Tinanong mo na rin ba ang iyong anak kung ano ang kaniyang dream job kapag siya ay tumanda na at wala pang masagot? Alamin ang iba’t ibang rason kung bakit ayos lang na hindi niya pa ito alam sa ngayon.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- 5 reasons kung bakit ayos lang na wala pang dream job ang iyong anak
- Paano nga ba masusuportahan ang anak sa kanyang pag-aaral?
5 reasons kung bakit ayos lang na wala pang dream job ang iyong anak
Maraming mga bata ang active na sumasagot sa tanong na “Ano ang gusto mo paglaki?” May mga sagot na galing sa inspirasyon kung ano ang kanilang nakikita sa paligid tulad ng doktor, architect, o kaya naman at teacher. May iba naman na nangangarap ng kakaibang career gaya na lamang na austronaut.
Nakatutuwa na may mga batang sa murang edad pa lamang ay may nakikita nang gusto nilang tahaking landas sa future. Nagiging way kasi ito upang magkaroon sila ng guide at inspiration sa pag-aaral.
Sa kabilang banda, may mga bata rin namang kapag tinanong mo kung ano ang gusto nila sa pagtanda ay walang maisagot. Hindi pa nila alam ang konkretong kasagutan para dito. Hindi rin naman nangangahulugang hindi ito maganda, sa katunayan nga ay ayos lamang ito.
Narito ang ilang rason kung bakit:
- Mas flexible at open pa sila sa ibang ideya kung ano ang kanilang nais – Ang kalagayan ng anak na wala pang partikular na matukoy kung anong gusto ay maaaring magbigay sa kanila ng daan upang makahanap pa ng ibang mas angkop sa kanila. Ibig sabihin, hindi sila nalilimitahan sa iisang pangarap lamang dahil patuloy ang kanilang discovery at exploration sa iba pang bagay.
- Nababawasan ang pressure sa kanilang studies – Maiiwasan din nito ang labis-labis na pressure sa kanilang pag-aaral na dala ng pagpupumilit na ma-achieve ang kanilang dream job kaya sa school pa lang ay pinipilit na nila. Halimbawa ay kung gusto niyang maging Math teacher ay magsusumikap siyang magkaroon ng mataas na grade sa subject na ito upang mapatunayan lamang na deserve niya ang dream job niya.
- Nagbabago pa ang kanilang gusto habang tumatanda – Ang pangarap nila ngayon ay maaaring hindi na nila pangarap sa susunod na taon. Kaya nga ayos lang na kung ngayon na tinatanong mo ang anak at wala pang masagot. Dahil halos lahat naman ng bata ay nababago pa ang gusto nila sa buhay later on.
- Magkakaroon ng chance na makilala pa nila ang sarili – Dahil nga wala sila itinakdang unang dream job na gusto nila, mas malaki ang pagkakataong makikilala pa nila ang sarili nila at tunay na gusto nang hindi pinangungunahan.
- Makaiiwas sa burn-out at iba pang stress. Mabibigyan din sila ng time and space na hindi maburn-out sa pagwo-work hard makamit lamang ang mga gusto for their career. Let them rest and breathe first at alamin ang gusto nila sa tamang panahon.
BASAHIN:
Saan kayo nakatira? May epekto ang location ng tahanan sa development ng bata, ayon sa pag-aaral
Gas stove ang pang-luto sa bahay? Ayon sa pag-aaral, ito ang epekto nito sa kalusugan ng bata
Mga magulang, narito ang masamang epekto ng pamamalo sa bata ayon sa pag-aaral
Paano nga ba masusuportahan ang anak sa kanyang pag-aaral?
Malaking parte ng buhay ng iyong anak ang pag-aaral. Ito kasi ang magdidikta kadalasan kung ano ang kanilang career at future life. Kaya nga mahalaga ang papel ng parents upang masuportahan sila sa studies. Kadalasan kasi kaya pumapalya ang bata sa school ay dahil sa kakulangan ng suporta mula mismo sa kanilang parents.
Narito ang ilang tips upang masigurong nagagawa mo ang role mo as parent when it comes to your kids education:
- Maghanda na kaagad financially tulad ng pagkakaroon ng insurance, budget, savings, at emergency fund para sa kaniyang pag-aaral.
- Iwasang diktahan ang anak sa kung ano ang gusto niyo as parents sa halip ay tanungin siya kung saan siya mas masaya at mas komportable.
- Suportahan ang kanyang mga gustong salihang activities sa school nang hindi pinararamdaman na napipilitan lamang kayo.
- Maging kuntento sa kung ano lang ang kaya niyang gawin at ibigay para sa kanyang pag-aaral.
- Imbes na palaging magsermon, gumawa ng paraan upang mas ma-motivate pa siya sa mga bagay na mahina siya.
- Iwasang ikumpara siya sa ibang tao gaya ng kanyang kabigan, kaklase maging ang kanyang mga kapatid pa man para hindi magbunga ito ng labis na pressure.
- Subukang magbigay ng reward sa tuwing may naa-achieve siyang goal sa school.
- Huwag magbigay ng pressure sa kanyang grades upang maiwasang maburn-out siya sa murang edad.
- Tulungan at i-guide siya sa ilang gawaing nahihirapan siya gawaing mag-isa.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!