Ibinahagi ni Xian Lim kung gaano ka-supportive sa kaniya ang mom niyang si Mary Anne Lim.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Relasyon ni Xian Lim at mom niyang si Mary Anne Lim.
- Gaano ka-supportive ang ina ni Xian Lim sa kaniya.
- Mensahe ni Xian sa kaniyang Mommy Mary Anne.
Relasyon ni Xian Lim at mom niyang si Mary Anne Lim
Maliban kay Kim Chiu, may isa pang babae ang laging kasa-kasama ni Xian sa mga social media post niya. Walang iba ito kung hindi ang mom niyang si Mary Anne Lim na agaw-pansin rin ang ganda.
Sa pinakabagong vlog ng aktres na si Kim Chiu ay mas ipinakilala niya ang ina ni Xian. Ibinahagi rin roon ang natatanging relasyon ni Xian at kaniyang Mommy Mary Anne na pangarap ng bawat ina at anak.
Halos pareho ng hilig si Xian at mommy niya. Dahil sa itinaguyod siya nito bilang isang single mom ay nakuha ni Xian sa ina ang pagmamahal sa musika. Marami daw itong musical instruments na kayang tugtugin tulad ng gitara, flute, at violin. Habang para kay Mommy Mary Anne naman pinaka-magandang blessing mula sa Diyos ang maging anak niya si Xian.
“Masaya kasi I really prayed for a baby boy. Sabi ko nga I must have been good kasi binigay ng Diyos lahat ng hiling ko. He’s really a good boy.”
Ito ang paglalarawan ni Mommy Mary Anne sa anak niyang si Xian.
Gaano ka-supportive ang ina ni Xian Lim
Si Xian naman sinabing very thankful siya sa ina. Maliban sa ginawang magandang pagpapalaki nito sa kaniya, hindi daw matatawaran ang pagiging supportive nito sa kaniya. Si Xian na lumaki sa Amerika, ikinuwento kung paano sila napauwi ng Pilipinas na dulot ng pagiging supportive ng mom niya.
“Si Mom naman, sobrang supportive niya when it comes to career. Hindi naman siya ‘yong parang ito yung kailangan mong gawin.”
“Sinabi ko sa kaniya na gusto kong maging basketball player. Agad na binenta ni Mommy ‘yong bahay namin, ‘yong kotse sa US tapos punta agad kami dito in a matter of 3 months. Hindi niya nga tinanong kung magaling ka ba anak? Walang ganun.”
Ito ang natatawang kuwento ni Xian.
Pagpapatuloy niya noong nandito na sila sa Pilipinas ay na-realize niyang hindi pala siya magaling mag-basketball. At doon na nga siya napasok sa pag-aartista.
Si Mommy Mary Anne hindi nanghinayang na iwan ang lahat para kay Xian. Noon kuwento niya ay may piano studio business siya sa US na hindi siya nagdalawang isip na ibenta para sa anak. Iniwan niya rin ang ilang mahahalagang tao sa buhay niya para matupad lang ang pangarap ng anak.
Pagdating sa relasyon ni Xian at Kim Chiu, all support rin si Mommy Mary Anne. Sabi pa nga niya ay nagpapasalamat siya na nakatagpo si Xian ng isang babae na tunay ang pagmamahal sa kaniya.
“I’m happy nagkakasundo kayo, wala kayong scandal. Wala kayong 3rd party. It’s very pure. I’m very proud. I can say perfect love team.”
Ito ang sabi ng ina ni Xian sa relasyon nila ni Kim.
Mensahe ni Xian sa kaniyang Mommy Mary Anne
Nitong nakaraang taon sa birthday ng kaniyang ina ay may sweet na mensahe si Xian inalay para dito. Kalakip nito ang isang advertisement na ini-endorse noon ng ina na isang commercial model noong kabataan niya. Si Xian pinasalamatan ang Mommy niya sa lahat ng sakripisyo at ang pagpapalaki niya dito ng maayos kahit mag-isa lang siya.
“To my dearest mother, happiest birthday to you! Thank you for all the sacrifices you made sa pagpapalaki sa akin. Thank you for always being the person I can count on. And thank you for supporting me in everything I do and loving me unconditionally.”
Ito ang panimulang sabi pa ni Xian.
Pagpapatuloy pa niya, bagamat tulad ng lahat ng relasyon ay mayroon rin silang hindi pagkakaintindihan na ina kung minsan. Pero maswerte daw siya na lagi itong nasa tabi niya.
“We may have our disagreements on certain matters at times but at the end of the day, our bond and love for each other will always prevail. I love you so much mom and I am very lucky to have you by myside. When times get rough for me, you always know how to listen and cheer me up.”
Sa huli, may birthday wish si Xian para sa ina at para na rin sa kaniya ay ang mas maraming taon pa silang magkasama.
“Lastly, out of the million reasons to be grateful…Thank you for giving me life and bringing me to this world. I wish we have a thousand more birthdays to celebrate together.”
Ito ang mensahe ni Xian Lim sa mom niyang si Mary Anne Lim.