen sa kaniyang pamilya. Bago umano kasi maganap ang krimen ay nagpa-practice ito ng shooting sa isang local rifle club at bumili pa ito ng isang silencer ayon sa mga awtoridad. Bumili rin umano siya ng garbage bag at semento.

Napag-alaman din na si Xavier ay may kinakaharap na problema patungkol sa malaki niyang pagkakautang. Ang mana ni Xavier ay squandered. Ayon naman sa librong Bodies in the Garden. Si Agnes na madalas nasa mga online forum ay binanggit na sinabi umano ni Xavier na, “If we all die at once, then everything would be over. We would no longer miss anything.”

xavier dupont de ligonnès

Matapos mangyari ang massacre agad ng tumakas si Xavier at nagtago. Noong April 12, nakita siya sa isang hotel sa South France. Ang huling pagkakataon na nakita siya ay noong April 15, 2011 sa coastal town ng Roquebrune-sur-Argen. Nakita sa CCTV na umalis siya hotel at nag-withdraw ng €30, iniwan din niya ang kaniyang blue Citroen C5 na sasakyan.

Suspetsa ng mga pulis ay nagpakamatay na ito subalit wala naman katawan silang natagpuan upang magpatunay sa alegasyon na ito. Posible rin umanong nakalabas siya ng France.

Noong 2015, kumonekta siya sa mga journalist

Nagpadala ng isang note sa isang journalist sa Agence France-Presse na nagsasabing siya ay buhay pa. “I am still alive.” at “From then until this hour.” Matapos nito hindi na naglabas ng kahit anong impormasyon si Brigitte Lamy, ang prosecutor for Nantes tungkol sa kaso.

Xavier Dupont de Ligonnès : une mystérieuse photo envoyée > https://t.co/Hpod8bP0mS pic.twitter.com/30FTRaXR8T

— RTL France (@RTLFrance) July 24, 2015

Sa paglipas ng mga panahon umabot sa halos 1,000 leads kung na saan si Xavier pero simula noon ay wala pa rin nakakaalam kung nasaan siya. Kaya naman umaasa ang marami sa pamilya at naiwan nina Agnes at kanilang mga anak na matatagpuan na ito. Kasama ang milyong-milyong nakapanuod ng episode na ito sa Netflix. Dahil kasi sa episode na ito tingin ng marami mapapadali ang paghuli at paghahanap kay Xavier dahil sa nakukuha nitong public distinction.

Bakit nagagawang patayin ng isang ama ang kaniyang pamilya?

Wala pa umanong matinding pag-aaral ang naisasagawa patungkol sa kung bakit nagagawang patayin ng isang padre pamilya ang kaniyang buong pamilya.

Ang familicides o pagpatay ng isang partner sa kaniyang partner at mga anak ay maaaring maintindihan bilang porma ng gender-based violence. Kahit wala o mayroon presensya o history ng physical violence. Minumungkahi nito na ang mga ganitong krimen ay gender-based. Kung saan male violence against women. Maaaring nag-ugat umano ito sa social at structural dimensions ng gender.

Ibig sabihin mahalagang salik ang gender o kasarian sa ganitong usapin. Sa isang pag-aaral na isinagawa kadalasang ang mga nakakagawa nito ay kalalakihan na nasa isang heterosexual family relationship. Ang history ng domestic violence ay isa sa mga key risk factor.

Isa pang key risk factor ay kapag ang partner o asawa ay gusto nang makipaghiwalay o umalis sa relasyon. Subalit hindi niya ito masabi o walang tamang komunikasyon nauuwi ito sa homicide o intensified violence.

Maaari rin itong tignan sa pagkawala ng kanilang masculine domains kaya humahantong sa familicides. Ang mga ganitong uri ng krimen umano ay pre-meditated o pinag-iisipang mabuti bago nila ito gawin. Ilan sa mga dahilan kung bakit ito nangyayari ayon sa mga kaso sa Australia ay ang mga sumusunod:

  • Financial struggles
  • Imminent separation o paghihiwalay
  • Custody battle para sa mga anak

May mas malalim pa na usapin patungkol sa mga ganitong krimen. Sabi ng mga eksperto mas dapat suriin ang kinalaman ng gender o kasarian patungkol sa mga ganitong krimen. Sapagkat naniniwala sila na may malaki itong ginagampan sa paggawa ng mga ganitong krimen.

 

Source:

oprahmag, Netflix

 

BASAHIN: 

5 facts tungkol sa kaso ni Chris Watts na hindi naipalabas sa Netflix dokyu

Nichol Kessinger: 7 na bagay tungkol sa kabit ni Chris Watts

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marhiel Garrote

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga Tunay na Kuwento
  • /
  • Unsolved Mysteries: Ama, pinatay ang asawa at apat na anak habang natutulog
Share:
  • Ama, pinatay ang biyenan, asawa, at ang tatlo nilang anak

    Ama, pinatay ang biyenan, asawa, at ang tatlo nilang anak

  • Husband allegedly murders wife, stuffs body in suitcase

    Husband allegedly murders wife, stuffs body in suitcase

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Ama, pinatay ang biyenan, asawa, at ang tatlo nilang anak

    Ama, pinatay ang biyenan, asawa, at ang tatlo nilang anak

  • Husband allegedly murders wife, stuffs body in suitcase

    Husband allegedly murders wife, stuffs body in suitcase

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.